41. Snap HAPON NA sila nakalabas ng bahay dahil sa kumusyon na nangyari noong umaga. Kahit anong baliktad nila sa mga gamit ay hindi talaga nila makita ang mga flag na nakuha sa mga kalaban. Ngayon sigurado na siyang may kumuha sa mga iyon habang wala silang kamalayan sa mundo. Nang makaakyat sa unang bahay, dumiretso kaagad si Sage sa rooftop upang mag-obserba sa nanyayari sa paligid. Hanggang ngayon wala pa rin silang balita sa mga susunod na kaganapan sa isla. Lalo tuloy lumakas ang kutob niya na may mangyayaring hindi maganda sa mga susunod na araw. Itinutok niya ang binocular sa mga mata upang mag-obserba. Wala siyang napapapansin na kakaiba sa bawat direksyon ng gubat. Tinignan niya pa iyon ng pangalawang beses upang makasigurado. Ganoon na lamang ang gulat niya nang makarini

