3. Plane

2096 Words
3. Plane HAWAK-HAWAK ni Sage ang sintidong nananakit nang magising. Pinagmasdan niya ang buong lugar. Nasisigurado niyang pang-militar na sasakyan ang kinalalagyan niya dahil sa mga kagamitang naroon. Nilibot niyang muli ang tingin sa paligid. Doon niya napansin ang babaeng kasama niya kagabi. Tahimik itong nakasalampak sa sahig at tila malalim ang iniisip. "Hoy! Nasaan tayo?" tanong niya rito. Hindi siya nito pinansin. Mukhang malalim ang iniisip ng dalaga habang magkasalikop pa rin ang mga braso. "Sage. Isa sa pinakagwapong tao sa planetang ito," naiwan siyang nakanganga matapos talikuran ng dalaga. “Hoy!” tawag niya rito ngunit mukhang wala itong narinig. "Baka bingi," tatango-tango niyang saad sa hangin. "Pwede ring pipi," bulong ng binata. "Idiot," mahinang wika ng dalaga ngunit sapat para marinig ni Sage. "Anong sabi mo?" galit niyang tanong dito. "Paki tagalog nga!" "Deaf idiot," nakangising ulit ni Alluka. "Akala ko ba ako ang bingi rito?" "Aba'y, g*go 'to ah!" napahawak siya sa kanyang ilong at pinisil iyon bilang tanda na napipikon na siya. "Minumura mo ako?" nakataas ang kilay na tanong dalaga. Bakas ang katarayan dito saanman niya titigan. "Hindi. I love you 'yon sa Hanggul, shunga!" pamimilosopo na sagot ni Sage. "Saranghae," mahinang bulong nito, "too idiot." Umiiling na lamang ang dalaga at hindi nawawala sa ekspresyon nito ang matinding pagkakangisi. "Mahal mo ako kaagad? Wow! Aggressive. Palaban. Gusto ko ‘yan!" tawa-tawang wika ni Sage. "Ayokong makikita kang kasama ng ibang lalaki. Hindi ka rin pwedeng lumapit sa kanila—hep!" pinatigil niya sa pagsasalita ang dalaga dahil kokontra pa ito. "Pwera na lang sa mga kaibigan ko," tatango-tango pa ang binata na parang siya lang ang naroon. "Yeah, sila lang ang pwede mong kausapin. Isa pa, gusto ko iyong mga malalambing na girlfriend. 'Yong tipong kapag nagba-basketball ako ay isisigaw ang pangalan ko. Yayakapin ako nang patalikod. Huwag ka ring maghahanap—" "Cut it out. Too loud for a gay!" inis na sabi nito. “Nag-iisang babae lang ba ako sa mundo?” Hindi nagpatalo si Sage kahit na nakakatakot pa ang paraan ng pagkakatitig nito. Hindi siya papayag na tawagin nitong bakla. "Ako," turo ni Sage sa kanyang sarili, "bakla?" Tinalikuran lang siya ng dalaga at hindi pinansin kaya lalo siyang nainis. "Bawiin mo iyan!" naramdaman ni Sage na wala na siyang balak pansinin nito kaya tumingin na lamang siyang muli sa paligid. Ngayon niya lamang napagtanto na nasa isang helicopter pala sila matapos makita ang kaulapan. Ang akala niya kanina ay military truck iyon dahil sa mga unipormenng camouflage at berde sa paligid. Wala rin siyang naririnig na pag-ugong at tunog ng elesi kaya inisip niya na nasa lupa sila kanina. Mukhang soundproof ang helicopter na iyon kaya walang ingay na maririnig. Sa totoo lang, hindi siya panatag na may mga estrangherong tao sa kanyang paligid. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay palagay siya sa dalaga. Siguro dahil alam niya ang pakiramdam na mapunta sa mga sindikato kaya ganoon na lamang ang pakikisimpatya niya rito. Nagulat ang binata sa biglaang pagtunog ng isang alarm. May umilaw pang pula sa buong paligid. "Prepare for the landing in a few minutes. Wear your parachute for the safety, thank you!" "What? Landing! For what?" natatarantang saad ng dalaga habang puno ng pagtatanong ang mga mata. "Hala!" biglaan pagsigaw niya at pagtayo. "Patay!" "s**t! Can you please shut the f*ck up? You’re shouting like a crazy man!" iritadong saad ng dalaga. “I was having a heart attack because of you!” "Oo," tatango-tangong pahayag ni Sage nang maalala ang dahilan kung bakit siya narito. Ipinagsawalang-bahala niya ang sinasabi ng dalaga. "Ngayon ko lang naalala. Oo nga—aray!" nagulat siya nang sipain siya nito sa likuran. Nawala ang panimbang ng binata at plakdang parang palaka sa sahig ng helicopter. Tatayo pa sana si Sage ngunit nagulat siya sa biglaang pagbukas ng kinahihigaan nila. Bumabagsak sila! Hindi iyon inaasahan ng dalaga kaya hindi na nagtaka si Sage kung nagsisigaw na ito ngayon dala ng matinding takot. Nagawa namang pindutin ni Sage ang buton para lumabas ang parachute. Ngunit hindi iyon nagawa ng kasama niya. Inunahan siguro ng kaba ang dalaga at hindi nakapag-isip nang tama. "Pindutin mo!" sigaw niya habang itinuturo ang buton na pula. Napakalakas ng hangin kaya hindi siguro nito marinig ang sinasabi niya. "Hoy, babae!" Nakapikit ito at walang balak dumilat. Takot na takot talaga ang dalaga. Napa-palatak na lang si Sage. Hinila niya ito nang makalapit siya saka pinindot ang buton ng parachute nito. Ngunit wala na yata itong balak na bumitaw sa kanya kaya hinayaan niya na lang. Dama ang matinding pressure sa itaas na kinalalagyan nila. Nakakabingi ang hangin na sumusuot sa kanyang taynga kaya napapapikit siya. Hindi bumibitaw ang dalaga sa kanya hanggang sa sumabit ang parachute nila sa puno. Naaliw siyang pagmasdan ang mukha nitong nakapikit. Matindi pa rin ang pagkakalamukos ng dalaga sa suot niyang t-shirt dala ng matinding takot. Yakap-yakap niya ito sa kanyang bisig kaya malaya niyang napagmamasdan ang maganda nitong mukha. Thick eyebrows, nice. Narrow nostrils. Damn that perfect heart shape lips! Suit for that oval face. Pero bakit ba ako nag-e-english? Kasalanan ito ni Xenus! Paninisi niya pa sa kaibigan na walang alam matapos saulihin ang mukha ng dalaga. Ganoon na lamang ang gulat niya nang dumilat ito. Nagpumiglas si Alluka kaya nabitawan niya. Nahulog ito sa baba ng puno na parang isang palaka katulad ng nangyari sa kanya kanina. Dali-dali niyang tinanggal ang parachute at nagpatihulog sa ibaba. "Nakakatampo ka, girlfriend! Bakit mas gusto mo pang halikan ang sahig kaysa—aray!" sinipa siya nito. "Aray! Ano ba? Ang brutal mo. Hanep! Ganito ka ba mag-thank you?" singhal niya rito. Pangatlong sipa na ang natanggap niya sa babae. Napipikon na si Sage kaya tinalikuran niya na ito bago pa maubusan ng pasensya. Hahakbang pa lang sana siya nang tumunog ang relo nilang dalawa na ngayon niya lang din napansin. Mukhang inihanda na ng kung sino ang lahat ng kakailanganin nila katulad ng suot na parachute kanina. "Good Morning, Gangsters!" hinanap nila kung nasaan ang speaker ngunit bigo silang makita. "Ayos. Bakit ko ba kase talaga nakalimutan?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Sage sa kanyang sarili. Siguro dahil sa sobrang dami ng iniisip niya nitong mga nakaraang araw kaya ganoon na lamang ang pagkalimot niya sa petsa ng pagpunta nila sa isla. Tinitigan ng binata ang relong suot. Doon nagmumula ang boses. "Say ho to the beautiful who? Say hi if you're stay alive!" "May sapak na ang babaeng iyon." Umiiling- iling na turan niya. Umirap lang ang dalaga nang lumingon siya rito. Mukhang mainit talaga ang dugo nito sa kanya. "You only have thirty minutes to find the main building. Good luck participants!" pagkatapos niyon ay nawala na ang boses ng nagsasalita, ngunit biglaang bumalik. "By the way, after ten minutes, the poison will appear at the whole forest—then beng! Dead end. The clock is ticking. Move now... tic-tac... tic-tac..." Bigla namang napatayo si Alluka mula sa pagkakaupo matapos iyong marinig. "Where are we going and what is really happening?" tanong ng dalaga sa kanya. Ginagawa nito ang lahat upang maging kalmado at huwag mataranta ngunit nakikita niya pa rin ang takot sa mga mata nito. "Where the hell am I?" "Dora's house!" pamimilosopong sagot ni Sage. "Where the hell am I imong bah-bah! Hindi mo talaga alam kung nasaan ka? Imposible naman! Ako ba niloloko mo, babae?" Nagsimula ng maglakad si Sage. Puno iyon ng pagmamadali at pag-iingat. Pilit na pinapakalma ng binata ang sarili. Ngunit hindi niya magawa sapagkat nagkaroon ng kung anong patibong sa kanilang dinaraanan. Mabuti na lamang at mabilis nilang naiiwasan. "Pasalamat ka at mabait pa rin ako!" taas-noong turan ng binata. Hindi niya rin naman magawang iwan ang dalaga sapagkat kargo de konsensya niya ito. Napapitlag sila sa gulat nang biglaang may magpaulan ng bala. Agad na nakapagtago si Sage sa puno ngunit hindi iyon nagawa ng kasama niyang babae. Ang malas na dalaga ay natamaan sa binti! GUSTONG magmura ni Alluka sa matinding sakit na nararamdaman matapos matamaan ng bala. Para iyong kinukotkot at sumisiksik hanggang sa kanyang buto. Hinila siya ng binata at niyakap upang magkasya sila sa espasyong iyon ng punong mangga. Tinititigan siya nito habang patuloy pa rin ang pagpapaulan ng bala ng kung sinumang alagad ng demonyo. Hindi alam ni Alluka kung anong dahilan ng pagtahip ng kanyang dibdib. Ang binata ba o ang mga kapahamakang maaari nilang kaharapin? Pipiliin niya na lang ang pangalawa. "Kaya mo pa?" tanong nito. Hindi siya sumagot at kaagad na tumingin sa ibang direksyon. Dama niya ang mainit nitong palad sa kanyang likuran. Hindi rin amoy maasim ang binata kahit tagaktak na ng pawis. Humahalo kase roon ang pabango nitong panlalaki. Sa ibang pagkakataon, gusto niyang batukan ang sarili. Naisip niya pa ang mga ganitong bagay sa kabila ng nangyayaring kamalasan sa kanila. Tumigil ang pagpapaulan ng bala. Parang huminto rin ang pagtibok ng puso ng dalaga. Mukhang anghel na iniluwa ng langit ang lalaking nasa harapan niya. Kung hindi lang pang-demonyo ang bunganga ng binata baka maniwala na siyang bumaba nga ito roon. Umiling si Alluka. Tama. Ngayon lang siya nakakitang muli ng ibang lalaki bukod sa mga mukhang pugong sindikato at pinunong kamukha ni Majimbo kaya gwapong-gwapo siya rito. Iisipin niya na lang na alien ang binata upang makaiwas sa kakaibang mahika nito. Ibinaling niya ang tingin sa lapag upang maiwasan ang pagtitig sa binata. Ganoon na lamang ang pagkunot ng noo niya matapos mapansin ang dalawang pipe na bahagyang nakaangat sa lupa. Natatabunan iyon ng mga dahon kaya hindi kaagad mapapansin kung hindi titigan nang matagal. Kailangan nilang tumakbo ngunit ramdam ni Alluka na hindi niya na iyon magagawa ngayon. Napapangiwi siya sa matinding sakit ng binti sa tuwing inilalakad ang paa. Napansin siguro iyon ng binata dahil bigla na lang siyo nitong ipinasan. Hindi na rin ito nag-aksaya pa ng panahon at tumakbo kaagad. Tila kung kinakailangan makikipag-patintero kay kamatayan para mabuhay ay gagawin nito. Muling tumunog ang relo nila. Pinaalalahanan sila na mayroon na lamang silang labin-limang minuto. Mas binilisan ng binata ang pagtakbo sa bako-bakong daan. Tumawid din sila ng ilog na may napakaraming bato. Kung magkamali, maaari itong madulas. Ngunit napakagaling ng binata sa pagbabalanse. Hindi nito hinahayaan na masira ang konsentrasyon. Iniinda na ni Alluka ang kanyang binti na natamaan ng bala. Tila kinukutkot talaga ang kanyang laman. Gustong-gusto niyang sumigaw sa sakit ngunit sino ba siya para magreklamo? Wala sa bukabolaryo niya ang maging pabigat at isipin pa ng iba. Sa kabila ng nangyayari, nagawa niya pang pagmasdan ang buong paligid. Sigurado siyang nasa isang isla sila dahil nakita niya ang gatuldok na pulo mula sa helicopter kanina. May mga patag at bako-bakong bahagi ang lugar. Mayroon ding mapuno katulad ng pinaghulugan ng parachute kanina. May mga lugar na madamo at maraming tanim. Kung nasa ibang pagkakataon, baka nakahiga na siya sa malawak na damuhan habang nakatingin sa kalangitan. Matagal niya na iyong hindi nagagawa noong nasa mga sindikato pa siya. Ngayon na lang din siya nakalanghap ng sariwang hangin. Tumunog muli ang relo at mayroon na lamang silang sampung minuto. Mas bumilis ang pagtakbo ng binata. Napakatulin. Tila sinasabayan ang dumadagundong niyang dibdib. Hindi niya mapigilang huwag muling humanga sa binata. Hindi ito nagreklamo sa bigat niya sa kabila ng walang tigil na pagtakbo nito. Pakiramdam ng dalaga ay huminto ang oras matapos nilang matanaw ang kampo. Tumigil din ang binata sa pagtakbo. Siguro ay iniisip din nitong imposibleng marating nila kaagad ang bahaging iyon. Muling tumakbo ang binata. Limang minuto na lang. Wala iyong patid at tila ba kahit paghinga ay hindi na nito nagagawa. Unti-unting sumasara ang entrance ng main base. Lalo pa nitong binilisan. Dalawang minuto. Kalahati na lamang ang pasukan at may anim na metro pa ang layo nila. Naging mas malalaki ang paghakbang nito kumpara sa mga nauna. Isang minuto. Nagpadulas sila papasok sa loob ng main entrance. Tuluyan iyong sumarado noong tumakbo nang mas mabilis ang oras at mapunta sa zero. "Phew!" napabuga ng hangin ang binata. Hinabol nito ang paghinga na halos hindi nagawa kanina. Hindi naman siya tumakbo katulad ng ginawa nito pero bakit pagod na pagod din siya? Agad na nanlaki ang kanilang mga mata matapos mapansin ang tingin ng lahat sa kanila. Nabitawan ng binata ang hita niya at tumayo na tila isang sundalo. Napakasagwa ng ayos nila kanina. Palihim na nasambit ni Alluka sa isipan na sana'y kainin na lamang siya ng lupa. Hindi niya magawang tumakbo para tumakas sa ganoong sitwasyon sapagkat naipit ang kanyang buhok nang sumara ang pinagpasukan nila kanina.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD