Chapter 24

1637 Words

Third-person's Point of View Patuloy lang sa pagbomba ng kanyon ang sampung barko. Wala silang balak tumigil hanggang hindi nauubos ang kanilang dalang mga bala. Sa bawat pagtama sa baluti ay ramdam ng lahat ng nilalang sa loob at labas ng isla ngunit kung mayroon mang mas dama iyon, iyon ang diwata na para bang siya ang pinatatamaan ng mga ito mismo sa kaniyang katawan. Tinitiis niya lamang ang mga iyon dahil mayroon siyang mga hinihintay. May dumating ngunit iisa lamang. Sa kaniyang pagdating ay nagulat ito sa mga pagsabog sa labas. Masakit sa kaniyang tainga at bahagyang nagbigay sa kaniya ng takot. "A-no iyon?" kaniyang tanong sa kapatid at napatingin sa himpapawid upang hanapin kung saan iyon nagmula. Panandalian siyang nataranta ngunit nang mapunta sa kaniyang kapatid na diwata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD