2. Bar

1772 Words
2. Bar NAHIHILO SI ALLUKA nang magising. Hindi niya maintindihan ang matinding ingay na nagaganap sa paligid. Kapwa nagkakasiyahan ang lahat. Napakalakas din ng tugtog. Tila sumusuot iyon sa kanyang taynga. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata. Umiikot-ikot pa rin at nanlalabo ang kanyang paningin. What the heck? Gustong manlaki ng mata niya sa nakitang itsura sa salamin nang mabungaran ang sarili. Who did this to my face? Why am I wearing make up? Nang ilibot niya ang tingin sa paligid ay napatayo siyang bigla matapos makita si Majimbo. Naroon ito sa isang gilid at may dalawang babae sa magkabilaan. Animo'y nawala ang hilo niya at sinugod ito. Ngunit bigo siyang makalapit dito, may harang na salamin ang kinalalagyan niya. Kinalampag niya iyon, pinagsusuntok at pinagsisipa, ngunit walang talab. "I will kill you, Majimbo!" lumalabas ang ugat niya sa leeg dala ng matinding galit. Tinawan lang siya nito nang mapansing gising na siya. Binenta ba ako ng Majimbo na iyon?  Naguguluhan niyang tanong habang pinagmamasdan ang sarili sa loob ng salamin. Para siyang nasa loob ng aquarium na walang tubig. Siya rin ang sentro ng atensyon ng lahat. "Gising na ang ating auction ngayong gabi. Who wants to have her?” walang paligoy-ligoy na tanong ng lalaking may hawak na mikropono sa bandang entablado. “Anyone?" "Five thousand!" sigaw ng isang matandang lalaki na unang nag-bid at nagtaas ng kamay. "Fifteen thousand!" "Twenty-five!" "Fifty thousand!" "Three hundred thousand!" sigaw ng isang lalaking maraming alahas sa katawan. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Ngunit isa lang ang nasisigurado niya nang mga sandaling iyon, kung sinumang manalo ay makukuha siya at maaari nitong gawin ang lahat ng gusto sa kanya. Gagawin talaga kitang violet, Majimbo! Three hundred thousand? How cheap I am. Gusto niyang mapailing. Hindi siya nagpakahirap lumaban sa buhay para ibenta lang sa maliit na halaga. Those assh*les! Nakakapanlumo ang mga kamalasang humahabol sa kanya. "Higher than three hundred thousand?" nagsitahimik ang lahat, walang sumagot...   PROBLEMADO na naman si Sage sa kanyang kaibigan. Gagastos na naman ito ng malaking halaga para sa walang kakwentang pagkakataon. Kaagad niyang kinumpronta ang kaibigan nang makita ito. Hinila niya si Xenus sa tago at hindi mataong parte. Malayo sa nagsasayawan at bidding area ng club. "Hoy, ugok! Ano na namang kalokohan iyon?" Kibit-balikat lang ang isinagot ni Xenus. "Ano nga?" Lumilinga-linga siya sa paligid. Walang sinuman ang maaaring makakita sa pag-uusap nila. Kailangan niyang mag-ingat. "Pwede bang pagkatiwalaan mo na lang ako, Truepa?" tanong nito sa kanya. "Truepa?" kumunot ang noo niya. "Tropa 'di ba friend? Totoong kaibigan. Truepa!" "Alam ko. Pero hindi ko akalaing gagayahin mo ang trip na tawag ni Ginto,” napahawak siya sa kanyang sintido. Pinapasakit na naman ni Xenus ang ulo niya. Napakalakas nito kung magwaldas ng pera na umaabot sa puntong wala na iyon sa rason. Nagkibikit-balikat muli ang kaibigan niya. Isa lang ang ibig sabihin niyon, ayaw nitong makipagtalo. Suko na siya sa katigasan ng ulo ni Xenus. Wala ng pag-asang magbabago pa ito. "Sabagay, pera mo naman ang mawawaldas." Umiiling na lang siyang umalis at ipinagpatuloy ang pagpapakintab ng sahig. Isa siyang dyanitor sa club na iyon. Ito na ang pangatlong naging trabaho niya matapos makatakas sa mga sindikatong kumuha sa kanila nang umalis sa bahay ampunan. Tandang-tanda niya pa ang buong pangyayari kung paano niya binuhay ang sarili nang mag-isa sa kalyeng iyon. Ngunit sa lugar na iyon niya nakita ang tunay na kalayaan. Doon niya lamang natagpuan ang kasiyahan na matagal nang hinahanap sa mundo. Sa murang edad ay namulat na siya sa magulong sistema. Marami siyang nakilalang mga batang katulad niya na ginagawa lamang alipin ng iba upang gamitin sa pansariling interes. Kapwa nagpapayaman din ang mga ito habang sila ay naghihirap. Napakasaklap. Naranasan niya ring mabihag at pag-eksperimentuhan ng isang sindikato. Kung hindi sila nakatakas ng mga kaibigan, hindi niya na alam kung anong buhay ang mayroon siya ngayon. Swertehan na lang kung makakatisod ng taong mabuti sa kinalakhan niyang buhay. Isa iyong himala. Nakakalungkot ang mundong kinatatayuan niya. Ngunit salamat sa mga batang kalye na katulad niya na naging dahilan upang hindi siya masiraan ng bait. Nang magbinata siya ay nagsimula silang maghari-harian sa kalsadang iyon. Doon niya rin nakilala ang kaibigang si Xenus na ngayon ay mahilig na sa iba’t ibang babae. Napailing siyang muli. Hindi niya akalaing magiging kaibigan ang anak ng isang senador na walang ginawa kung hindi ang makipagbasag-ulo sa kalye. Ang akala kase nito, lahat ng babanggain ay titiklop sa kanya. Ngunit nakahanap ito ng katapat. Mata na lang yata ni Xenus ang walang latay nang mapaaway. Kung hindi siya dumating upang tulungan ito, paniguradong wala siyang kaibigang babaero ngayon. Ilang beses ng tinangka ni Xenus na tulungan siya. Bigyan siya ng pera. Sumama sa bahay nito at magpakasawa sila sa kaligayahan ngunit, masyadong mataas ang pride na mayroon siya at ilang beses na tumatanggi. Hindi rin siya pwedeng mag-aral. Mati-trace ng mga humahabol sa kanya ang pangalan niya. Hindi rin siya maaaring magpakita sa mga kapatid. Bibigyan niya lamang ang mga ito ng pasakit. Kaya naman, pagbibigay na lang ng trabaho ang sinang-ayunan niya mula sa alok ng kaibigan. Dahil sa matinding pag-iingat, dyanitor ang tanging trabahong hindi niya poproblemahin. Ayos na rin naman iyon. Kayang-kaya niyang buhayin ang sarili. Low profile at pantakip sa sikreto niya pang isang trabaho na tumutulong sa isang organisasyon upang mapanitili ang katahimikan ng bansa. Hindi pansinin sa totoong mundong tinatakasan niya. Kontento na siya sa ganito. Magtitiis muna siya hanggang hindi pa naaayos ng mga kapatid ang gulo sa kanilang pamilya. "Tyabi. Heyharang syah dyaan!" sigaw ng isang lasing habang hinahawi ang mga nakakasalubong. Natigilan lamang siya sa pag-iisip nang bumangga ito sa kanya. Natabig din ng lasing ang timba na may lamang tubig. Nasa loob din niyon ang iniluloblob niyang map. Naikuyom niya na lamang ang kamao dahil sa matinding pagkainis. Nadagdagan na naman ang kanyang trabaho. Tapos na niya sana ang parteng iyon. Sa pagyuko niya para pulutin ang timba ay siya ring pagtama ng isang dagger sa dingding! Muntikan na siyang paglamayan ngayon kung nahuli siya nang kaunti. May lason kase ang ganoong uri ng dagger. Patunay na roon ang malapot na likidong tumutulo sa talim. Babaon din kaagad iyon sa kanyang katawan dahil napakatalas. Ngayon, parang gusto niya pang yakapin at pasalamatan ang lasing na nakatapon ng tubig. Napangisi siya. Sa pag-angat ng kanyang paningin ay siya ring pagkilos ng kanyang mga kamay. Mabilis niyang inihampas sa kalaban ang map, na naging dahilan upang tumilapon ang baril nito. Kaagad niyang kinwelyuhan ang kalaban upang hindi makawala. "Sinong nag-utos sa iyong gawin ito?" tanong niya sa kalaban habang nanlilisik ang mga mata. Sa tinagal-tagal niyang naging dyanitor ay wala pa siyang naka-engkwentro na ganito sa bar na pinagtatrabahuhan. Nasa ganoong akto sila nang muling marinig ang putok ng baril. Iniharang niya ang katawan ng nagtangka sa kanya kanina dahil wala siyang mapagtataguan. Open area kase ang lugar. Inihiwalay niya ang katawan nito at nakita ang pagsuka ng dugo. Sa isang iglap, nalagutan kaagad ng hininga ang kalaban niya. Sakto namang huminto ang malakas na tugtog kaya naman maririnig na ang magkakasunod na pagpapaputok sa club. Nagtilian ang mga babae. Nagkakagulo na rin. Habang tumatakbo, itinuturo niya pa ang exit sa mga costumer upang doon dumaan ang mga ito at makaiwas na rin sa mas matindi pang panganib. "Kingina! Ano bang nangyayari?" tanong niya. Masyado siyang naguguluhan. Tumakbo siya pabalik sa pwesto kanina ng kaibigang si Xenus. Hinahanap niya ito sa buong paligid habang nakikipagpatintero kay kamatayan ngunit bigo siyang makita ito. Kapwa nagtitilian at nagsisigawan ang mga kababaihan dala ng matinding takot. Parang mga basang-sisiw na yakap-yakap ang sarili. Tila ba iyon lang ang paraan nila upang maprotektahan ang katawan sa mga naglilipanang bala. Ang mga lalaking nakalingkis sa mga ito kanina ay nawalan na ng pakialam sa mga ka-table kanina. Sa kabila ng pag-iwas niya sa mga putok ng baril, ay siya ring pagpukaw ng atensyon niya sa isang babaeng ibini-bid kanina na naroon sa loob ng salamin. Napaka-kalmado nito. Hindi rin kababakasan ng takot ang mukha. Bumagay ang makapal na make-up ng babae sa matapang nitong personalidad. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang hagisan ng granada ang salamin. Hindi niya alam kung namamalikmata lamang siya o nakita niya ang mabilis na pagkilos ng babae upang makapagtago sa likuran ng lamesa. Kasabay ng pagsabog niyon ay ang pagkalat naman ng bubog sa paligid. Muli siyang napayuko upang iwasan ang bala nang magsunod-sunod muli ang pamamaril. Naghintay siya ng tamang pagkakataon. Narinig niya ang yabag ng papalapit na paa. Nagbilang si Sage upang pakalmahin ang sarili. Tinisod niya ito mula sa likuran ng sofa noong makakita ng tamang pagkakataon. Tumumba ito! Nakipagbuno siya upang makuha ang baril. Nang mapasakamay niya iyon ay kaagad niyang naiputok sa kalaban. Kung hindi niya uunahan ang mga kalaban, maaaring siya ang mamatay. May isa pang akmang magpapaputok sa kanya ng baril kaya naman inasinta niya ito kaagad at kinalabit ang gatilyo. Ganoon din ang mga sumunod at maging sa isa pa! Ngayon, lihim na siyang nagpapasalamat kay Xenus sa pagtuturo sa kanyang gumamit ng baril. Mabuti na lang kapag may bakanteng oras silang magkaibigan ay lagi silang nasa target shooting area upang mahasa sa paggamit niyon. Bilang ganti, tinuruan niya naman itong makipaglaban nang mano-mano. Hindi na siya nagulat nang mapatumba niyang lahat ang mga kalaban. Mas nabigla pa siya sa pagpalakpak ng nasa likuran niya. Hindi niya napansin na may tao pala roon. "Great!” tumigil ito sa pagpalakpak. “Do you believe that peace makes everything’s pretty, but protecting yourself is the only choice for living? Relate," makahulugang wika ng babaeng nasa loob ng salamin kanina.  Blangko na naman ang mga mata nito. Bigo siyang basahin iyon. Nasa ganoon silang akto nang makarinig ng biglaang pagsabog. Sabay silang dumapa upang maprotektahan ang sarili. Nasundan pa iyon ng isa pang pagsabog at sinundan pa ng isa. Iyon ang dahilan kung bakit nagsunod-sunod ang pagbagsak ng mga tipak ng bato sa loob ng bar. Kung magpapatuloy pa ang pagsabog ay maaaring gumuho na iyon. Wala na silang mapagpipilian kung hindi tumakbo palabas. Kahit napakadilim ng pasilyo ay wala silang pakialam na dalawa. Malapit ng makarating sa labas si Alluka at Sage nang may tumusok na kung ano sa kanilang batok. Sinubukan pa rin nilang maglakad ngunit nakaramdam kaagad sila ng matinding pamamanhid ng katawan. Pinilit pa nilang makatayo pero naging traydor na ang katawan nila at nakaramdam ng pagkahilo. Dumidilim ang paningin niya nang bumagsak sa lapag. Naaninag niya pa at naramdaman ang paghila sa kanila ng lalaking naka-combat boots bago bumigat ang talukap ng kanyang mga mata...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD