Lulu,
Lulu....
Lulu.. Gising na may pasok ka pa.
Ummmm.. Ma.
Gising kana.. May pasok ka pa.
Opo ma.. Aayosin ko lang Yong kumot ko.
Sege, gawin muna Yong mga gawain mo.
Opo ma..
Sanay na sanay na ako sa mga gawain ko bago ako pumasok.. Kaya madali ko lang to matapus.
Maliligo lang ako sa balon.. Anhhh.. Sarap lamig..
Magbibihis at kakain na..
Alis na ako ma..
Mag iingat ka.
Opo ma.
Bye ma..
Kukuha ako ng itlog sa puno ng saging.
Ipapalit ko ng papel gaya ng ginawa ni aira kahapun sa padala ng mama nyang nyog. Subukan ko lang..
Alam kaya ni papa efren ito.. Baka pagalitan ako.
Sabihin ko kaya muna kay mama..
Ahhh.. Babalik pa ako.
Isa lang naman.
Sana di ako pagalitan ni papa at mama.
Sana di alam ni papa efren na may nangitlog na manok sa puno ng saging.
Isa lang naman po.
Pero masama daw ang mag nakaw sabi ni papa efren. Sabi nya wag na wag akong manguha ng pera sa tindahan. Hintayin ko daw na bigyan ako.
Itlog lang naman ito.
Hala nasa school na agad ako..
Daan ako sa tindahan,
Tao po..
Tao po..
Anu yon..
Ahhh pwede po mag pa palit ng papel sa isang itlog.
Ahhh.. Ginaya mo Yong friend mo no. Ikaw din Yong nag papalit ng nyog kahapun diba.
Opo..
Wala din po kasi akong papel. Nahiya naman ako mag sabi kay mama. Tsaka po di pa pupunta ng tabi si mama.
Tabo.. Parang tiangi.
Ganun ba! Alam ba ng mama mo na kumuha ka ng itlog?
HINDI po..
Oh.. Masama yon. Pano kung bilang Yong itlog.
Mapagalitan ka. Pati ako.
Isa lang naman po. Tsaka di na po ako uulit.
Talaga wag muna ulitin yon.
Sege, bibigyan kita ng papel. Pag uwi mo mamaya kunin mo uli itong itlog.
Ibalik mo sa pinagkuhaan mo.
Tapus magpa alam ka sa mama mo. Baka bibigyan ka na lang nya ng pambili.
Sege po.. Salamat.
Si aira kaibigan ko ang mama nya. Kaya ok lang na nyog ang ipapalit nya ng papel. Dahil matagal talaga Sila bago magkapera.
Opo..
Oh mag sorry ka mamaya pag uwi mo sa mama mo ha.
Opo.
Isasauli ko agad mamaya ang itlog ate.
Oh Sege na.. Baka mahuli ka pa sa klase.
Wag sana akong pagalitan ni mama oh papa.
Di ko na talaga Uulitin.
Lulu pasok na.. Bakit may problema ka ba. Pinagalitan ka ba ng mama mo.
HINDI po.. Eh anu?
Wala po titser..
Oh maupo kana sa upuan mo.
Opo..
Lulu..
Lulu..
Ahh.. Titser anu po yon.
Anu to?
Apple po.
Eh ito.
Egg po.
OK ka lang?
Opo..
Masama ba pakiramdam mo?
Ahh.. Hindi po?
Oh reses na kayo!
Sege po ma'am..
Luluuuuu.......
Lulu....
Ahhh.. Papa efren. Ba bakit po?
Papa wag mo po akong saktan.
Papa, ibaba nyo po ako.
Ang kapal talaga ng mukha mo. Pinakain kana binihisan. Ito pa gagawin mo.
Papa, anu pong kasalanan ko.
Heeeeya!
Mr.. Bakit mo hinagis sa labas si lulu.
Wag kayong maki alam.
Masama po yan bata pa yan Mr. Anu bang kasalanan nya para gawin mo yan.
Huhuhu huhu huhu papa sorry po.
Papa sorry po. Di ko na po Uulitin.
Ngayon alam mo na kung anung kasalanan mo.
Itong sayo pak! Pak! Pak! Para mag tanda ka!
Arayyy ko po papa. Nasasaktan po ako. Wag nyo na po akong paluin ng walis tinting papa.. Sorry po papa.
Ang kapal ng mukha mo. Kaya seguro nagpakamatay ang mama mo kasi may lahi talaga kayong matigas ang ulo. Ito pa para magtanda ka?!
Pak! Pak! Pak!
Mr. Maawa ka sa bata.
Wag kayong maki alam. Tumayo ka dyan kunin mo ang gamit mo. Wag ka ng mag aral. Yan ba ang natutunan mo sa pag aaral mo ang gumawa ng masama.
Sorry po papa.. Di na po ako uulit.. Papa!
HINDI mo ako papa!
Mr. Anu man ang kasalanan ng bata. Hindi po ganyan na saktan nyo.
Maawa po kayo sa bata. May mga piraso na ng walis tinting balat nya po oh nakabon. Bata pa po yan..
Sinabi ko banga maki alam kau!
Oh gusto nyong sayo ko gawin to.
Alam mo ba kung anung ginawa ng batang yan!
Oh baka utos mo naag nakaw sya!
Mr. Hindi ko alam ang sinasabi mo.
Kaya wag kang maki alam.
Ma'am Soriano tumawag ka ng guard oh si principal..
Kawawa naman si lulu.
Sege.. Subukan nyong tumawag ng tulong lalo kung pa patayin ang batang to.
Papa, Tara na po. Uwi na po tayo.
Papa sorry po..
Saan mo dinala ang itlog!
Papa nabasag po sa daan.
Sinungaling!
Mag sisinungaling ka pa.
Pak! Pak! Pak!
Papa, sorry na po. Ang sakit sakit na po.
Masasaktan ka talaga. Kung mag sisinungaling ka pa. Nagnakaw ka nga!
Napaka wala mong respito!
Wala kang galang!
Papa, sorry na po..
Saan mo dinala ang itlog.
Sa... Sa... Sa.. Tindahan po.
Bakit!
Pinapalitan ko po ng papel. Pero di po pumayag si ate. Kasi po masama daw Yong kumuha ako ng di nagpapaalam!
Kaya sabi nya ibalik ko daw po mamaya pag uwi ko at mag sorry ako sainyo.
Tama ba ako mali!
Sorry po papa. Tama po si ate.
Kaya nga po ibabalik ko po talaga mama pag uwi ko.
Oh bakit nag sisinungaling ka pa.
Sorry po papa.
Kunin mo!
Po.. Kunin mo ang itlog.
Opo papa..
Tao po..
Tao po..
Ate kunin ko po Yong itlog.
Ito oh binalot ko ng papel yan para di mabasag.
Bakit uuwi ka na ba?
Opo ate..
Maga pa ahhh.
Sege po ate!
Papa ito na po!
Pak!
Papa bakit nyo po hinampas sa ulo ko Yong itlog. Nabasag tuloy!
Yang ulo mo ang basagin ko para magtanda!
Sorry na po papa.
Bilisan mo ang pag lakad!
Pak!
Aray ko papa.. Wag nyo na po akong paluin ng walis ting ting ang sakit sakit na po ng katawan ko. Huhuhu Huhuhu.
Kulang pa yan. Bilisan mo ng lakad! Bilis!
Opo papa..
Tsk! Tsak!
Papa bakit po ninyo ako sinipa. Nahulog tuloy ako sa putik!
Bilisan mo kasi ang lakad!
Sorry na po papa.. Ito na.
Zaldy!
Zaldy!...
Kuya!
Kuhaan mo ako ng sako!
Malaki ba kuya?
Yong sako ng palay.
Oh Dios ko. Anung ginawa mo kay lulu efren!
Kulang pa yan!
Kabata bata Marunong ng mag nakaw!
Pinakain muna. Binihisan!
Ayan pa gagawin nya.
Mama, sorry po mama.. Di ko na po Uulitin.
Bakit mo kasi ginawa yon..
Mama.. Kasi wala na akong papel.
Oh.. Ubos na agad. Bakit!
Nang hihingi po kasi ang kaklase ko.
Oh.. Bakit ka mag sabi.
Natatakot po ako. Baka magalit ka.
Oh.. Tapus nag nakaw ka. Anu ba ninakaw mo?
I I itlog po. Nakita ko po kasi sa puno ng saging..
Pero mama ibabalik ko naman po sana yon. Mamaya pag uwi!
Pak! Pak! Nag sinungaling pa yan!
Efren! Tama na! Baka ma patay muna yan..
Kuya ito na Yong sako.
Ibuka mo!
Papa, papa ibaba mo ako papa..
Papa, bakit ilagay mo ako dito sa loob ng sako.
Papa sorry na po!
Efren!
Anu yang ginagawa mo!
Wag kang maki alam kung ayaw mong masaktan!
Efren! Bata pa yan.. Tama na! Itali mo yan Zaldy sa ibabaw ng lutuan ng pagkain ng baboy. Pausukan mo!
Mama.. Mama.. Sorry po!
Efren anu ba! Zaldy ibaba mo yan.
Sege! Subukan mong ibaba.
Gawin mong inuutos ko!
Sege kuya!
Huhuhuhu.. Huhuhu! Efren maawa ka sa bata!
Magluto ka. Bilhan mo kami ng kulafu.
Kuya Zaldy wag nyo pong gawin yan. Maawa po kayo. Ang init init po.
Ang init po kuya.
Sumusunod lang ako.
Pero kuya maawa ka!
Oh bahala kana dyan.
Mama.. Tulongan mo ako.
Papa nasaan na po kayo.. Bakit nyo kasi kami pinabayaan. Bakit nyo naman kasi kami iniwan.. Papa sana kahit may magtanggol man lang sana.
Pero wala.. Kahit kina lola. Inaapi rin kami. Nila tito danilo at tita Verna!
Ate..
Ate lulu..
Ate kaya mo yan. Papatayin ko na Yong apoy.
Baka makita ka ng papa mo. Mapagalitan ka pa!
Nag I inum na sila ate!
Sege na dong umakyat ka na..
Sege ate..
Salamat dong.
Oh aalisin na daw kita dito. Patay na pala Yong apoy. Anu buhay ka pa! Tigas kasi ng ulo mo.
Kuya zaldy..
Kuya...
Sabi ni kuya efren ilublub daw kita sa liguan ng kalabaw.
Huhuhuhu.. Kuya parang awa muna. Tama na po.
Sumusunod lang ako.
Kuya zaldy. Ang hapdi na po ng mga sugat ko. Sa walis tinting maawa ka po.
Wala akong paki alam. Yon ang utos ni kuya efren.
Kuya, gutom na gutom Na po ako di pa po ako kumakain. Mula pa kaninang umaga. Parang awa muna po.
Wala akong magagawa.
Saan mo ako dadalhin kuya.
Sa lunang ng kalabaw.
Pero kuya may mga sugat po ako.
Kuya.. Palabasin mo ako dito sa sako. Kuya.. Maawa ka po sa akin..
Bahala ka dyan..
Kuya...
Tulongan nyo ako. Parang awa nyo na.
Hu hu hu hu hu hu hu.
Tulongan nyo ako..
Mama.. Tulongan mo ako ma.
Papa.. Tulongan nyo po ako. Maawa po kayo sa akin..
Mama..
Ang sakit sakit na po ng mga sugat ko.
Tulongan nyo po ako..
Hu hu hu hu hu..
Sinu ka!
Sinu ka na nasa sako!
Tulongan mo ako.
PARANG awa muna. Tulongan mo ako..
Sinu ka nga!
Sinu ka..
Si lulu ako.. Nakatira kina mama dorie.
Pa kawalan mo ako dito.
Sege na.. Parang awa muna.
Ha!
Sege sandali!
Anu pangalan mo..
Ako si Dan. Nakatira ako don malapit sa tindahan. Nakita na kita nong bumili ka ng kulafu.
Salamat ha!
Sinu gumawa sayo nyan..
Si papa efren po.
Bakit..
Nagnakaw po ako ng itlog.
Anu!
Itlog lang!
Oo.. Kasalanan ko.
Dios ko.. Ang dami mong sugat. At namamaga na sila. Anung ngyari dyan.
Pinalo po ako ng walis tingting. Yong iba kasi sinipa ako ni papa efren at nahulog ako sa pilapil.
Saan kita dadalhin lulu.
Haa! Wag na.. Umalis Kana baka makita ka pa. Dito na lang ako.
Ha!
Malamig dito. Basang basa ka pa.
Ito oh.. Huhubarin ko Yong damit ko. Palitan mo yang sayo.
Sege alis na ako. Ikaw na bahala ha. Kayanin mo..
Kumain kana ba?
HINDI pa. Gutom na gutom na nga ako.
Sege kukunan kita ng pagkain. Babalikan kita dito.
Wag kang maingay ha. Hihintayin kita.
Sege.. Alis na ako lulu.
Salamat Dan.. Salamat.
Mama, salamat sa tulong ha.. Salamat lord.. Salamat po.
Anu na ngayon ang gagawin ko. Saan na ako pupunta.