16. Stars TAHIMIK NA pinagmamasdan ni Alluka at Koddie ang mga bituin sa kalangitan. Nakasandal ang dalaga sa kapatid habang nakatingin sila sa kawalan. Mahigpit pa rin ang pagkaka-kapit ni Alluka sa braso ng kuya. Makikita ang matinding pangungulila nito. Kahit bata pa noon ay alam niya sa puso niyang kulang siya kapag wala ang kapatid. Na kailangan niya ito upang maging buo. “Nakatakas ako sa mga kumuha sa akin sa park. Si Sage ang dahilan niyon,” panimula ng kapatid niya. “Nakagapos ako sa isang abandunadong gusali. Hindi ko maigalaw ang kamay at paa ko dahil may tali. Doon nakatira ang ibang batang lansangan na katulad niya. Ilang araw na nagmamanman si Sage sa lugar. Hindi siya sumuko hangga’t hindi ako naitatakas doon.” Umalis sa pagkakasandig si Alluka para mapagmasdan ang kap

