“CLASS reunion?” Muntik nang masamid si Joel nang sabihin ni Amor ang balak niya. “Bakit naman naisipan mo pa iyan? It’s been years. We are all busy with our own lives already.” “Siguro naman hindi ganoon ka-busy para sa isang espesyal na okasyon. Besides, pagkakataon na rin natin iyon para makita ang mga dati nating kaklase. Noong huling beses akong tumuntong sa Sierra Carmela Academy, saulian ng toga noong graduation natin.” “Halos pareho lang pala tayo. Ipinatawag lang ako ni Sir Cabral noon kaya nagpunta ako that summer. Pinag-isis ako ng mga armchair.” Nagtawanan sila. Alam ni Amor ang nangyaring iyon. Sa kanila kasi umuwi si Joel pagkatapos ng maghapong pag-iisis ng mga armchair, sugat-sugat ang mga palad dahil dahon ng pakiling ang ginamit. Señorito pa mandin it

