Natahimik ang lahat dahil sa narinig na salita galing sa diwata. May nakaintindi, mayroon din namang hindi at mayroong nagdadalawang isip pa sa dalawa at isa roon si Merrick na litong-lito sa ibig sabihin ng kaniyang ina. Pakiramdam niya nang mga oras na iyon ay isang pagpapaalam ng diwata iyon sa kanila at doon pa lamang ay binibiyak na ang puso ng binata. Nawalan na siya ng mga magulang at ang mawala ang isa pang mahalaga sa kaniya at tumayong parang tunay na ina ay hindi niya makakaya. Napatingala siya sa baluti. Whoosh! Whoosh! Whooshhh! Sige pa rin sila sa pag-ulan ng mga bala ng kanyon sa kanila. Sunod-sunod at ganoong ingay ang maririnig sa tuwing may ibubugang bala ang kanyon. Boom! Booom! Boom! Gan'yan naman kamag tumatama na. May pagsabog, mga usok at pag-apoy mula sa parten

