33. Run NAGSISIMULA pa lang ang pagbukang-liwayway ngunit ang pawis nila Koddie ay gano’n na lamang katindi sa pagtagaktak. Kanina pa kase sila tumatakbo dahil may mga paniki na namang lumalabas sa dinaraanan nila. Maaring may nambulabog na naman sa mga iyon kaya gano’n na lamang ang pagliparan sa iba’t ibang direksyon. Literal na wild point ang lugar na iyon dahil sa dami ng mababangis na hayop na nakakasalubong nila. Tila sinadya talagang pagsama-samahin ang mga iyon doon upang magbigay sa kanila ng takot. Ngunit alam nila na sa oras na makaramdam sila ng takot ay katapusan na ng kanilang buhay. Pati ang utak kase nila ay madadamay. Hindi iyon gagana nang matino habang natataranta sila. Nakarinig pa sila ng malalakas ng pagwawala ng mga uwak. Napakasakit niyon sa pandinig. Tinakpan

