Nang gabing magkausap ang mag-ama ay hirap si Sage makatulog. Paulit-ulit ang mga kwento ng kaniyang ama sa kaniyang isip at para bang nakikita niya rin ito mismo. Nabuhay ang kuryosidad sa puso't isip niya at ang pangarap na makarating sa malalayong mga lugar na noon pa lamang pagkabata ay mayroon na siya at gaya ng kaniyang ama, nais niyang makakita ng mga magagandang isla gaya nang nasa kwento ni Skull sa kan'ya. Sa dami ay hindi na mabilang ni Skull. Ang dalaga naman ay walang ideya kung anong pinaggagagawa ng kan'yang ama sa mga lugar na iyon at manghang-mangha pa siya habang nakikinig. Hindi lamang ang lugar, maging sa mga natutuwang karanasan na binahagi nito sa kaniya na halos magpatalon ng puso niya. Nakailang hirit pa siya ng kwento hanggang lumalim na ang gabi. Nais niya pa s

