27. XPG KANINA PA TULALA si Gable habang hawak-hawak ang mga baraha nito at pinapaikot-ikot iyon sa bawat parte ng daliri. Isa iyon sa mga ginagawa nito sa tuwing malalim na nag-iisip na napapansin ni Blaze parati. Pinagmasdan ni Blaze ang mga kasama. Bahagya siyang napangisi nang hindi na naman tinitigilan ng mga ito si Goldee. Patuloy pa rin ang grupo sa pang-aasar sa dalafa. Nagmumukha tuloy kulay ng kamatis ang pisngi ng dalaga. Siya ang pinakabata sa grupo nila. Mas matanda ng ilang buwan sa kanya si Goldee ngunit ito ang itinuturing ng bunso sa grupo. Sadyang malaki kase ang tiwala sa kanya nila Sage na labis niyang pinahahalagahan. Kahit na hindi siya pala-salita, hinihintay pa rin ng mga ito ang opinyon niya sa maraming bagay. Kung may mahihirap na misyon, siya parati ang isina

