86. Blood TAHIMIK ANG LAHAT ng pinuno ng mga Platoon na nakaupo sa may palibot ng isang bato na nakapatong sa isa pang bato. Malaki at mahaba iyon. Nagsisilbi nilang lamesa sa tuwing kumakain at may pagpupulong. Nasa gitna ang mga kandila na naiuwi ni Alluka at Sage galing burol at nagsisilbi nilang tanglaw sa gabing iyon. Naroon sila para upang matalakay ang mga usapin sa isla. Hindi man kase nila aminin, alam nilang may hidwaan pa ring nangyayari. May mga Platoon pa rin na walang tiwala sa mga kasamahan at tinuturing iyong mga kaaway. Bago magkaroon ng isang lamat ang parteng nabasag, kailangan na nilang matapalang o mapalitan nang sa gayon ay hindi na maghiwa-hiwalay ang pinaghirapan nilang buuin. Nang makaalis ang pinuno ng mga Platoon, muling ipinagpatuloy ng grupo nila ang pag-

