Zaire Emerald Xermin's Pov Halos isang linggo na din ang nakakalipas ng nang manggaling kami ni McKenzie sa bahay nya at walang oras na hindi ko naalala ang lahat ng nangyari dun. Lalo na yung mga huling salita na narinig kong sinabi nya. "Will you catch me if I fall?" Umiling-iling ako. Ilang beses kong tinanong sa kanya ang bagay na yan pero wala naman syang sinasabi. Lagi lang nya akong tinitingnan tsaka tatalikuran. Wala akong makuhang sagot sa kanya na nakakadagdag sa isipin ko. Bumuntong hininga nalang ako at nag-focus sa practical exam na ginagawa ko ngayon. Archery ang subject namin at kanina ko pa pinapatamaan ang 100 targets na nagkalat sa buong field. Sabi kanina ng teacher namin, mababaan daw ng time kaso, hindi ko alam kung gaano na ba ako katagal dito. Masyado ba na ba

