Part 11

1766 Words

“DOON ka sa kuwarto ko, bilis!” utos ni Joel nang ibaba si Amor sa sala ng malaking bahay.       Walang masyadong nabago roon ayon sa pagkakatanda ni Amor. Ganoon pa rin ang interiors at muwebles. Ang tanging nagbago siguro ay ang pintura. Dati ay kombinasyong dark green at cream, ngayon naman ay monochromatic shades of blue. Kahit pasosyal ang mama ni Joel, baduy pa rin ang taste. Kung siya siguro ang may-ari ng bahay, bawat parte ay lalagyan niya ng theme.       Pero ire-retain niya ang formal ambience ng maluwang na living room dahil classic at authoritative ang dating ng sala set na narra at center table. Malalaki rin ang paintings sa dalawang malapad na dingding. May palmera sa ilang sulok. Pero lalagyan din niya ng homey touch. Ano ba naman iyong maglagay ng fresh flowers sa cent

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD