TEASER
A loud thud filled with their ears as they look at their bestfriend.
"Hindi ito ang huli nating pagkikita mga bata." wika ng lalaking akala mo ay bouncer sa isang bar.
"Adam! s**t! "patakbong lumapit si Jacob sa kaibigan at sinuri ito.
"Ughh" naisagot na lamang niya.Habang akay ng kaibigan ay halos mawalan ng ulirat si Adam dahil sa paghinga nito.
~~~
"Who's the f*****g resident doctor here?"malakas na sigaw ni Jacob na nagpatigil sa lahat ng tao sa loob emergency room ng Montereal Medical Center.
"Sir kumalma ho muna kayo-"
"Kalma? Tanga ka ba? Nahihirapan ng huminga ang kaibigan namin tapos kalma?" nanggagalaiting sigaw Andrew.
Sa kabilang banda ay napataas ang kilay ni Keydee habang pinapanood ang nagkakagulo.She rolled her eyes at naglakad na parang walang paki alam sa paligid.Napatingin siya sa lalaking akay-akay paupo ng dalawang pa nitong kaibigan na tahimik lang ngunit halatang kabado.Akmang lalampas na si Keydee nang mapa pikit ito at itinabingi ang ulo para masilip ang kaawa-awang lalaki.
"Bring some stretcher here so his body can relax bago natin ipasok sa X-ray room." naisatinig ni Keydee na may kasamang pag irap.
"Pero Miss-"
"Hurry up!"napatakbo agad ang nurse na inutusan nito.Nilapitan ni Keydee ang lalaki at sinubukang hawakan ang tadyang nito.
"Saan ba 'to nakipag bugbugan at parang apektado ang tadyang nito?"tanong ni Keydee sa apat lalaki na walang ibang ginawa kundi ang titigan siya.Napataas naman ang kilay niya dahil doon.
Nang dumating ang stretcher ay diniretso na ang lalaki sa X-Ray Room para makita ang apektado nitong tadyang.
"Salamat Miss.Kung hindi dahil sayo ay baka mamaya pa asikasuhin ang kaibigan namin." nahihiyang wika ni Jacob dito.Tumango lang si Keydee at tumalikod na.
"Hindi man lang siya nagawang kontrahin ng lalaking nurse kanina."ani ni James.
"Yeah" dagdag ni Jacob.
"Who is she?"naitanong ng kanina pang tahimik na si Kian.