CALYSTA'S POV
"Nak alis muna ako, mag date lang kami ni papa mo" paalam ni mama sabay kindat at kala mo ay kinikilig na dalaga.
Siya ang aking beautiful mother dear, Elizabeth Garnett. Si mama ay dati lang die - hard fan ni Papa. By the way, let me introduce to you, ladies and gentlemen, my papa, he is Agustini Garnett, isang hearthrob noong kapanahunan niya at he's a basketball player. So yun nga, si mama ko noon ay die - hard fan ni papa and super duper ultimate crush niya tapos ayon dinaan ni mama sakanyang alindog kaya nagbunga ng isang maganda, mabait at masipag na Calysta hehehehe umangal sa akin sasamain.
"Hala sya, ma! Nakakakilabot po!" Sabi ko na aksyong gulat at nandidiri
"Sana all may asim pa po" sabi ko pa sabay hagalpak ng tawa at natawa nalang si mama
"Ay ewan ko sa'yo Kali, ikaw na bahala magbantay ng bahay at wag mong kalimutang pakainin si Yuri dahil siya na lang ang nagmamahal sa'yo" patawa tawang sabi ni mama dahil tinutukoy niya ang alaga naming pusa.
"Wow parang hindi nanay ah. Sige na po layas na po basta yung pasalubong ko po ha! Kung walang pasalubong mas mabuti nang wag na po kayo umuwi" sabi ko at humalik na sa kanyang pisngi.
Umalis na si mama at ako na lang at si Yuri ang nasa bahay. Nabobored na ako kaya kinausap ko nalang si Yuri.
"Yuri, gusto mo ba gawin kitang siopao?" tanong ko sa pusa namin.
Hindi niya ako pinansin at pumunta na lang siya sa sofa at natulog.
"Aba napaka suplada gawin kitang siopao d'yan e! Hmph!"
Short story muna, my mama ay super bait kaya rin nagustuhan siya ni father dear. Magaling magluto si mama at malinis sa bahay and I think namana ko 'yon, sabi pa ni papa magaling daw sumayaw si mama kaya lang 'di ko nakuha 'yon saddening naman.
And by the way si Yuri adopted cat namin, nakita lang namin sa daan iyak nang iyak. Nung una ayaw pa ni mama sakanya pero eventually mas naging mahal niya pa si Yuri kumpara sa akin na sarili niyang anak huhu. Kaya ayon lumaking mataray at hilig mang snob pero da best naman siya kasi 'di siya nagnanakaw ng ulam at tinatabihan niya ako minsan.
Dahil nabobored na ako at malinis naman ang bahay, kinuha ko ang phone ko at nagscroll nalang sa Fatebook. Out of the blue naisip kong gumawa ng dummy account, bored ako e ba't ba!?
After few minutes I already made my dummy account and named it Naomi Marchesha. Galing sa binabasa kong e-book.
As I browse on my new account haynako I realize that I just wasted my time dahil wala rin naman pala akong mapapala.
After a few hours wasting my time, I decided to search for a dating app nalang and specifically searched owegle website since it's popular nowadays.
- you're now connected with a stranger -
Stranger: hi!
Me: loe
- the stranger ended the conversation -
May saltik ata yon kakaumpisa lang eh!
- you're now connected with a stranger -
Stranger: M 35
Me: ano ka b***l?
Stranger: haha
Me: hehe
Stranger: horny?
Me: iww
- you ended the conversation -
Wala bang matinong kausap dito? Last na nga lang.
- you are now connected with a stranger -
Stranger: Hi!
Me: hello!!
Stranger: M 18, hbu?
Me: F 17
Stranger: Anong grade ka na?
Me: 12
Stranger: Ako rin
Me: Kung papipiliin ka, bakit ako?
Stranger: HAHAHAH kapal ng mukha ah.
At nakahanap na nga ako ng matinong kausap. We continued chatting for almost 1 and half hours! So we ended up exchanging Fatebook accounts. But ang binigay ko sakanya is ang dummy account ko haha! Sorry not sorry!
His name is Jaxon Kai Chaury. I immediately searched him in Fatebook and nag iisa lang ang lumabas na account and matched sa sinabi niyang description sa profile niya. As I've stalked him, my goodness he's pogi!! And he's a gamer too kaso lang 2 years ago na ang mga pics niya kaya 'di ko makita ang recent mukha niya.
I sent a friend request using my dummy account and he accepted right away and I started to chat him.
(Hi jackstone bilis mang accept ah!) Chat ko sakanya
(Jakson basa sa name ko hindi jackstone!) Reply nya na ikinangiti ko, hala bawal to ngumingiti na ako!
(Sige, jackstone! Brb papakainin ko lang ang baby yuru ko)
(May baby ka na pala? *Shocked*)
(Yes, she's my baby yuri) Sabi ko sabay send a pic my cat
(Ah kala ko may karibal na ako agad. Chariz) chat niya.
Wow chariz ha? natatawang sabi ko sa isip ko
(Harot mo, babye na nga muna) paalam ko
(Okay) sagot niya
Okay ka jan sapukin kaya kita bulong ko sa sarili ko. Iniwan ko na ang phone ko at nagluto muna ng pagkain ko at sabay na kaming kumain ni Yuri pero syempre sa lapag siya no. Matapos ay naghugas na ako ng pinag kainan. Dali dali akong nag online at naabutan ko ang chat ni Jackstone
(Oi, tagal mo magpakain baka ginawa mo ng siopao yan a)
(Namiss mo ba ako agad?) Natatawang reply ko.
(Hindi.) Sagot naman niya
(Wow ha, edi don't)
(Okay, di ko na alam sasabihin ko.) reply niya
(Speechless ka sa'kin no?) Pang aasar ko naman
(Kapal.)
(Naglalaro ka ng Mobile league 'diba?)
(Oo. Stalker.) sagot niya na ikinatawa ko.
(Luh, Nakita ko lang nung inadd kita!! Tara g add mo ko)
(Okay.)
At dun nagsimula ang aming long distance friendship.