32. Southeast TUMAYO NA SA pagkakasalampak si Koddie. Nasa ilalim sila ng mga baging sa kagubatan at doon nagtatago. Tama nga si Sage na nasa Wild Forest sila sapagkat sa pangalawang pagliko nila ng maze ay pinagpyestahan na kaagad sila ng mga paniki. Mabuti na lamang at mabilis ang naging pag-aksyon nila upang matakasan ang mga ‘yon. Napagdesisyunan nila nung gabi na magpalitan sa pagtulog nang sa ganoon ay malalaman nila kung may panganib na nakaabang. Nasa paligid din kase ang ibang platoon at maaaring naghihintay lang din ng pagkakataong umatake sa kanila. Ganoon din ang ginawa ni Goldee at Blaze, pinili ng dalawa na magpaumaga upang makita nila ang lahat daraanan. Umakyat din sila sa mga baging at doon sa itaas ng pader nagpahinga. Sa lugar na iyon lamang kase sila ligtas. Hindi rin

