Part 10

2468 Words

“NAKAUSAP ko na iyong contact kong wedding planner,” wika ni Conrad nang bumisita. “Kung wala ka namang ibang contact, siya na lang ang kunin natin. Bibigyan daw niya tayo ng discount. Tinatanong na nga niya ako kung ano ang details na pinag-usapan natin. Amor, nakikinig ka ba?”       “Ha? Oo.” At tumango pa si Amor. “Wala akong kakilalang wedding planner. Conrad, ang iniisip ko kasi ay iyong pag-uwi ko sa amin.”       “Bakit kasi hindi mo pa ako isama? Mabuti nga iyon, makilala na rin nila ako. At kung gusto mo, ako na rin ang magsasabi sa kanila ng tungkol sa plano natin.”       “No, ako na lang muna. Sa susunod na pag-uwi ko, doon na lang kita isasama. I’m sure, mabibigla sila kung uuwi ako na may kasamang lalaki.”       “Magiging manugang naman nila ang kasama mo, bakit ka nag-aala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD