88. Savannah

1222 Words

88. Savannah   NAGSIMULA NA ANG pagkilos nila nang sumapit ang gabi. Sa ganitong oras lamang malaya silang makakilos dahil mas madaling makaiwas sa mga mata ni Helga sa isla. Kahit na alam nilang wala pa ito sa tamang pag-iisip, kailangan pa rin nilang makasiguradong walang makakahuli sa kanila dahil hindi nila alam kung hanggang ngayon ay tinuturukan pa rin ito ng sedative. Ngunit sigurado sa isang bagay si Sage—sa oras na bumalik ang kamalayan ng tiyahin nila, magiging katapusan na nila iyon. Kung sana’y hindi delikado ang paglabas ng mga Platoon sa Maze, maaari na nilang samantalahin ang pagkakataong iyon upang wakasan ang lahat ng sigalot sa isla. Lihim na umaasa si Sage na nasa maayos na kalagayan pa rin si Celine. Hindi madaling magpadala ng impormasyon na nanggaling sa loob patu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD