38. Secrets MAGANDA ANG naging gising si Alluka nang araw na iyon. Pangiti-ngiti pa ang dalaga habang naglalakad. Nagtungo kaagad siya sa rooftop matapos makapagsipilyo para silipin ang iba’t ibang anggulo sa labas ng kanilang teritoryo. Hawak-hawak niya sa kaliwang kamay ang isang basong kape habang nasa kabilang kamay naman ang tatlong waffle na ginawa ni Sage kagabi para sa kanya. Ngayon niya lang kakainin iyon dahil nakatulugan na ang paghihintay sa binata. Nang maibaba sa lamesa ang mga bitbit. Kinuha niya sa kaagad ang binocular na nakapatong sa upuan para makita ang ibang base kahit na malayo siya sa mga iyon. Una niyang tinignan ang nasa south area. Dalawang base ang naroon. Isang grupo na puro lalaki. Lihim niyang tinatawag na mga Barbarian ang grupong iyon dahil sa kanilang

