4. Misfortune
BAKAS ANG blangkong ekspresyon sa mukha ni Alluka nang mapagtanto ang nangyayari sa buhay niya. Napakamalas niya. Una, nawala ang mama niya. Pangalawa, muntikan siyang mamulistya sa kulungan. Pangatlo, napunta siya sa hindi malamang bar. Pang-apat, nagkaroon ng putukan at nabaril ang binti niya. Panglima, nakilala niya ang lalaking sisinto-sinto na bigla na lang sumisigaw. At ang huli, pagkagising niya'y napadpad siya sa kung saang parte na ng mundo—walang kakilala at hindi alam kung mapagkakatiwalaan ang mga taong nasa paligid niya. Pinagtitinginan siya ngayon sapagkat, nakahiga siya dahil naipit ang pinakamamahal niyang mahabang buhok.
Napailing si Alluka. Hindi na sunod-sunod ang timeline na nabuo sa kanyang isipan. Mas magulo pa sa nangyayari sa buhay niya ngayon. Masisiraan na siya ng bait dahil sa kamalasang dumarating sa kanya.
Kumukurap-kurap ang babaeng may gintong buhok sa kanya. Ang inosente nito kung magulat habang tutok ang pagkakatingin sa mukha niya. Katulad niya, hindi rin yata ito makapaniwala sa posisyon niya ngayon.
"Ano iyan?" tanong nito sa mga naroon. Lumingon ito nang makabawi mula sa pagkabigla. "Tss... ngayon lang ba kayo nakakita ng dyosang nakahiga! Come on? Tsupi mga pangit!" Binugaw-bugaw nito ang mga lalaking naroon.
Are they gangster? Part of mafia? Why they are wearing all black? Is there a funeral? Naguguluhan siya. Ano ba itong gulong napasok niya?
Mukhang mamaya, siya na ang paglalamayan dahil ang sasama ng tingin ng mga kababaihan sa kanya. Gumawa ba naman siya ng eksena. Habang ang mga lalaki naman ay hindi matanggal ang malagkit na pagkakatingin sa kanya. Naalala niya ang suot na damit. Mukha nga pala siyang prostitute sa ikli ng kanyang palda na parang panty at makinang. Idagdag pa ang bra niya na may mga palawit na parang pangsabit sa Christmas Tree.
Nagulat siya nang hubarin ni Sage ang itim nitong jacket at ipinantakip iyon sa kanyang pambaba. Kaagad din itong tumingin sa ibang lugar at tila nahihiya. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin siya sa ipinapakita nito. Pakiramdam niya, isa lang malaking pagpapanggap ang pagiging madaldal nito.
"Layas mga panget!" sigaw muli ng babaeng may gintong buhok. Pulang-pula na ang mukha nito dahil sa kasisigaw habang itinutulak ang mga lalaki. "Good."
Nakahinga ito nang maluwag noong nagsialisan ang kumpol ng kalalakihan sa pwesto niya matapos tumunog ng speaker.
Maaaring nawala na rin ang lason sa buong paligid kaya bumukas na ang pinto kung saan naipit ang buhok niya. Tumayo kaagad si Alluka dahil wala ng balakit para makakilos siya. Sinuot niya rin ang jacket ni Sage upang matakpan ang kanyang dibdib at katawan. Umabot na sa tuhod ang jacket nang suotin niya. Matangkad na lalaki kase si Sage kaya hindi na siya nagtaka.
Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya matapos makitang namatay ang naipit niyang buhok. Unti-unting kumakalat ang lason paitas ng kanyang buhok!
"Scissors... I need scissors!" natatarantang sigaw ng babaeng may gintong buhok matapos makitang tila nasusunog ang parte ng buhok na naapektuhan ng lason.
Wala namang nagbigay rito ng gunting, kaya hinila nito ang dagger na nakaipit sa hita at pinutol ang kanyang buhok na namatay na dahil sa kakaibang lason.
“T-thank you...” nagugulat niya pa ring saad habang nakatingin sa lapag. Naroon ang buhok niyang nalason at tila unti-unting nasusunog.
Dala ng matinding pagtataka ay nabaling ang atensyon niya sa labas...
Ganoon na lamang ang gulat niya nang makitang may mga patay na tao roon na naapektuhan ng matinding lason. Naging kulay lila na ang balat ng mga hindi pinalad na makapasok. Dilat pa ang mata ng iba. Bakas sa mga ito ang matinding paghihirap na naranasan. Bumubula rin ang bibig ng mga nalason at may lumalabas na puting likido roon.
Isang konklusyon ang nabuo sa isipan niya nang mga sandaling iyon. Kung gugustuhin pala ng kung sino na patayin sila ay walang kahirap-hirap nitong magagawa. Hawak ng mga ito ang kapalaran nila.
Ngayon alam niya na kung para saan ang mga pipe na nakita niya kanina noong umuulan ng bala. Doon pinapalabas ang usok na may kasamang lason para ikalat sa lugar. Maaaring nagkalat din iyon sa iba pang parte isla upang walang kawala sa batas na ipinapatupad ng kung sinuman.
Pumamaywang ang babaeng may gintong buhok at sumigaw kaya bumalik na naman ang atensyon niya sa paligid.
"Kayo!" isa-isa nitong itinuro ang limang lalaki. Kasama na roon si Sage pati ang lalaking nanalo sa bid para makuha siya. "Grabe! Para kayo sa pagiging tuod. Puro na lang ba kayo papogi? Mga pururot naman. Kapag sinabi kong gunting, bigay agad! Kaya wala kayong mga jowa kase mababagal kayong kumilos," tila nanay na pangaral nito sa mga kalalakihan.
"Don't us, Goldee!" sagot ng lalaking umiinom ng soda. Maroon ang buhok nito. May singkit na mata at sobrang puti ng balat. Para itong anak-araw. Mukhang ipinaglihi ng nanay sa labanos at gluta noong nasa tiyan pa lamang.
"Pinapagalitan mo na naman sila, Goldee," bungad ng isang babae.
Tumingin si Alluka sa direksyon ng sopistikadang babae. Halatang mamahalin ang suot nito at mayaman. Mukhang hindi rin pinadapuan ng lamok noong bata pa dahil sa kinis ng balat. Pulang-pula ang labi na bumagay sa mamahalin nitong damit. Ngunit ang nakaagaw-pansin sa kanya ay ang mga mata nito. Parang nagyeyelo iyon. Tila puno ng galit at hinanakit.
"Paano nasabing walang jowa? Ano pala kami ng Kuya Sage mo?" nagtatanong ang mga mata nito at tila may inaasahang sagot kay Goldee.
"Grabe lang kase, Zia! Tatanda talaga ako nang maaga sa mga iyan. Mga batugan!" nakatingin ang may gintong buhok sa tinawag nitong Zia. "At bakit mo nga ba binabanggit ang pangalan ko? Eh last time I check hindi naman tayo friends, kahit sa sss! Isa pa, anong jowa ka ng kuya ko? Eww... never na mangyayari ulit iyon!"
"Saan naman kase kami kukuha ng gunting, Goldee?" pangangatwiran naman ng isang lalaki. Prente itong nakaupo at napaka-kalmado. May matangos itong ilong at itim na buhok. Maganda ang pagkakahulma ng katawan ng lalaki at tila alagang gym.
Goldee pala ang pangalan ng may gintong buhok. Suits to her name.
"Ang tindi naman ng lason na iyan!" parang nagkaroon ng mga bituin sa mga mata nung isa pang lalaki.
Pinagmasdan ni Alluka ang tinititigan nito. Nagulat siya. Nalusaw na talaga ang kanyang buhok. Ibig sabihin, kung hindi naagapan ni Goldee ang buhok niya, maaaring makalbo siya.
"Grabe! Kinabahan talaga ako roon, Oppa. Akala ko, hindi na kayo makakapasok dito sa loob at matutulad sa mga iyon," itinuro ni Goldee ang labas. "Ano nga pala ang name mo?" baling nito sa kanya.
Oppa... kuya? Baka kapatid niya.
"Alluka," sagot niya.
"Sino ang ka-gang member mo?" makulit pa ring tanong ni Goldee.
"Ka-gang?" nakataas ang kilay na tanong ni Alluka.
"Ka-grupo mo sa gang? As in group. Saan ka nabibilang?"
"Wala."
"Sama ka na lang sa amin!" nakangiting saad nito bago kumapit sa braso niya.
Tinitigan lamang ito ni Alluka bago sumagot, "sige.”
"Cool!" tuwang-tuwa na pumalakpak si Goldee na parang bata.
"What?" gulat na tanong ni Zia. "That b*tch? No way! Siya ang isasama niyo. Paano ako?" protesta nito.
"Yes way!" panggagaya ni Sage sa boses ni Zia. "Girlfriend ko kaya iyan."
"What?" mas lalong nagulat si Zia at nanlaki ang mga mata nito. "I thought we're in a relationship pa. I thought you love me pa?"
"Love yourself, Zia. Ikaw lang naman ang nag-assume na girlfriend kita." Umiiling-iling na pahayag ni Sage saka tumalikod sa kausap habang iwinawagayway ang kamay. Papalapit ito sa direksyon niya.
"Feeler," bulong ni Alluka. “Hey!” ganoon na lamang ang gulat ni Alluka nang hilahin siya ng binata.
"Manahimik ka na lang kung ayaw mong ipagtabuyan ka ng mga iyan," bulong din ng binata upang hindi marinig ng lahat.
Ngunit hindi nito alam na nasa likuran lang si Goldee at pinakikinggan sila. Nakataas pa ang kaliwang kilay nito at nakatikwas ang nguso.
"Ha-ha!” pekeng tumawa si Goldee noong hindi makatiis. “Ang kapal ng mukha. Sabi ko na nga ba! Hinding-hindi ka papatulan ng ganyan kaganda, Kuya Sage." Umiiling-iling pa ito at tila nalulungkot sa nalaman.
“Nakikinig ka ng usapan?” hindi makapaniwalang tanong ni Sage.
"Feeler ka nga! Feeler." Dumila-dila pa ito na parang bata habang inaasar si Sage. “Buti na lang talaga hindi kita kapatid kundi, ikakahiya talaga kita!”
Sumimangot naman ang binata at hindi na pinansin ang pang-aasar ni Goldee.
"Pero seryoso, Unnie Alluka. Magpanggap ka na lang na girlfriend ni Kuya Sage. Masyado kase iyang hopeless!" Tumawa itong muli habang hawak-hawak pa ang tiyan at tinataas-taas ang paa nang makaupo.
"Mamatay ka sana sa kakatawa—aray!" sigaw ni Sage nang batukan ni Goldee. Hinihimas-himas pa nito ang ulo. "Masakit iyon ha!"
"Tss..." napasimangot na lang si Alluka. Iniisip niya pa rin kung hanggang kailan siya tatagal sa lugar na ito. Paano rin nagagawa ng mga ito na magbiruan sa kabila ng nangyayari sa kanila? Hindi yata takot mamatay ang nasamahan niyang grupo. Pero dahil napasubo na siya, hindi niya na pwedeng iluwa ang sinabi niya.
Hanggang walang ipinapakitang masama sa kanya ang grupong ito, gagawin niya rin ang makakaya upang hindi maging pabigat sa kahit kanino.
"Ang bad mo talaga!" nakasimangot na si Goldee. "Lumayas ka na nga rito! Total wala ka namang maitutulong. Ako na ang gagamot sa ate ko."
"Isa ka ring feeler." Umiiling-iling na umalis si Sage para puntahan ang mga kaibigan na tila may malalim na pinag-uusapan.
Sinundan ng tingin ni Alluka ang naglalakad na binata. Pinagmasdan niya ang mga kasamahan nito habang wala pa si Goldee na kumukuha ng first aid kit.
Masakit na talaga ang binti niya, ngunit hindi niya pinapahalata. Pakiramdam niya'y mawawala ang pader na binuo niya kung hihingi siya ng tulong sa iba. Kaya, hinayaan niya na lamang magkusa ang mga itong tulungan siya.
"Unnie, masakit ang pagtanggal ko. Pero tiisin mo ha?" sabi ni Goldee upang kunin ang atensyon niya.
Inalis niya ang tingin sa mga magkakaibigan at bahagyang tumango. Narinig niyang sinimulan nitong ilabas ang mga gagamitin sa pagtanggal ng bala. Ipinikit na lamang ni Alluka ang mga mata upang maihanda ang sarili.
"Para hindi akward, ipapakilala ko na lang ang grupo namin. Kilala kami sa pangalang Six Aces of Ares. Pero kaunti pa lang ang nakakakilala sa amin kase hangga’t maaari ay gusto ni Master Jenove na hindi kami makilala ng marami. Tumutulong kami before sa isang sikretong organisasyon upang makatulong sa pagsasaayos ng bansa. Parang secret task force kung tawagin ng iba.
Ngayon, wala na kaming choice kung hindi ang magpakilala. May missiles na papakawalan sa susunod na buwan, o taon sa iba't ibang parte ng mundo kaya nandito ang mga gangster at mafia na kinatawan ng bawat bansa. Ang nakikita lang naming paraan upang pigilan ang lahat ng kaguluhan ay ang manalo. Because we don't know if the others will do the same goals. Baka maging traydor sila at hindi gawin ang tama." Bumuntonghininga si Goldee. Halatang may mabigat na pasan.
Naidilat ni Alluka ang mga mata nang makaamoy ng kung ano. Muli niyang tinignan si Goldee. Bakas sa mukha nitong ang matinding problema. Naroon din ang takot na baka hindi maging tagumpay ang misyong gagawin.
"Ngayong pa lang, natatakot na akong makakita ng maraming tao na mamamatay dahil lang sa isang walang kwentang kalokohan ng mga mapeperang walang magawa. Kung mananalo kami, makukuha namin lahat ang code. Magiging ligtas din ang lahat!"
"Code?" tanong ni Alluka. Dito na nakuha ni Goldee ang atensyon niya.
Binalingan siya ng tingin ni Goldee at tinatantya kung nagsasabi siya ng totoo.
Nasa paligid muli ang atensyon niya habang pinapagana ang taynga para pakinggan si Goldee. May kakaiba talaga siya naaamoy. Pinagmasdan niya ang tao sa paligid. May kanya-kanya itong pinag-uusapan.
"Sigurado ka bang wala kang alam?" tanong nito nang nagdududa. "Huwag kang gagawa ng dahilan para magalit kami sa 'yo. Kamatayan lang ang paraan para makatakas ka sa amin sa oras na traydorin mo kami,” nakangiti nitong wika ngunit alam niyang puno iyon ng pagbabanta.
There’s something wrong here... nag-aalala siya.
"Bawat isang code ay katumbas ng isang bansa," pagpapatuloy ni Goldee, "ina-activate iyon. Nakakatakot kapag napunta sa isang terorista. Maaaring mabura ang bansa na iyon sa mapa. Gano’n kalakas ang mga missile na papakawalan. Mas malala pa ng limang ulit sa atomic bomb. Kailangan namin iyong mapigilan. Hindi pwedeng mangyari. Paano na lang ang mga bata? Ang mga pamilyang mawawalan ng tahanan at buhay? Isipin ko pa lang, natatakot na ako."
Sinimulang tanggalin ni Goldee ang bala habang binubuhusan ng kung ano ang sugat niya.
Napapangiwi siya sa sakit. Parang hinahalukay ng kung ano ang sugat niya. Gusto niyang sumigaw sa hapdi, ngunit natatakot siyang pagtinginang muli kaya naman inisip niya na lamang ang mama niya. Pero, maling-mali dahil lalo lamang siyang nalulungkot. Hindi niya na ito makikitang muli. Hindi niya na rin ito mapapasalamatan sa lahat ng kabutihang ipinakita sa kanya. Hindi man siya nito tunay na anak nito ngunit kahit na minsan ay hindi niya iyon naramdaman.
Isinusumpa niya si Majimbo sa kanyang isipan habang ibinabaon naman sa impyerno ang kanyang amain. Ito ang ugat ng lahat ng pasakit niya sa buhay ngayon. Kung hindi ito sinapian ng kademonyohan, baka buhay pa ang mama niya ngayon.
Inabot din ng ilang minuto sa pagtatanggal ng bala si Goldee. Naidilat niya ang mga mata nang mas lumakas ang amoy na iyon.
Naningkit ang mga mata ni Alluka. Nasa dulong bahagi ang tingin niya. Napansin niyang tila may nanghihina roon.
"Ayan tapos na! Lalagyan ko na lang ng benda para hindi na pasukan ng dumi at matigil ang bleeding.
“May naamoy ka ba?” seryoso niyang tanong kay Goldee.
Tumaas ang kilay nito at nilanghap ang hangin sa paligid. Nang gawin iyon ni Goldee ay napahawak ito sa sintido. Nawalan ito ng balanse kaya kumapit kaagad sa upuan.
“Iyong hangin...” nakahawak sa sintidong saad ni Goldee. “May problema sa hangin... may pampatulog. Ano na namang gagawin nila? Akala ko tapos na sila...”
Napatayo nang wala sa oras si Alluka. Dahil sa sinabi ni Goldee. Ngunit dahil sa ginawa niya ay nawalan din siya ng panimbang. Kaya pala kanina pa bumibigat ang talukap ng kanyang mga mata. Nabaling muli ang tingin niya sa kabilang sulok ng lugar na iyon. Ibig sabihin, doon nagmula ang hangin na may pampatulog.
Dahil sa matinding pagkahilo ay parehas silang umupo ni Goldee. Hanggang sa hindi na iyon kayanin ng talukap ng kanilang mga mata at lamunin ng matinding kadiliman...