CALYSTA'S POV
(Dummy! good morning, kumusta ka na? may sakit ka pa rin ba?) chat sa akin ni Jackstone
(Pagaling na. Jackstone ano may tanong ako sa'yo seryoso 'to) reply ko sakanya
(What is it?) mabilis na tugon niya
(Bakit ang panget mo?) natatawa pa ako nang tinipa ko ito at isinend sakanya
(talaga ba? dapat 'wag ka ng gumaling) reply niya
(HAHAHAHHA pikon) tumatawang reply ko pa
(tsk. kumain ka na lang d'yan, gonna talk to you later.) reply niya na nagpangiti sa akin
(Sige panget bye) pagtapos ko sa usapan
We've been friends for 5 months, and I can say that I am glad dahil nagkakilala kami. He is my best friend, ka chikahan, we're also like brothers and sister to each other and I can say that he's been my comfort zone. Lahat ata ng past, present, at ang dream future ay napag usapan namin and it seems like I already know a lot about him as well as his friends kahit 'di nila ako kilala.
He's definitely smart. He knows how to comfort me on my darkest days, or sadyang ang presence niya ay sapat na para mapawi ang mga luha sa mga mata ko. Tuluyan na siyang naging parte ng pang araw-araw ko.
(Dummy, alis kami ng tropa ko punta kami sa birthday party) pagsasabi niya
(Sige sama ako) reply ko naman
(Bawal baka ubusin mo yung handa at iplastic mo lahat ng shanghai haha) pang aasar niya
(Baka ikaw magtago? Baka no pets allowed don 'di ka papasukin) pang aasar ko rin.
(Okay whatever, gonna go now. Bye) mataray na reply niya
(Okay panget ingat) Sabi ko
(Yes, I will.) reply nya.
He's updating me most of the time and ako rin ay inuupdate ko siya sa mga ginagawa ko, wala namang nagrequired nun but later on kasi nakasanayan na namin. We're like lovers but we're not, we're literally the definition of more than friends but less than a lover. Sa tingin ko hindi rin niya gustong magkaron ng girlfriend, ewan ko ba siguro ano instinct lang.
Hindi kami naglalandian like what others do na pick up lines, banat and so on, pero more on asar asaran lang and we're so friends talaga kahit online ay masasabi ko na siya ang pinakamatalik kong kaibigan.
Most of the time we play mobile league at afterwards ay nonstop ang chikahan namin about the game. He also teach me some basic technique tungkol sa game para maging mas better ang gameplay ko.
Later on, nang makasanayan na namin ang isa't - isa we've exchanged our mobile numbers at nagtatawagan. Hindi ko na sigurado kung ano ba ang relasyon talaga namin pero ang alam ko lang ay masaya ako sakanya.
We shared a lot of rants regarding school and minsan about family. From the most emotional rants to the most senseless rants, we've shared it all together.
Tapos isang araw nagdecide kaming magtawagan na halos nakagawian na namin at habang nagkukwentuhan ay naikwento niya ang asaran nilang magkakaibigan. Sabi niya ay inaasar daw siya sa crush niya noon sa classroom nila. I don't know what to feel, pero ang alam ko lang ay nasaktan ako ron. Alam kong wala akong karapatan pero hindi ko naman pwedeng pigilan, it's beyond my control e.
"Gagi nga yung mga kaibigan ko na yun, asar nang asar sa group chat namen 'di ko na nga lang pinapansin baka sakaling tigilan nila ako" pagkukwento niya pa
"Aysuuus tuwa ka naman? Malay mo siya na pala ang forever mo 'diba" pang aasar ko sakanya at pilit tinatago ang lungkot sa aking boses
"Hindi naman ako type non eh, gusto niya koreano yung mga mapuputi parang singkamas tas yung mga singkit, 'di ako magugustuhan non"
"Alam na alam kung anong gusto haaa, ayan haa, malay mo naman 'diba?" kunwaring pang aasar ko pa. "Osya papahinga na muna ako babye na muna" pahabol na sabi ko na lang para matapos ang usapan namin
"Gusto pa sana kitang kausapin pero sige mas mabuting magpahinga ka na muna call ako ulit bukas if available ka, good night." aniya.
"mmm" sagot ko na lamang at pinatay ang tawag. Niyakap ako ng malamig na simoy ng hanging at ng madilim na kalungkutan.
Siguro nga hindi talaga possible yung internet love, siguro nga umaasa lang ako sa wala. Siguro nga masyado lang akong nag expect dahil sa munting kwentuhan namin. Ang tanga ko kasi nasasaktan ako ngayon kahit wala naman talagang namamagitan sa amin una pa lang.
Sa gabing iyon ay hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa pag ooverthink sa mga bagay bagay at talagang ang bigat sa kalooban kaya naman sa aking pag - iisip ay pumasok sa aking isipan na nararapat na protektahan ko ang puso ko mula sa maling tao. Protektahan ang sarili ko mula sa kanya..