CHAPTER 1
Kapalaran ni Drake na mapunta sa Pamilyang Cruz kahit di siya tunay na anak.Hindi naramdaman ni Drake na iba sya sa kumupkop sa kanya.Puno ng pag-aalaga at Pagmamahal ang pinapakita sa kanya.Tinuring siya ng isa sa kanila.Katunayan nyan ay sya pa ang tumatayong panganay sa apat na kapatid.
Drake Miguel Cruz ,27 years old.Hindi nakapag tapos ng pag aaral dahil mas ni priority nya ang pag aaral ng mga kapatid nya.Isang on call waiter sa Monde Club Mix at paminsan minsan ay sumasama sa ama na si Joselito Cruz sa pangingisda. Ang kanyang ina naman ay si Joan Cruz isang may pwesto sa palengke.
DRAKE MIGUEL POV.
"Nay ang dami po naming huling isda ni tatay oh". tuwang tuwang sabi ko kay Nanay na sinusundo kami galing sa bangka.
"Hala anak , salamat sa Panginoon.And dami nga ." Gumuhit ang ngiti sa labi ni Nanay.
Agad namang lumabas ng sunod sunod sa bahay ang aking mga kapatid para magmano kay Tatay.
"Tay, mano po". saad ni Aidelen ang aming bunsong kapatid na nasa walong taon palang.
"Oh anak, Joselito ,tara na pumasok na kayo sa bahay at magkape hayaan mo nalang muna sila Popoy at Jepoy dyan ang pumasok ng mga isda." Sabi pa ni nanay.
Popoy ay nasa 21 years old na ,si Jepoy naman ay nasa 18 years old at si Maky naman ay nasa 13 years old nadin. Pare pareho silang nag-aaral.
"Salamat po Nay". Pag abot sakin ni Nanay ng kape,sunod abot kay Tatay.
"Anak,Mauuna na ako sa palengke,dadalhin ko nalang si Jepoy para sya nalang muna tumulong sakin , wala naman silang pasok." pagpaalam ni Nanay sa amin.
"Sige Joan, Yung ibang isda isusunod nalang namin ni Popoy maya maya". Pasabat pa ni Tatay kay Nanay.
"O sya sige ,mauuna na kami sa palengke". Agad ng umalis sila Nanay at Jepoy.
Naligo nadin ako,mag aalas sais nadin ng umaga.Paglabas ko ng aking silid ay naabutan ko si bunso,na kumakain ng almusal nya .Ganto kami dito maaga kaming nagigising ,lalang lalo na si Nanay.Dahil kailangan iyon sa palengke ,kami naman ni Tatay ay alas dose ng madaling araw alis namin , umuuwi kami ng alas singko ng umaga na para makahabol sa bilihan sa palengke ,malaki laki din ang kinikita namin sa Pangingisda.
"Oh bunso ,wala din ba kayong pasok ngayon?" sabay gulo ko sa buhok nya.Bago ako naupo sa harapan nya.
"Meron kuya , Diko nga alam bakit kaming Elementary lang ang may pasok . " Saka kasamang pag pout ng nguso nito.
Nginisian ko lamang ito .
"Ayos lang iyan bunso, Sila kuya kasi ay nasa kolehiyo na kaya minsan ay wala silang pasok.Darating karin dyan ,basta sipagan molang mag aral aahh".
"Opo kuya, sisipagan kopo". Sabay subo na ng kinakain nya.
Nagpaalam muna akong matulog muna ,pambawi ko para mamayang gabi dahil tinawagan ako ni Sir James Pascua ang may ari ng Bar na pinapasukan ko.
Nagising akong mag aalas Dos na ng hapon.Paglabas ko ng sala ay naabutan ko sila Nanay,Tatay at mga kapatid kong nanunuod ng tv .
"Oh anak mananghalian kana ,Di kana namin ginising eeh" .
ani ni Nanay .
Si tatay naman ay tulog nadin sa isang upuang kahoy namin.
"Sige po nay , kain napo ako ,tara po kain kayo ulit". pag aaya ko sa kanila.
Alas singko y medya na ako umalis ng bahay para pumasok na sa bar na pinagtatrabahuan ko sa Monde club mix.Pababa palang ako ng jeep ng makita at marinig kona ang maraming tao sa labas at ang malakas na tugtugan.
Pagdaan ko sa mga taong tumatambay sa labas ay agad ko nang nalanghap ang iba't ibang amoy, Usok ng sigarilyo at mga pinaghalong pabango .
At pagpasok ko ay agad ng nanuot sakin ang amoy ng iba't ibang pabango sa loob ng bar na ito.
Ang Monde club mix ay isang bar na halos lahat ng pumupunta dito ay pawang mayayaman ,mga business man ,politiko, mga artesta at iba pa.
Hindi din sila basta basta nagpapasok nalang ng basta basta.
Pagkabihis ko ay deretso agad akp sa counter area para ibigay ang mga order na inumin.
"Oh Drake , hello pare , ilang araw kang di nakapag work dito.Daming ganap dito". Pagsalalita ng katrabaho kong si Michael sa boses na malakas dahil narin sa lakas ng tugtugin dito.
"Oo ,alam mo naman na On call lang ako diba ". Pag ganti ko din sa lakas ng boses .
"Dika pa nakakausap ni Sir james? ". Pagtatanong sakin ni Michael.Na ikinakunot ng noo ko ,about saan naman.
Agad naman may tumawag sa aming costumer na agad kong nilapitan.
"Yes ma'am ?"Pagtanong ko costumer na agad namang binigay ang order nya .
Habang abala kami ,ay naagaw ang pansin ko sa isang babaeng kakapasok palang na suot ang silkdress black fitted, above the knee.Na nabagay dito ang buhok nitong naka messybun. Naattrack ako sa liit ng hugis nitong mukha.
Pumunta sya sa gawi ng mga kababaihan na kung saan ang ibang kasama nito ay may tama na ng alak.
Lumalalim ang gabi at mas lalong dumadami ang taong nagsidatingan.
Napapansin kong kanina pa ako pinakatitingnan ng grupo ng mga kababaehan sa isang pwesto, kasama na doon ang babaeng naka agaw ng pansin ko kanina lang.
Naghahatid ako ng inumin sa kabilang mesa ng natuon ang atensyon ko sa babaeng naka agaw ng atensyon ko kanina.
Mukhang tinamaan na ito ng alak ,At nag aaya na itong sumayaw sa dance floor.
Pagbalik ko sa counter ay nakita kona itong may kasayawang lalaki na hinahawakan ang baywang nito.
Ikina iling ko nalang.Habang nakatingin sa kanila.
"Oh bro ,regular costumer na natin iyan,Ganda nyan bro ,mayaman pa ,HOT ". Pagsabat ni Michael sa gilid ko, na don din nakatingin kung saan ako tumitingin.
"Oo nga eeh ,pero wag kana umasa Pare kasi ang katulad natin di yan nila papansinin". Pagsabat ko nalang .At tinawag ulit ako ng kasamahan ng babaeng habang abala sa pagsasayaw.
Lumapit ako dito.
"Hello ma'am ,Ano pong order nyo po ulit? " Pagbungad ko sa kanila.Agad naman silang nagtinginan sakin ,lahat silang lima nakatuon sakin ang tingin.
"Hi,Come over here". Sabay turo nya sa bakanteng sofa sa tabi nya. Isang babaeng short hair , putok ang labi sa pula nitong suot na lipstic,Masasabi mong maganda din ito.
"Sorry ma'am but...." Ipapaliwanag ko sanang hindi kami pwedeng makihalubilo sa costumer pero pinutol nya ang sasabihin ko sana.
"I'am Mikka". sabi ng babaeng maiksi ang buhok. Sabay lahad ng kamay nya.Tiningnan kolang yun, tumagal sa ere ang kamay nya na agad naman nyang binawi .
"Hi, My name is Sandra, Don't forget my name ". paglalandi sa boses nito, babaeng naka ponytail namay mahabang alon alon na buhok.
"Maxxine, come here". Pag aalok nya din sakin sa tabi nya,ngunit nginitian ko lang ito.Kulay pulang buhok nya na nababagay din naman sa kanya.
"Angel, but i became a devil if you want ".Sabay kagat nito sa labi nya. Na ikina iling ko nalang, Kulay abuhing buhok na kulot kulot.
"Amy." Maikling sagot ng babaeng naka salamin at ponytail. Mataman ko itong tiningnan na syang naki sukatan din ng tingin sakin.
"You? What is your name? " nabaling ang tingin ko sa nagsalita na si Maxine na kulay pulang buhok . Actually magaganda naman silang lahat .
Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba ang pangalan ko .
"Come on ,Gusto lang namin malaman ang name mo ,can you?? sabat ng babaeng si Angel.
Tumikhim ako bago nagsalita
"Amh Drake po." Pagpapakilala ko.
"owh ,what a beautiful name ". Bulalas ni Mikka.Napa hugis O din ang ang mga bibig ng mga kasama nya .
Magpapaalam na sana ako ng biglang dumating ang babaeng kanina pa natutuunan ko ng pansin ,Kakatapos nyalang sumayaw.
"So, what happened?". bungad nya sa gilid ko na ang tingin ay sa mga kasamahan nito.
"Nothing". sabay sabay silang nag tawanan at tumingin sakin.Agad namang tumingin sakin ang babae.Mas maganda pala ito sa malapitan at di nakakasawang titigan
Nakipag sukatan din ng tingin sakin ang babae ,ako nalag ang pumutok ng mga tinginan namin dahil parang palaban ito sa pakikipag titigan.
"Excuse me , If wala papo kayong oorderin ulit ay aalis napo muna ako ,tawagin nyo nalang po ako kung may meron napo." pagpapaalam ko dito .Ngunit nagsalita ang babaeng nasa tabi ko .
"Are you free tonight? " Tanong nya sakin na ikina kunot ng noo ko. free? Para saan?
"Pasensya napo at hindi po ako pwede eeh may traba..."Agad nyang pinutol ang sasabihin ko .
"How much?" tanong nya sakin , na ginulo ng isip ko.
"Huh!." tanging lumabas sa bibig ko.
"Magkano ka? 300k ,500 hmmm 1M ,5M ,20M , Name it." Pagkasabi nyang yun ay biglang umigting ang panga ko , na sinabayang pagka kunot at isang linya ng kilay ko .
"I want you " sabay turo nya sakin na para bang isa akong laruan na labasan nya lang ng pera ay makukuha na agad.
Sabay lapit nya sa akin at haplos haplos sa braso ko.
Tumitingala ito sa akin dahil sa katangkaran ko, Gumapang ang kamay nya pataas sa braso ko papuntang dibdib ko at akmang bubuksan nya na ang isang butones sa bandang dibdib ng longsleeve polo ko na white ay yun ang paghuli ko sa kamay nya.
Nagulat sya sa ginawa kong pag huli sa kamay nya ,habang hawak hawak ko ang kamay nya,ay nabaling ang tingin ko sa mga kasama nyang mga babae sa sofa kung san nakaupo .
Mataman lang silang nakatingin sakin ,habang nakita ko si Amy ang nakaglasses at ponytail na nakayuko lang ito.
Umigting ang panga ko , Binaling ko ang tingin sa babaeng nag aalok sa akin .
Binitawan ko ang kamay nito at akmang tatalikuran ko na ito ngunit mabilis nyang hinawi ang braso.
"I'm Ava". Pagpapakilala nya .Binalingan ko ito at nakita kong ngumiti ito na agad ko namang inalis ang kamay nyang nakalagay sa braso ko .
"Excuse me." pagpapaalam ko sa kanila , habang naglalakad ako palayo alam kong naka tingin pa ito sa akin .
Alas tres na ng madaling araw ngunit madamu padin ang mga tao .
Napansin kodin na wala na ang sila Ava at mga kasamahan nito ,Baka umuwi na .
At nang 4 am na ay papauwi na ako , agad na din akong nagpaala sa kanila na mauuna na ako dahil medyo malayo pa ang babyahe in ko. Lalo na at wala na gaanong sasakyan nito.
Paglabas ko palang ng Monde Club Mix ay nahagip agad ang tingin ko aa isang babae nag pakilalang si Ava, nasa loob ito ng sasakyan nito na nakababa ang salamin ng sasakyan nito.
Agad syang bumaba ng sasakyan nya ng makita nya ako at nilapitan nya ako.
4 am na pero andito padin sya , hinihintay nya ba ako? Pagtatanong ko sa isip ko.
"Drake ". pagtawag nya sa akin ngunit diko na tiningnan manlang.Deretso lang lakad ko na syang sumunod din sa akin .
"San kaba , ihahatid na kita". pagsabi nya sakin.
"Kaya kona ang sarili ko, umuwi kana dahil hindi na uwi ng isang babae to ". sabat kopa , Di nako magtataka kung kanino nya nakuha ang pangalan ko .
"But,ihahatid na kita".Pagkukulit nya
"Hindi na miss, Sanay na ako ,ikaw ang dapat na umuwi na". Pag hinto ko sa tabing kalsada para pumara ng sasakyan.
"Ava, Ava ang pangalan ko". ani nya dahil sa pagtawag kong miss sa kanyan.
"Mahirap ng sumakay sa ganitong oras ,kaya ihahatid na kita". pinakatitigan nya ako "I insist" pahabol nya pang sabi.
"Pasensya kan pero hindi na kailangan , Wag kanang makulit at ipagpilitan pa ang gusto mo". Pagkasabi ko non at tiningnan sya sa mata , ang kulit din ng babaeng ito.
Sa di kalayuan ay may natanaw nadin akong sasakyan , nagtatricyle nalang ako sa gantong oras dahil wala naman ng Jeep na bumabyahe. Kahit medyo mahal ang singil na pamasahe ay kailangan ko dahil medyo may kalayuan ang bahay namin.
Papalapit ang ang tricycle na pinara ko kanina at agad akong napatingin kay Ava. Nakita ko ang lungkot sa mga mata nya ,ngunit isinawalang bahala ko nalang .
Pagkahinto ng tricycle aa harap namin ang nagpaalam na ako sa kanya .
"Mauuna na ako ". Sabay sakay sa tricycle at iniwanan na sya . Nakita kopang habol tingin nalang ang nagawa nya sa amin.
Hindi ko alam kung bakit ganun mag isip ang babaeng yun.
Hindi lahat ng gusto nya nakukuha nya , Hindi lahat ng sasabihin nya ay masusunod.