“MAY PROBLEMA ako, Amor,” seryosong sabi ni Joel. Walang ideya si Amor kung anong oras na. Hindi na sila umalis pa sa dining table at natambak na rin doon ang kung ano-anong kukutin. Malamang ay maubos din ang tubig sa thermos dahil pagkatapos ng beer ay kape naman ang hinarap ni Joel. Pareho silang coffee drinker kaya hindi na nakapagtatakang mangyari iyon. “Parang feeling ko nga,” sang-ayon naman niya. “Hindi ka naman bibiyahe nang apat na oras kung mangungumusta ka lang. Nagagawa naman iyon sa telepono.” “Makinig ka. There’s this girl...” Bumunghalit ng tawa si Amor. Mabuti na lang at hawak pa lang niya ang mug ng kape kung hindi, malamang na naibuga niya ang likido. “Girl? Cradle-snatcher ka na ngayon?” “All right, woman. Her name’s Vinia. You don’t

