“MA’AM, hindi ka ba magpapa-manicure ngayon? Halika na, hangga’t hindi pa marami ang customer ko.” Nginitian ni amalia si Luisa. Naging estudyante niya ang pinakasikat na beautician sa bayan kaya hindi na nakapagtatakang tawagin siya nitong “Ma’am.” Kahit naman ang hindi niya naging estudyante ay “Ma’am” ang tawag sa kanya. Iyon ang masarap sa pagiging guro. Kahit saan siya magpunta, basta nalamang guro siya ay nakakatanggap siya ng instant respect. “Baka bukas na lang, hija. Dumating ang anak kong babae. Alam mo naman, basta dumating iyon parang piyesta sa amin.” “Nandiyan ho si Amor? Kumusta na ho siya? Classmate niya iyong bunso kong kapatid. Kagabi nga lang ay pahapyaw na nabanggit ni Imelda si Amor.” “Magkikita sila ni Joel ngayon. Pero mamayang gabi, sa am

