Cath
One Hour Before Agatha's Death
Napapahikab akong umupo sa aking upuan. As expected, ako pa lang ang tao dito sa classroom. Ngayon ay pasado alas-sais pa lang kasi nang umaga, isang oras bago magsimula ang klase.
Bakit ako maagang pumasok? Iyon ay para magpatutor sa bestfriend kong si Agatha. Pangalawa na kasi ako sa pinaka-last sa ranking ng section namin. Hindi ko na kinakaya ang sermon na nakukuha ko sa aking parents kaya't humingi na ako ng tulong sa kanya. Well, because she's an angel in disguise, she doesn't hesitate to help me. Ngayon ang simula ng pagtu-tutor niya sa akin.
Having Agatha as my bestfriend is indeed a blessing. Siya 'yung tao na willing tumulong kailangan mo man siya o hindi.
Sa sobrang bait nga niya, muntik na akong magpatayo ng rebulto niya, eh!
Naputol ako sa aking iniisip nang bumukas ang pinto. I quickly turn my gaze towards it.
Lucas Cua.
Kusa akong bumusangot habang nakabusangot rin siya sa akin habang sinasarado ang pinto.
This punk is that someone whom I don't want to share a room with. Siya iyong taong makita mo lang ang anino ay talagang masisira na agad ang araw mo.
Magmula kasi noong mag-transfer ako dito, wala na siyang ginawa kundi ang bwisitin ako. Araw-araw niyang pinapainit ang ulo ko. Iyong tipong parang hindi mabubuo ang kanyang araw nang hindi ako nakabusangot nang dahil sa kanya. 'Yung parang trabaho niya ang inisin ako at ang mas nakakainis pa nito, palagi siyang panalo!
"What?" He c****d his eyebrow as he leaned his back against the door. "Ngayon ka lang nakakita ng gwapo?" He lifted the corner of his lips.
Tumayo ako at tinaasan rin siya ng kilay. "Excuse me? 'Yung pinto ang tinitignan ko and yuck?" I make a gag sound, "Saang banda ang gwapo sa 'yo? Paki-explain." I roll my eyes and laugh sarcastically.
Pero tumigil din agad ako sa pagtawa nang bigla siyang siyang sumimangot. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Ang maging masaya ba dahil nagtagumpay akong inisin siya o ang matakot dahil baka saktan niya ako?
Teka nga, bakit ang dali yata niyang mainis ngayon? Jusko.
By chance, may red alert kaya siya ngayong linggo? Daig pa nito ang nagme-menopause na matanda, eh.
Napalunok na lang ako ng laway habang pinagmamasdan siyang lumakad papalapit sa akin. His eyes are too sharp for me to handle. It stabs my fragile soul. I am mentally bleeding and there is no way I can mend myself right away.
Hindi ako makagalaw. Hindi ako makasigaw. Hindi ako makatakbo.
Paralisado ako sa nag-aalab niyang mga mata.
Kaunti na lang, hihingi na talaga ako ng take two mula sa kanya. Baka puwede namang ulitin na lang namin ang scene na iyon kanina? Mag-aagree na talaga akong gwapo siya!
O lumuhod na lang kaya ako? Pero paano? Ayaw makisama ng mga tuhod ko!
Nagpatuloy siya sa paglakad papalapit sa akin nang may nagtatangis na mga mata. Ang tuhod ko naman ay halos mabaklas na mula sa aking mga hita dahil sa labis na panginginig.
Hindi na ito kinakaya ng pagkatao ko!
Ready na ba akong magkaroon ng black eye?
Siyempre, hindi!
Kilala ko ang lalaking ito, wala itong pinipili. Kahit nga babae ay pinapatulan nito. Muntik na nga niyang masaktan si Agatha noon kung hindi ko lang talaga siya pinigilan, eh.
Nang malapit na malapit na siya sa akin ay napapikit na lang ako. Tahimik akong nagdasal na sana ay dumating na ang mga kaklase ko para awatin siya. O hindi naman kaya ay bigla na lang siyang mahimatay or something, basta tumigil lang siya!
Nagpatuloy ako sa pagpikit. The corners of my lips turned down as I ready myself for the pain that his fist might reward to my face. But a minute had pass, walang masakit na nangyari sa akin. Wala akong naramdaman na kahit na anong dampi ng kanyang kamay sa akin.
Nagtataka, binuksan ko ang aking mga mata.
What the fudge?!
Nanlalaki ang aking mga mata noong sa halip na kamao niya ang tumambad sa akin ay ang kanyang mukha ang nakita ko.
It was dangerously close to mine. I can clearly feel his hot breath against my lips. And in all fairness ang bango ng hininga niya.
Nang mapadako ako sa kanyang mga mata, seryoso iyong nakatingin sa aking labi. Para bang may balak siyang gawin. It's as if he's about to freaking kiss me!
Pigil hininga akong inilayo ang aking ulo. Pero ganoon na lang ang labis na pagkagulat ko noong hawakan niya ang aking mga pisngi. Inilapit niyang muli ang aking mukha sa kanya.
Napapalunok ng laway, wala akong magawa kundi ang mapatingin sa kanyang labi. Ngayon ko lang napagtantong perpekto pala ang hugis noon. Sobrang pula rin noon na para bang kay sarap hali--
What the fudge, Cath?!
Ano bang iniisip mo?!
I mentally slap myself.
Dapat, ma-cringe ka, bakit parang na-fall ka pang lintik ka?!
I am wincing when he continued raking his eyes on my half opened lips.
"Pangit mo talaga." He lazily mumbled as he flashed his obnoxious grin before he sat on his arm chair that is situated infront of me.
Aba't?!
Alam kong pangit ako, pero kailangan pa bang ipa-mukha?
Pasmado talaga ang bibig ng lalaking ito!
Muntik na akong mapa-mura dahil sa inis. Akmang babatukan ko sana siya pero bigla siyang lumingon sa akin. Agad kong binawi ang aking kamay.
"Ano?"
I cough, nabilaukan ako sa sarili kong laway. "May lamok." Pinaypayan ko ang kanyang malapad na likod at umaktong hinahanap iyong inimbento kong lamok.
He just shrugged and lay his head on his arm rest. Inirapan ko na lang siya nang patago bago tumayo.
I need to stay away from him. Kailangan kong lumayo dahil kung hindi, isa sa amin ang magkakaroon ng pasa sa mukha at siyempre, ako iyon. Saklap.
Naglakad na ako papunta sa pinto nang bigla siyang nagsalita. "Saan ka pupunta?"
I turn my head on him. Sa labas, hindi ko na kasi kaya ang init dito sa loob. Demonyo na nga ako, tapos demonyo pa rin ang makakasama ko sa isang kwarto? Baka magmukhang impyerno na 'tong classroom natin, hoy. But I only resorted with, "Bakit? Miss mo na agad ako?"
"Kapal." Itinungo niya ulit ang kanyang ulo.
Oh, 'di ba? Demonyo talaga.
Nakabusangot akong lumabas ng classroom. Bakit ba kasi ang agang pumasok ng lalaking 'yon ngayon? As far as I know, lagi siyang late. Nagbabagong buhay na rin ba siya? Ayaw niya na bang maging pinaka-last sa ranking ng section namin? Jusko naman, bakit kailangan niya pa akong sabayan? Baka sa halip na umangat ang rank ko, ako pa ang pumalit sa kanya?!
Padabog akong lumakad sa tahimik na corridor. Nang makarating na ako sa dulo, napatigil ako nang makasalubong ko si Vanessa Reyes, ang Vice President ng classroom namin.
"Good morning." She greeted with her contagious smile.
I suddenly smile. For awhile, I forgot Lucas' obnoxious face on my head. "Good morning!"
"Ang aga mo yata ngayon, Cath?"
"Ah," I awkwardly laugh and scratch my nape, "magpapatutor kasi ako kay Agatha."
She nodded, "I see. Magaling na tutor si Agatha, hindi ka nagkamali ng napili."
Ilang segundo pa ang makalipas ay nagpaalam na rin siya sa akin. Lumakad na siya papunta sa aming classroom at pinigilan ko ang sarili kong sabihin sa kanyang may demonyo doon.
Naalala ko na naman si Lucas! Hinayupak na lalaking 'yon talaga!
Nakabusangot na uli akong naglakad pababa ng hagdan. Noong nasa kalagitnaan na ako ay nakasalubong ko naman ang nagmamadaling si Agatha.
"Great." She heaved a, seems like, relieved sigh, "Sakto," hinawakan niya ang aking kamay, "tulungan mo akong dalhin iyong mga books na ibibigay ko sa teachers natin."
It is probably her new book entitled "The Day Where My Life Ends And Ours Begin". Lahat kasi ng teachers namin ay nagri-request sa kanyang makakuha ng signed copy noon.
Hinila niya ako pababa ng hagdan, "Let's go! Hindi iyon kaya ni Manong Driver, matanda na siya."
I just laugh and let her pull me. Nang pababa na kami ng hagdan ay hindi na namin namalayang may tao pala sa likuran ni Agatha. Muntik na namin siyang mabangga. Mabuti na lang at agad kong nahila si Agatha papalayo sa kanya.
It was Stephanie Vidallion.
"Wanna die?!" Sigaw niya habang galit na galit na nakatingin sa amin.
I narrow my eyes at her. Here we go again.
"Wala ba kayong mga mata?!" She threw her hands dramatically, "Ang luwag luwag ng school, sa daan ko pa talaga kayo haharang?!" She continued screaming like a spoiled brat.
"Well, oo nga pala. Ang basura, haharang at haharang talaga sa daan mo 'yan kaya dapat mong sipain." She smirked, "Sipain ko na ba kayo?"
Great. What a freaking way to start my day. Sinimulan ni Lucas na sirain ang araw ko, tuluyan na itong nasira dahil sa babaeng ito.
I took a deep breath before I speak. "First of all, hindi kami nakatingin sa 'yo kaya malamang, hindi ka namin makikita."
I laugh sarcastically.
"Second, usually kasi kapag alam mong mababangga ka na, 'di ba ang dapat mong gawin ay ang umiwas? Anong ginawa mo? You just hysterically whine like the snarkiest spoiled brat that you are."
I raise my eyebrow as if I'm disgusted by just staring at her damn face. "Ano? Kami pa rin ba ang dapat na mag-adjust para sa 'yo?" Suminghal ako, "Ano bang tingin mo sa sarili mo? Reyna ng School?" I let out a mocking laugh. "You wish."
Sa buong School, tanging ako lang ang may lakas ng loob para banggain siya. Untoucheable kasi ang babaeng 'to. Anak ng Principal, eh. Pero hindi ko siya uurungan dahil lang doon. Ibahin niya ako.
"Sumasagot ka pa!" Mabilis siyang lumakad papalapit sa akin. Her eyes are fuming but I equalled it with my mocking facial expression.
"Malamang, tinatanong mo ako, eh--"
Tinulak niya ako nang malakas. Dahil doon ay napaupo ako sa hagdan. Ngumiwi ako dahil sa labis na sakit. Ang likod ko kasi ay tumama sa matulis na edge ng hagdan.
"Girls, tama na 'yan." Agatha hold my arms to help me get up, "Stephanie, pumunta ka na lang sa classroom." She let out an exhausted sigh, "Please."
"Hmm," Stephanie clapped her hands, "and here we are again. Nangialam na naman si Miss Bait-Baitan."
Nakatayo na ako. Pero patuloy pa rin akong hinahawakan ni Agatha hindi para alalayang tumayo, kundi para awatin sa pag-atake ko kay Stephanie.
"Why won't you just focus on showing your true colors instead of halting me from what I want to do? Ang plastic mo talaga! Let me remind you na basura ka, Agatha. At ang mga basura, sa basurahan nararapat."
Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan mula sa braso si Agatha. Kinaladkad niya ang bestfriend ko pababa ng hagdan at saka isinalya doon sa basurahan. Lahat ng basura ay nalaglag sa kanyang uniporme. Mabuti na lang at puro papel lang ang laman noon.
"Agatha!" Natataranta akong napatakbo patungo sa kanya. Tinulungan ko siyang makatayo.
"Ano bang problema mo?!" I yell through my gritted teeth as I face Stephanie who is laughing hard as if what she did was a joke. I am about to pull her hair when she hastily ran uptairs. Hahabulin ko na sana siya pero pinigilan naman ako ni Agatha.
"It's okay, Cath." She grimaced, "I am okay."
Napasapo ako sa aking noo at iritado siyang tinignan. "Agatha, that was, clearly, school violence. I-report na natin siya!"
Nanghihina siyang umiling. "H'wag na."
Katulad ng laging nangyayari, umirap na lang ako. Dati ko pa siya pinipilit na i-report na sina Lucas at Stephanie sa Guidance Office sa tuwing binubully siya ng dalawang iyon. Siya lang talaga itong ayaw. Hindi ko talaga ma-gets kung bakit ayaw niyang gawin iyon.
Nang makalabas na kami ng school building ay agad nang inabot sa amin ni Manong Driver ang mga books ni Agatha. Nagpasalamat muna kami sa kanya bago kami pumasok muli sa loob.
Papaakyat na sana kami sa hagdan nang hinarang kami ni Larby Policarpio, ang chicboy ng Campus.
"Good morning." He smiled with his perfect teeth.
"Good morning!" I cheerfully told him but he only steadied his gaze on my bestfriend.
Wait, parang may something?
May iba sa ngiti niya kay Agatha.
Crush niya siguro ang bestfriend ko?
No! It can never happen!
Hindi ako papayag na makatuluyan niya si Agatha. Ayokong masaktan ang bestfriend ko dahil sa kanya. Hindi kasi matino ang isang 'to. Halos lahat kasi ng mga babae dito sa School ay nilandi na niya yata. Hindi na nga rin ako magtataka kung magka-AIDS 'yang lalaking iyan, eh.
Bigla ko tuloy naalala ang mga advice ko sa mga babaeng nilandi niya last year. I told them that we can't find real love through someone's face, it can only be found through someone's heart. Kaya kung marupok sila, turuan na nila agad ang sarili nilang hindi agad ma-fall sa maganda o gwapo lang; dapat doon sila sa may magandang ugali muna, bago na ang mukha.
"Tulungan na kita?" Akmang aagawin niya ang dala ni Agatha. Agad naman iyong inilayo ng bestfriend ko sa kanya.
"Kaya ko na 'to."
Sumingit ako. "Ako, Larby. Hindi ko kaya 'to." Sinubukan kong magpa-cute pero tinawanan niya lang ako. Nagpaalam na siya sa amin at tumakbo papataas ng hagdan.
Wala talaga siyang pinagkaiba doon sa demonyo sa classroom namin!
Lumakad na rin kami ni Agatha papunta sa classroom. Noong makarating na kami doon, halos kalahati na ng mga classmates namin ang nasa kanya-kanya nang upuan.
Tumungo na kami sa upuan namin. Nakaupo na rin doon si Luigi. Magkatabi kasi kaming tatlo nina Agatha, pinapagitnaan namin siya. Alternate kasi na boys and girls ang sitting arrangement na ginawa ng aming adviser.
"Good morning." Came by Luigi's raspy voice.
Pero nagulat ako noong bigla niya akong akbayan. Then he faced his cell phone on us. Nakipag-selfie pa ang loko. This is his thing. You know, millenial. IG stories are life.
Otomatiko akong nag-pose sa camera.

"Good morning." I mess his neatly combed hair. Gustong gusto ko talagang ginugulo ang buhok na ilang minuto niyang inayos.
"Cath naman!" He glared at me. I guffaw as I tousle it more.
Noong mapagod na ako sa pang-iinis sa kanya, itinungo ko na lang ang ulo ko sa aking arm rest. Just like that, unti-unti nang bumigat ang talukap ng mga mata ko. Before I even knew it, I am sleeping softly.
***
"May tumalon daw na student mula sa school building natin!!!"
"Hala, totoo?"
"Seryoso ka ba dyan?"
"Hindi magandang biro 'yan... You must be just kidding around."
"Why would I joke around? Seryo--"
"Guys!!! It's freaking true!!!"
"Totoo nga, OMG. Kitang kita dito mula sa window natin ang katawan niya!"
Nagising ako dahil sa malakas na sigaw ng mga classmate kong maingay.
×××
Author's Note:
Thoughts about the main characters? Comment niyo na! And please, don't forget to vote. Thank you!