87. Waffle NANGHIHINA ANG MGA tuhod ni Clud nang sandaling iyon. Parang hindi niya kayang tumayo. Nakakatulala lamang siya sa loob ng ilang segundong nakalipas. Wala siyang lakas ng loob na bumaba. Ayaw niyang malaman kung masamang balita ang makikita niya roon. Hinihiling niya na sana’y sumigaw ang mga bata. Tawagin siya ng mga ito at sabihing nasa mabuti silang kaligayahan. “Hey, Clud!” inalog-alog siya ni Russ. “Come to your senses! What are you doing?” “Ang mga bata, Russ,” nanlalaki ang mga mata niya habang sinasabi iyon sa kabigan. “Get this gun. Go down first! Check the casualties,” seryosong saad ni Russ. “I can’t go down. We need to protect our family! I will back you up. We are at war so come to your senses!” Sandaling pang natulala si Clud bago sundin si Russ. Tama ito. Ka

