Zaire Emerald Xermin's Pov Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas ng unit ko. Hindi ko napansin na dito na pala ako sa sala nakatulog at hindi man lang nila ako ginising para makalipat sa kwarto ko. Bumuntong hininga nalang ako at nag-inat. Dun ko napansin na wala ang CPO Boys ngayon dito sa unit ko. Hindi kaya sila yung maingay sa labas? Bumangon ako at dumeretso na sa main door tsaka sumilip sa labas. Dun, nakita ko ang nagkakagulong mga lalaking ito na pilit pinipigilan si McKenzie na makalapit sa unit ko. "Anong nangyayari dito?" Natigil sila sa pagtatalo at bumaling sa akin. "Hoy, bakit ayaw mo akong papasukin sa unit mo?" sigaw agad sa akin ni McKenzie na ikinataas ng kilay ko. Aba, at sya pa ang may ganang magalit? Unit ko ito di ba? Nag-cross arms ako at sumand

