Ava POV
"Oh My Ghad,I'm simply asking you to do it,but you haven't done it yet?" Galit kong turan sa aking inutusan para alamin kung saan naninirahan si Drake.
"Pasensya napo..."
"I don't care, I need the f*****g information by tonight Harold ." Ka simple lang ng pinapagawa ko . Nakakainit ng ulo naman.
I immediately hung up on the other line.
Limang araw narin ang lumipas simula ang tagpo sa Bar,
kung san ko sya unang nakita.
Unang naramdaman kong na excite makita ang isang Tao,bukod sa aking ama.
I decided na hahanapin ko sya ngayong araw.
"Miss Legazpi,Come to my office now". sabay patay ng tawag sa intelcom
Agad naman pumasok ang secretary ko na nagmamadali.
MaeAnn Legazpi, 26 halos kaedaran kolang, Agad namang natuon ang tingin nito sa akin pagkapasok nya at inayos ang kanyang kalakihang salamin.
"Cancel all my Appoinment or meetings today".
"But Ma'am Av...."
"No but Miss Legazpi,Sige na." Naiiling iling nalang na napilitang tumango.
"Ma'am Ava ,Remind ko lang po na kailangan nyo pong mag lunch tommorrow with Mr.Belian to..."
"Yeah I know MaeAnn ,but s ngayon ay yung inuutos ko muna ang gawin mo. And umuwi ka ng maaga.Para narin makasama mo ang anak mo".
"T-thank you s-so much Ma'am Ava". Malumanay na pagsaad nya.
"It's okay Mae Ann" sinabayan ko ng malawak na ngiti.
Umupo ako ulit sa aking swivel chair at naramdaman ko nalang ang pag alis nito sa harapan ko at ang pagbukas sara ng pintuan ng office ko.
I was thinking about what to do first.I played with my ballpen in my hand.
After that agad akong umalis at bumaba na. Hahanapin ko sya.
Hindi ako mapakali
Pagkalabas ko ng elevator sa parking lot agad ko namang nakita ang aking napiling sasakyan ngayon.
Isang FERRARI 488 Spider Red R. Hahanapin ko ang lalaking iyon kahit san mang lupalot sya nakatira .
Gagawin ko ang lahat mapa sa akin lang sya.
Pinaharurot ko agad ang sasakyan ko.I admit ,There are some men who like me,but I don't pay attention to it.Wala pa sa akin ang mag seryoso sa isang relasyon.Hindi kopa nahahanap.Wala pa sa bukabolaryo ko.
Bukod tanging si Drake lang ang nakaagaw ng pansin sakin.Bukod sa ganda at lapad nitong katawan ay di naka wala sa akin ang gwapo nitong mukha , Thick eyebrows,Long eyelashes,pointed nose and kissable lips.
Tone skin.
Maybe this is called WANTS?.
But hindi sumagi sa isip ko ang seryosohin sya.
Buong maghapon na diko padin nakikita ang lalaking hinahanap ko.Nilibot kona ang Bayan ng San Fernando ngunit wala akong nakita .
Naisipan ko ng ipagpabukas nalang or iuutos ko nalang ang paghahanap ngunit.
By at 5pm, I didn't expect to see him here in a market. In a MARKET?
I saw a bulk.And there he is. Drake with a old woman who sells fish.
I immediately parked my car and quickly went to him.
Naglalakad palang ako papalapit sa kanya ng gulat na tumingin sya sa akin .
I am wearing White High heels pointed,4 inches.
And white double Breasted suit two piece.
Hinayaang nakalugay ang buhok kong hanggang dibdib na sinadyang ikulot sa baba.
And finally , i found him.
While walking towards him, I couldn't fully imagine the path I was taking because of the pungent smell and disgusting path.Like Eww. Maarte kong lakad at hindi ko hahayaang may dumikit sa aking ibang tao na nakakasalubong ko.
Pinilit kong makalapit sa kanya.Anong ginagawa nya rito sa ganitong klaseng lugar?.
When I got close to him.I smiled.
"Drake? Drake is that you?" pagkukunwari kong turan sa kanya.Ngunit hindi ako inimik
"Drake." pagtawag ko ulit.
Lumingon sya sa akin.
"Pasensya na at busy ako ".Sarkastikong turan nito sakin.
"Actually...Awwwwww , what was that?" pag gulat kong nandidiri sa isang kaliskis ng isda? na tumama sa braso ko,Agad nabaling ang tingin ko sa mga taong naroon na sa akin nadin tumitingin dahil sa pag tili ko.
Ewww.
Pilantik ang mga daliri kong tinanggal ang kaliskis ng isda sa aking braso.
"I'm sorry".pilit kong ngiti sa mga taong nandoon para mawala ang atensyon nila sa akin.
Agad naman nakuha ni Drake na ayaw ko sa gantong klaseng lugar.Maarte na kung maarte pero yun ako eeh.
"Anong ginagawa mo dito Miss Ava? Bibili kaba? Sabi nya sa mababang tono ngunit may diin nyang sabi.
"I am here that..."
"Pasensya na ,kung di naman kayo bibili ay pwede na umalis nalang kayo dito".
"Nandito ako para m-mamimili, I didn't expect to see you here.I-I s-saw you that is why I came here." I lied.
Pero di ako inimik habang busy ito sa paglilinis ng isda.
Maya maya pa ay may babaeng bumili at nagpalinis ng isda.
Ako tamang tayo lang sa harapan nya.
"How are you?"pag una ko ulit sa kanya.Ni hindi man lang ako pinansin.Ang sungit naman ng lalaking to.
"Why are you here?" agad naman syang tumingin sakin
"I mean,You shouldn't be working in this kind of place."May kasama pang pagtingin tingin sa gilid at taas baba ng palengke.
"Wala kang paki alam kung bakit ako nandito, Pwede bang umalis kana,Nakaka istorbo ka sa mga taong bumibili dito." Galit nyang turan habang malamig na nakatingin sa akin.
"Drake I'm..."
"Pwede ba miss Ava,Umalis kana.Kung wala ka manlang bibilhin dito!". Anas nyang saad.
Nakita ko sa mga mata nyang galit sya ,bakit ba sya nagagalit sa akin.
Wala naman akong ginawa o nasabing masama aahh .Ang suplado naman ng lalaking ito.
"Oh anak bakit ganyan ka sa costumer?Kilala mo ba sya?" pagtatanong ng isang babaeng may kataandaan na.
At ang tingin nito ay palipat lipat
And it looked back between me and Drake.Seems to be checking.
I was about to answer the woman's question but Drake got ahead of me.
"Hindi ko po kilala nay, nagtatanong lang kung magkano ang mga tinda natin". Nanay nya pala ang kasama nya.Agad sumilay ang malawak na ngiti sa aking labi dahil sa pumasok sa isip ko.
"Hello po Nay,How are you?"Ngiting turan ko.
"Okay lang ako, may napili kana ba iha? Sariwa pa ang mga isdang iyan.Abay kakahuli lang iyan nila Drake Iha." Nanay ni Drake.So sya din pala ang nanghuhuli ng isda.Kakaiba ang lalaking ito,nakangiti akong nakatitig kay Drake.
Tinitigan ko ang mukha nitong Perfect na perfect sa paningin ko,pababa sa dibdib nito.Nabaling sa kanang braso at kaliwa ang tingin ko ng makita ang paggalaw nito,Pumuputok sa damit nito ang mga muscle na gustong kumawala.Shit ,What is this? Am I daydreaming? Grrrrrrrr.
"Your son Drake is great Nay,because he knows how to catch a Fish." Nakangiti kong saad bago tumingin uli sa nanay nito.Gumanting ngiti ang ginang habang nangunot naman ang noo ni Drake.
"Haist kung ako nalang sana ang papain sayo , kumagat kana agad" pagkakausap ko sa sarili sa mahinang boses na ako lang nakakarinig.
"Anong sabi mo ?" Saad ni Drake
"Nothing" sabay ngiti .
"Nay lagi po ba kayong nandito with Drake?" Baling ko sa nanay nya.
"Oo iha , minsan ay buong araa ako dito pagka maraming huli,At lagi si Drake dito pagka wala syang pasok sa Pinagtatrabahuan nyang pang gabi." Alam kona , ang pagiging waiter nya sa gabi.
"Owh "sabay ngiti nang tumingin kay Drake na sya namang pagkahinto nito ng ginagawa.
"Miss Ava ? Hindi papo ba kayo uuwi? mukhang kasing hindi kayo sanay dito. Kaya makakaalis na kayo kung wala naman na kayong ibang sasabihin .Nay tama napo iyan"
"Okay,But Nay , I'm Ava ".Shit!Bat ba ako ganito ,parang ayaw pang humakbang ng mga paa ko .
"Ava Vuentes,po." Pagpapakilala ko sa nanay nito .Nahinto sa paglilinis si Drake ng isda at tumingin sa amin.
"Napaka ganda mo naman iha , Aba'y maupo kana muna ," sabay hanap nya ng upuan sa loob ng pwesto nila dito sa palengke.
Kahit na medyo maingah dito ay nagkakarinigan pa naman kami.
"Nako huwag na po,hindi naman po ako magtatagal".
"Ganun ba? Oh sya sige , mag iingat ka" Tumango nalang ako dito , mabuti pa tong nanay nya mukhang mabait . Ay sya ,nako saksakan ng...
Binalingan ko si Drake na mataman paring nakatingin sa akin.
"Drake ,I will go first". Pagkasabi kong iyon na agad naman akong tumalikod. Alam kong habol tingin pa nila ako. Nang makabalik na ako sa sasakyan ko ay pasado alas 6pm na ng gabi .Dumagsa nadin mga tao dito sa pamilihan.
Babalik ako,babalikan kita Mr.Drake sabay ngisi at binaba ang bintana ng sasakyan ko at tumingin sa kanila , at tamang tama din dahil sa akin sya naka tingin. Kumaway nalang ako at agad na pinaharurut ang sasakyan nito.
Kinabukasan nakipag meet muna ako kay Mr.Belian to close the deal and I did it .Nagawa ko. Sa negosyo kailangan molang bumilog o bilugin ang ulo ang mga kapwa modin negosyante.
At 3pm bumalik uli ako sa palengke,Pagbaba ko palang ng sasakyan ko ay ang dami na agad taong nagsilapitan para kuhaan ng picture ang sasakyan kong dala. But hinayaan kolang sila.
I saw him, Gumuhit ang malawak na ngiti ko.Naglalakad akong papunta sa kanya.At ng makalapit na ako sa kanya ,may bigla nalang na costumer sumingit.
Nag aantay lang akong matapos ito bago ko hinarap si Drake.
"A-anong ginagawa mo dito Ava?"
"Binibisita ka,masama ba?" Pagpipigil hininga ko dahil sa amoy ng palengke , Titiisin ko para sayo Drake, Ano bang nangyayare sa akin . Oh ghad .
"Pwede ba Ava,wala akong panahong makisakay sa trip mo,Umalis ka nalang." Pagpapalayas nito sa akin .
Hindi pwede nag effort na akong pumunta dito . Ayaw ko.
"I like you", pag tigil nito sa ginagawa , ngumisi ako dahil natigilan ito, at dahil nadin baka kumagat sa pain ko .
"I said I like you Drake? " walang ano anong sabi ko.
"Wala akong panahon Ava ,umalis kana" Napansin kong kaunti nalang ang isda nyan benta . Mukhang maaga itong makakauwi.
"Ayaw ko.I sa gusto nga kita,Wala ka ng maagawa don.Saan si Nanay? Aantayin nalang kita.Sabay tayo.
"May ginagawa ako ,at dimoko madadala sa mga salitang wala namang katotohanan at Hindi na kailangan na isabay ka pauwi,At kung pwede lang ay wag kana bumalik dito ".Drake said
Inirapan kolang ito.
"At bakit kaba nandirito,wala kana bang magawa sa buhay mo at buhay ng ibang tao ang pagte tripan mo.Sobrang lungkot naba ng buhay mo?!" Galit nyang turan sa akin na agad naman umiba ang awra ko.
Pero pinigilan ko,Huwag ngayon.
"Umalis kana!"Pagpapalayas nito sa akin.Pero hindi ako susuko .
At 6:00 pm ,naubos na ang paninda nya.Agad akong lumapit sa kanya ng nakita kong ito paalis na ng palengke.
"Drake,Drake wait" paghabol ko sa kanya.Kahit hirap na hirap ako sa high heels kong suot.
"Ano na naman ba Ava?" mabangis na boses na para bang mangangain ng tao.Ganun na ba sya kagalit sa akin.
"Lets go home together Drake "Pilit kong pag ngiti sa kanya.At lakad takbong habol ko dahil sa ang lalaki ng mga hakbang nito.
Napahinto sya bigla na ikinatigil ko.
"What?" Tanong ko
"Ava naman ang kulit mo," madilim nitong turan sa akin.
Ngumiti ako ng malawak at kinapita ko ang braso nya na ikina gulat nya .
Ano na bang nangyayare sa akin , bakit ba ang kulit ko sa lalaking ito. Hindi naman ako ganito , Hindi ako naghahabol ,katunayan ay ako ang hinahabol .
"Drake wait" Pagtawag kp sa kanya ng mauna syang maglakad sa akin , Sa sobrang pagmamadali ko ay nakabig ako at agad na napaupo sa daan.
" Ouch!" Paghawak ko sa kanang kamay ko na may gasgas at sa natapilok kong kanang paa.
Humarap sya sa akin ng marinig nya ang ang sigaw ko.
Nagulat syang tumingin sa akin na may pag alala ,pero agad ding nawala at tinalikuran na ako , Ni hindi man lang ako tinulungang tumayo.
"Drake naman , Antayi....Ouch!" Pagbalik ko sa pagkaka upo ng gustuhin kong tumayo kanina. Tumingala ako sa kanya ng pabalim na syang naglalakad sa akin.
Agad nya akong binuhat ng parang bagong kasal.
"Drake...",
"Pwede ba tumigil kana at umuwi na". Hinatid nya ako sa sasakyan ko.
"Siguro naman kaya munang pumasok sa sasakyan mo,at pwede ba Ava.Wag kanang mangungulit pa".
Magsasalita na sana ako kaso...Bigla ako nitong tinalikuran at umalis.
Habol tingin nalang amg nagawa ko.
Makukuha din kita,hindi lang sa ngayon.
At kung hindi kita makuha sa ganitong paraan.Haharasin kita.
Demeretso nalang muna ako ng Hospital lara ipagamot ang galos na natamo ko.Sa mansyon ako umuwi ngayon,gusto ko makita si Daddy.