17. Secret "UMAGA NA naman!" sigaw ni Goldee pagkalabas nito ng kwarto. Tapos na silang magsiligo at magpatuyo matapos maligo sa pool kanina. "Matatahi ko iyang bunganga mo." Umiiling na saad ni Blaze. Hanggang ngayon ay hindi pa rin yata ito sanay sa kaingayan ni Goldee. Kahit si Alluka. Sa totoo lang, nagugulat pa rin siya sa biglaang pagsigaw-sigaw ni Goldee. Malalim pa naman ang iniisip niya minsan at kapag sumigaw na ito, parang tinatakasan siya ng kaluluwa niya. "Sorry,” nagpeace-sign pa si Goldee kay Blaze. "Aray!" “Anong nangyari?” nag-aalalang tanong ni Koddie. “Nakatapak yata ako ng bubog,” pag-amin ni Goldee. Naulit muli ang nangyari nang una silang matulog sa bahay. Habang nasa kasagsagan ng tulog ang lahat ay may sumugod muli. Hindi na nila nilinis iyon magsimula n

