bc

Who Killed Agatha?

book_age18+
359
FOLLOW
1.1K
READ
tragedy
bxg
mystery
detective
campus
highschool
friendship
whodunnit
crime
school
like
intro-logo
Blurb

At 16, Agatha Mendoza was a very accomplished student. She was a well-known author and was earning top marks at her high school-she had everything to live for. When it appears that she jumped from her school's rooftop, ending her life, her best friend Cath Martinez vows to dig deeper to find the truth. Guided by an email from Agatha the day she died, Cath finds herself navigating an intriguing group of friends who aren't telling the full truth. Slowly, she uncovers a deadly dynamic that could bring Agatha to justice.

chap-preview
Free preview
Prologue
"May tumalon daw na student dito sa school building natin!" "Hala, totoo?" "Seryoso ka ba diyan?" "Hindi magandang biro 'yan. You must be just kidding around." "Why would I effin joke around?! Seryo--" "Guys!!! It's freaking true!!!" "Totoo nga, OMG. Kitang kita dito mula sa bintana ang katawan niya!" Nagising ako dahil sa malakas na sigaw ng mga classmate kong maingay. Sa hindi malamang dahilan ay para silang natatarantang mga langgam habang tumatakbo palabas ng classroom namin. Uminat muna ako at saka kinusot ang aking mga mata habang pinagmamasdan sila. Para akong bangag na wala pa sa tamang katinuan. Napapangiti pa ako habang pinagmamasdan silang magtakbuhan. "Hey, y'all look stupid." I absentmindey chuckle. But I suddenly snapped out of my trance when someone unintentionally nudged me on my shoulder. Bigla akong napakurap. Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa loob ng classroom at sa corridor. Ako na lang ang tao sa aming classroom. Samantalang may mga ilang nagtatakbuhang mga estudyante ang corridor. Anong nangyayari?! May sunog ba? Teka, wala naman akong naririnig na fire alarm, ah? Dahil sa halong takot na baka nga nasusunog ang school building namin, mabilis akong tumakbo papunta sa direksyon kung saan sila nagsisitakbuhan. Nang makalabas na ako ay napatigil ako sa pagtakbo. Punong-puno ang dulo ng corridor ng mga estudyanteng nagpapanic na makalabas ng building. Ang iba ay nagsusumiksik para maka-alis sa siksikang kumpulan ng mga estudyante. Ang iba naman ay maluha-luhang naghihintay na makarating na sa labas ng school building. Ako? I busy myself with examining the whole place. Kumunot ang aking noo. Wala namang usok. Walang amoy ng nasusunog. Wala ring apoy. Joke ba 'to? O baka may lindol? Pero bakit hindi nila ginagawa iyong natutunan namin sa lintik na earthquake drill last week?! Jusko, kung isa 'tong prank, makakasapak ako. Nang makarating na ako sa hagdan ay naisip ko nang makipagsisikan at makipag-unahan. The situation is too chaotic and unpeaceful. Somehow, it only fuels the panic that we are all feeling right now. Maya-maya'y hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan ng tatlong lalaking nasa harap ko. "Sino kaya 'yung student na 'yon?" Sambit noong matangkad na may kulot na buhok. Humarap naman sa kanya iyong may katangkaran din pero may mahabang buhok. "Ewan nga, eh." "Baka depressed." Sabat naman noong lalaking pinakamaliit sa kanilang tatlo. "I agree, sino bang tatalon mula sa school building natin na may anim na palapag nang walang dahilan?" Sagot noong lalaking may kulot na buhok bago sila tumakbo at magmadaling bumaba sa hagdan. Sa loob ng ilang segundo ay nawala na sila sa aking paningin. So, hindi pala ito isang sunog o lindol... Pero seryoso ba talaga 'yung sinabi ng tatlong 'yon? May nahulog talaga mula sa school building namin? Hala, suicide?! With that, the chismosa inner me hastily took over my system. Mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo. Salya dito at salya doon ang aking ginawa sa mga ka-schoolmate ko para lang mabigyan nila ako nang maluwag na daan. Nang makarating na ako sa labas ng school building ay nagpalinga-linga ako sa buong paligid. Bigla akong natigilan. Nanlalaki ang mga mata, napatakip na lang ako sa aking bibig. Muntik pa akong masuka noong patuloy kong pagmasdan ang duguang katawan noong babaeng iyon. Nakaharap ang kanyang mukha sa lupa, paniguradong basag ang kanyang bungo. Ang dugo mula sa kanyang ulo ay umagos at kinulayan na ang lupa. Ngayon ay halatang nagkanda-lasog lasog na ang kanyang katawan dahil sa taas ng kanyang binagsakan. Sino kaya ang babaeng 'to? Hmm? Maiksi ang buhok. Payat. Hindi katangkaran. What... the-- Siya ba si...-- hindi, hindi siya ang bestfriend kong si Agatha. Hindi puwede. Hindi nga ba? Shit. Hindi ko na maiwasan ang makaramdam ng labis na panlalamig dahil sa kaba. Ang pagtibok ng puso ko ay unti-unti nang kinontrol ng kabang nararamdaman ko. Sobrang bilis na nito. "Sino kaya 'yon?" Bulong ni Luigi, pinsan ng bestfriend kong si Agatha. Hindi ko na namalayang nasa tabi ko na pala siya. Namumutla akong tumingin sa kanya. Nanginginig ang aking mga tuhod noong lumunok ako ng laway. Sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili. "Are you actually okay? Bakit ka namumutla?" He asked, half terrified and anxious. I took a very deep breath. Unsure with the thoughts that running through my mind, I still managed to speak up. "H-Hindi siya si A-Agatha, 'di ba?" It seems like I'm not sharing my thoughts anymore. It's more of pursuading him to clarify that my doubtful mind is wrong, that Agatha is never that dead girl lying afar from us. Pero tuluyan na akong pinanghinaan nang tinignan niya lang ako sa aking mga mata. Iyong tingin na para bang bigla niyang narealize na tama ang aking iniisip. Ngayon ay bakas na bakas sa kanya ang hindi inaasahang kaba. Ramdam na ramdam ko na rin sa kanya ang namumuong takot dahil mukhang pareho na kami ng naiisip. Nasaan nga ba si Agatha? Bakit kaparehong-kapareho ng buhok at katawan ni Agatha ang babaeng ngayon ay duguang nakahandusay? Si Agatha nga ba talaga ang babaeng iyon? Walang ano-ano'y mabilis kaming tumakbo sa kinaroroonan ng walang buhay na katawan noong babae. Para bang naintindihan namin ang isa't isa sa pamamagitan lang ng pagtingin sa mga mata. Kahit na nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa takot, nagawa ko pa ring magpatuloy sa pagtakbo. Kailangan kong makumpirmang mali ang iniisip ko. Hindi siya si Agatha. Hindi puwede, hindi siya si Agatha. Hindi 'to puwedeng mangyari kay Agatha. Nang makalapit na kami sa katawan noong babae ay agad kaming hinarang ng mga Security Guard. Ngunit pinagpilitan pa rin ni Luigi ang makalusot laban sa kanila. Buong lakas niyang itinutulak ang mga Security Guard habang patuloy pa rin sila sa pagpigil sa kanya. Napasapo ako sa aking noo. Tiyak na malaking gulo ang kahaharapin ni Luigi kung hindi pa siya titigil. Big deal kasi sa School namin ang manners towards the authorities. Niyakap ko siya sa kanyang baywang, I am pulling him away from the guards. "Luigi, you need stop. We should just wait for the..." Natigilan ako nang dumako ang aking mga mata sa bangkay noong babae. "police..." Agad akong bumitaw sa pagkakayakap kay Luigi. Tuluyan nang hindi ko nakontrol ang aking mga tuhod. Napaluhod ako sa lupa. Otomatikong gumawa ng mga butil ng luha ang aking mga mata. Terrified, I weakly mumble as I sob, "L-Luigi..." Nakatulala ako sa bracelet noong babae. Hindi ako maaaring magkamali, bracelet iyon ni Agatha. Tumigil si Luigi sa pagpupumiglas laban sa mga gwardiya. He knelt down infront of me and cupped my cheeks. "Hey?" I looked at him right into his eyes. My eyes are being flooded by my tears. "S-Siya si A-Agatha..." "What?!" Natataranta siyang umiling. "No." Tears started to avalanched down his cheeks. "Nagbibiro ka lang, 'di ba?" He pleads but I just shook my head as I hug him. Napuno ng malakas na paghagulgol naming dalawa ang school ground. The place is too quiet, except the sadness that we are currently screaming. And just like that, we felt the sympathy that most of our schoolmates are giving us. Ramdam ko ang lungkot nila habang pinapanood kami sa kani-kanilang puwesto. Ilang minuto ang nakalipas ay lumapit na rin sa amin ang nag-iiyakan naming mga kaklase. Inalalayan nila kami ni Luigi para makatayo. Ako ay natutula pa rin habang pauli-ulit nilang tinatapik ang aking mga pisngi. Noong dumating na ang mga pulis, ini-angat na nila ang katawan noong babae. From that moment, patuloy pa rin akong nag-dadasal na sana, hindi siya si Agatha. Na sana, buhay pa rin ang bestfriend ko. Masakit. Pilit kong pinapaniwala ang aking sarili na hindi siya si Agatha pero pilit namang sinasampal ng realidad ang katotohanan sa akin. Tuluyan na akong nawala sa aking sarili nang makumpirma na namin kung sino nga ba siya-- siya nga si Agatha; ang bestfriend ko nga ang babaeng ngayon ay patuloy na naliligo sa kanyang sariling dugo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook