Loey Natatawa ako sa nangyari kahapon, at the same time kinikilig. Alam kong gusto rin ako ni Rose at nagdedeny lang siya. Nasa dorm na kami ngayon, gabi na kasi at naghihintay lang kami sa pagkain na niluluto ni Kuya Minx. Siya kasi ang naka toking magluto ngayon dahil day off ni Dio sa pagluluto. Kanya-kanya kaming ginagawa. Si Dio, Kyle at Sean ay nanunuod ng Pororo na paborito nilang panuorin. Si Harvey naman ay nagsesenti mag-isa habang nag gigitara sa gazeebo sa labas. Si Blake ay nakahilata sa single couch habang may kausap na namang babae sa phone. Ang landi pa ng boses habang inuuto ang kung sinumang kausap nito. Si Jaydee naman, ay sa tingin ko nag-aaway sila ni Angel ngayon sa bahay nila. Padalos-dalos kasi itong si Angel, napa anak tuloy si Irene. At ang future Daddy na si

