26.Conflict PARE-PAREHO silang balisa habang tinutungo ang daan pauwi. Tila hindi makapaniwala sa mga nasaksihan at nangyari ngayong araw. Wala pa ring malay si Sage habang akay-akay ni Blaze. Lumilipad naman ang isipan ngayon ni Koddie na isa sa mga napansin ni Alluka. Gusto siguro nitong magtanong ngunit pinipigilan ang sarili. Nag-aalala rin siya sa kapatid. Hindi biro ang nangyari dito ngunit umaakto nang normal si Koddie. "Hindi ko akalaing gagawin mo iyon," bulong ng kapatid niya nang hindi makatiis. "Hindi ko rin naman akalain na gagawin ko iyon. Am I crazy, Kuko?" nakangisi niyang tanong sa kapatid. Iyon lang ang naisip niyang paraan. Hindi niya kayang baguhin ang nasa isipan ni Sage, kaya sinubukan niya ang puso nito. Hindi naman siya nabigo. Ngunit ngayon, nag-aalala si

