The What Ifs In Life (What If Season 1): The Prologue
Sa lahat ng bagay na pinagdadaanan, may mga What Ifs tayo sa buhay...
Etong mga What Ifs na ito ay ang matinding realization questions na kung saan talagang ibang-iba na ang gustong-gusto ng isa, pero, mas may gusto pa ang isa pa.
Kaya nga, tinatanong nga natin na...
WHAT IF... nandyan na pala minamahal mo?
WHAT IF... you have fighted for your answered prayer?
WHAT IF... ang sinayang mo pala, dapat sana'y magiging kayo na?
Madami pang what ifs talaga na kailangang matandaan at kung maari matanong sa sarili natin na papaano itong mga What Ifs na pala na ito ay magiging totoo sa ating buhay...
Ito ang kwento namin ni Shadijah, na dati'y magkaibigan lang, ngayo'y magbestfriends sa totoong buhay...
---
"Aray ku naman... Sandali lang naman at baka mapilay na naman ako," banat ni Shadijah sa akin. Ito kaseng si Shadijah mahirap pakiusapan na tipong hindi talaga mabiro minsan.
Ako nga pala si Jenilyn Villa Cuesta, isang matapang at brave na estudyante sa Matinding Pag-asa School of Learning na kung saan puro pag-asa ang dulo ng bawat araling matututunan namin kahit mapa-matematika pa ang aming asignatura.
"Uyyy... Hindi na mabiro ito... Eto naman talaga... Ang bagal mo kase minsan sa paglalakad ehh," ang aking banat sa kanya...
Sa tinde ng pagkakapagod nya matapos kong makaladkad sya, isa lang talaga ang naging hangarin namin, ang mapaayos ang pamilya namin na isa't isa'y minsan nang nagkahiwalay dahil sa mga problemang pinagdadaanan namin.
"Teka lang ha... May pupuntahan lang ako... Babalikan kita, may aasikasuhin lang ako," ang diin ni Shadijah, sabay alis. Hay, grabe, hindi pa rin talaga nagbabago ang isang Shadijah... Hard-headed pa rin ang asal.
Oo nga pala, nabanggit ko nga lang ang School of Learning namin. Marami kaming mga napagdaanan nung nakaraang malunsad kami sa isa pang kwento na kami rin ang magkaibigan. Pero, ngayon, nagkaiba na ang tuluyang landasin namin. Bakit? Sobrang madami na ang mga bagay na pinagdaanan namin nung kami magpahinga. Gusto mo bang ikwento namin?
Saan nga ba ako magsisimula...???
---
"Hay naku, eto naman kaseng si Jenilyn ee. Ang lakas maghatak sa akin, parang wala nang bukas," ang aking buntong-hininga.
Ohh, nandyan pala kayo... Namiss ko kayo ng tunay... Nagbabalik ang iyong main character na minsan nyo nang minahal sa Lakbay Tungo sa Pag-asa. Pero, mas mamahalin nyong tunay dito sa bagong series na kwentong ito. Ako nga pala si Shadijah Reyes, ang nag-iisang spiritual sister dito sa school of learning na ito... Tama ang nabanggit ni Jenilyn, nasa Matinding Pag-asa School of Learning kami, hindi nalalayo sa unang kwentong nabasa nyo na dati na matagal nang nawala.
Teka nga pala, matagal na pala kaming nawala at namiss nyo ang mga karakter namin... Hindi kami makapaghintay na ikwento sa inyo ang mga pinagdaanan namin nung nawala kami ng minsanan sa inyong mga piling... Halina't lumakbay na kayo muli sa aming piling at hindi kami makapaghintay na makasama namin kayo sa aming pagdadaaanan sa buhay tungo sa pag-asa, Marami kaming What If's pero, iisa lang ang hangarin namin, ang matupad namin itong mga What Ifs na ito sa aming buhay.