EIGHT: PREY

501 Words
Warren POV Nasa isang silid kami kung saan inihatid kami ni Elaine Lima kami dito kasama ko si Roxanne,Sally,Andrew,at Aime malaki laki naman ang kwarto kasyang kasya kaming lima rito, Tulog na si Andrew pagod raw habang kaming apat ay balak pa sana naming magkwentuhan. Maganda si Elaine sa katunayan may paghanga ako rito bukod sa maganda ay may taglay rin itong kabaitan na mala anghel siguro pinaghandaan nila itong mabuti ang kaarawan nya dahil kahit napakalayo ay inimbitahan nya parin kami. 'Guysss, Sumakit ata tyan ko sa kinain natin kanina' panimula ni Roxanne na himas himas ang kanyang tyan 'Huh? Masarap naman pagkain kanina ah, bakit? May dinaramdam ka ba?' Ani ni Aime na lumapit sa kinauupuan ni Roxanne, nakikinig Lang ako sa pinag uusapan nila habang si sally ay naglalaro ng kanyang cellphone. 'Hindi ko alam, masakit talaga at buntis ako limang buwan na, di siguro nagustuhan ni baby ko yung pagkain kanina.' pag amin ni Roxanne wala lang samin kung buntis ba sya o hindi di naman kasi kami nila gaanong close. 'Sabi ko naman sayo eh, wag na tayong sumama lalo na sayo' tumayo si sally at may kinuha sa kanyang Bag, isang boteng maliit na may langis. 'pansin niyo ba guys diba ganito din yung mga pelekula na napapanood natin na iimbitahin sa Bayan kasi may kasiyahan raw tas gagawing pagkain ng mga aswang lang pala halaaaa' pananakot ni Andrew 'tumahimik ka nga diyan Andrew! di mo kami matatakot sa mga ganyan ano, mga panakot lang yan ng mga matatanda na ginawang pelekula at tsaka akala ko ba natutulog kana? matulog ka nga uli dyan! inis na saad ni Aimee kay Andrew 'eto na po, matutulog na uli, taas naman ng litanya mo miss halikan kita dyan eh!' pang iinis na saad nito. 'tumahimik nga kayo! ang landi eh no!, Oh, eto ipahid mo yan sa tyan mo mawawala rin yan maya maya, tsaka ipagpahinga mo lang yan may tatlong oras pa tayong magpahinga maya maya gigisingin na tayo ni elaine dahil may kasiyahan raw' ipinahid ni Roxanne ang bigay na langis sa kanya ni Sally at epektibo nga ito dahil nawala ang sakit sa kanyang tyan, nagsitulugan na silang lahat dahil gigimik pa sila mamaya Medyo nag aalala ako kay Roxanne bat pa kasi sumama tong babaeng to ,siguro parang safe naman ata dito hayaan na nga matutulog na. LUKE/ELAINE POV ilang oras nalang at maghuhuntingan na kami wala na silang magagawa para sa mga buhay nila wala din namang takas ang mga iyon dito dahil lahat kami rito ay mga aswang, mabuti nalang at napagdesisyonan naming lahat na huwag sabihin sa mga magulang nila ang pagpunta sa bayan namin. Inihanda na ni papa ang mga gamit nyang mga itak at Kutsilyo habang si mama naman ay gunting gusto nya raw ang haba ng buhok ni Roxanne. Tanghaling tapat pa andito ako ngayon sa sala nagmamasid sa itaas, nagpapahinga na ata sila dahil wala akung narinig na anumang kaluskos. Have a beauty rest our meal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD