Whoosh! Boom! Whoosh Booom! Ang pagsabog na narinig niya ay may kasunod pa. Hindi niya alam kung sila ba ang pinapatamaan o kung sila ang tumitira sa kung anuman ang nasa labas. Hindi niya naman makita nang sumilip siya sa awang sa pinto. Maging sa dingding ay naghanap siya ng butas na kaniyang pwedeng masilipan ngunit wala siyang makita. Whoosh! Nakadama siya ng takot dahil yumayanig ang kanilang barko. Naging sunod-sunod na rin ang mga pagsabog at wala siyang ibang ginawa kundi magtago ang maghintay kung ano ang sunod na mangyayari. Nang makadama siya ng mga yabag ng mga paa ay nagmadali siyang magtago muli. Isasara na niya ang pinto ng ng kaniyang pinagkukublihan nang isang kamay ang humawak sa pinto at pinigilan iyon magsara. Kinabahan siya nang husto nang makita ang kamay ngunit

