CHAPTER 3: Ghoster?

311 Words
~ Good morning, world ~ [ 7:00 am ] Kinaumagahan ay naghanda na ako ng almusal namin at pinauna ng pakainin ang maarteng si Yumi. Nagluto ako ng corn beef at itlog, nag luto na rin ako ng garlic rice and some hotdogs. (Pede na ba mag asawa? Lol). Nagpakulo na ako ng tubig pangkape at habang naghihintay ay inopen ko ang cellphone ko para sana isign-out ang dummy account ko. Bago ko mapindot ang sign-out ay nakita ko ang message ni Jackstone. (Good morning dummy! I'm eating breakfast na, how 'bout you? Nakapagpahinga ka naman siguro mabuti no?) Pano ako makakapagpahinga e nag overthink lang naman ako kagabi? Pagsagot ko sa isip ko. 'di ko alam kung sasagutin ko ba o itutuloy ang plano kagabi. Pero pwede namang pareho. Kaya nagtipa na ako ng isasagot sakanya. (Morning. Nagluluto pa lang. Will be busy later, bye.) walang emosyong sagot ko sakanya. At tuluyan ko nang nasign out ang aking dummy account at ang plano ko ay hindi na ito muling buksan pa. Tapos na akong mag almusal. Naghanda na ako para sa online class namin mamaya kaya naman naligo na ako matapos kong maligpit at mahugasan ang pinagkainan. Lumipas ang ilang oras at natapos na ang aming klase at patuloy kong pinipigil na buksan ang aking dummy account. Patuloy kong inabala ang aking sarili sa pamamahitan ng panood ng mga iba't - ibang palabas Nagising na lamang ako nang may kumatok sa kwarto ko. "Kali anong oras na, 'di ka ba sasabay sa amin ni papa mo na maghapunan?" Oh my goodness nakatulog pala ako! Pagtingin ko sa oras ay 7 pm na kaya naman dali dali akong bumangon at sakto naman ay tumunog ang tyan ko dahil sa gutom "Wait lang po ma, sunod na po ako" Sabi ko nalang kay mama. Pinatay ko ang TV at diretso nang bumaba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD