Sampung mga barko ang binili ni Skull gamit ang mga kayamanang kaniyang itinago sa sekretong silid na natunton ni Rekker noon. Barkong pandigma na may mga kanyon ang magkabilang gilid at kinargahan ng dalawang daang mga bala bawat isang barko. Kasama ang mga baril at di mabilang na mga bala. Kahit sino ay iisipin na sasabak sa gera ang bumili ng mga iyon. Plano niyang puntahan ang isla at kahit duda na siyang makikitang buhay ang kaniyang panganay na anak ay nais niyang malaman ang nangyari sa binata at kahit man lang ang bangkay nito o mga buto na lamang ay kaniyang maiuwi nang mabigyan naman nito ito ng maayos na libing kasama ng anak ni Nicholas ni si Lucas at ang iba pang mga kasama nila ngunit kung hindi na nila makuha kahit buto ay kayamanan na lamang ang kanilang iuuwi kapalit ng m

