Rose Pagkarating ko sa sasakyan ni Angel ay saka nagpaliwanag sa'kin si Irene. "Narinig kasi nitong si Angel na kausap ni Jaydee si Blake over the phone habang nasa Bathroom," simula nito. "Tapos?" "May pupuntahan daw silang stag toy themed party." "Stag toy themed party?" pag-uulit ko. Tumango naman si Angel at gigil na sumagot. "Dinig na dinig ko! Mga walang hiya!" "'diba pag stag party mga kalaswaan iyon, marami kayang nagsasayaw na mga p****k na babae pag ganyan," dagdag pa nito. "At sa pagkababaero nitong si Blake, sigurado akong hinatak na nito 'yong mga jowa natin sa kalokohan niya!" nanggagalaiti na si Angel habang nagsisimula nang paandarin ang sasakyan. Hindi yata ako belong at hindi ko alam kung bakit sinasama nila ako rito. Huhulihin nila mga jowa nila, bakit pa ako si

