hulyo 22 masaya kaming nagkukwentuhan at nagtatawanan sa loob ng bus, Habang Si Rex at alden dalawa sa mga kaklase ko ay mahimbing na natutulog sa likod, kanina pa kami nagbabyahe at ilang oras nalang ay makakarating na kami saming probinsya
'Elaineeee! Marami ba pogi dun? Hihi sana naman, yun lang kasi dahilan bat ako sumama--aray ano ba! binatukan agad Ni Sally Isa Sa mga kaibigan ko, si Alen yung bakla naming kaibigan napaka landi talaga na baklang to
'Pinagsasabi mo dyan? bakla ka lang hndi ka maganda! mas importante pa sayo yung mga boys compare sa birthday ng frenny natin' pagtataray ni sally dito
'Ouch naman hiya ako sayo te' ganda mo!' Balik asar ni alen dito na may pa hawi-hawi naman ng bangs nito na maraming hairpin na nakasabit.
' dont worry Alen marami pogi dun,siguradong di ka na makakauwi sa rami haha' sambit ko dito
'Yunnnnnnnn, seeeee aymso eksaytiddddd' tili ni alen na agad nang sinuway ng kasamahan naming dahil ang ingay
'Elaine, malayo pa ba? Gutom na ako' si aime kaklase ko din
'Malapit na tayo ilang kembot nalang' sabi ko, binigyan ito ni crizza ng biskwet nagpasalamat naman si aime dito
Makaraan ang ilang oras andito na kami sa probinsya namin, nilanghap ko ang sariwang hangin dito namiss ko ito, magagandang tanawin na animoy nakakarelax pagmasdan. Isa isang bumaba ang kasamahan ko sa bus makikita mo sa mga mukha nito ang pagkamangha
Naglakad pa kami sa amin di na kasi pwedeng ipasok ang bus dito dahil sa liit ng kalsada
'Bess, ang creepy naman dito, look oh nakakatakot silang tumingin oh' bulong ni Aime sa kasama nito na nasa likod ko lang
'Tahimik ka nga, baka marinig ka ni Elaine' pagsusuway ni kylie kay Aime
Malaki ang bahay namin at maraming mga silid na parang maze sa loob dahil sa rami ng daanan
Nakarating kami saming bahay at agad naman kaming nilapitan ng magulang ko na nasa labas lang hinihintay ang pagdating namin.
'Anakkk, mabuti naman at nakarating kayo,ito na ba kaibigan at kaklase mo nak? Maligayang araw sa inyo' ngiting pagbati ni mama sakanila
'Hi po tita ' si Sandy president namin sa classroom sabay mano nito kina mama at papa.
'ang laki naman ng bahay niyo! ikaw Elaine ha di ka nagsabi mayaman din pala kayo dito sa probinsya ' sabay bukaka ni Alen sa kanyang pamaypay
'yun nga lang sa probinsya lang hahaha' nagsitawanan kami lahat sa response ng mama ko totoo din naman kilala din pamilya ko dito sa probinsya namin at nirerespeto. Matapos kaming magkamustahan, magbiroan, at magkuhanan ng mga litrato sa viewsa labas ay napag isipan naming pumasok na sa loob.