39. Friends NAPABUNTONGHININGA si Alluka nang makita ang kapatid na palabas ng computer room. Mukhang huminto muna ito sa pagtatrabaho para maipahinga saglit ang mata. Katulad ng ibang miyembro ng SAoA, hindi niya rin masyadong kinakausap ang kapatid. Hinahayan niya muna itong makapag-isip mula nang mawala si Goldee. Inoobserbahan niya lang ang magkakaibigan at hindi nagsasalita. Ayaw niyang makadagdag sa mga iniisip ng grupo. Muling ipinagpatuloy ni Alluka ang pagkain ng prutas na napitas niya sa likuran ng bahay habang nakikiramdam. Umiling siya nang lumapit ang kapatid at inagaw ang kinakain niya. Wala iyong paa-paalam. Ginulo pa nito ang buhok niya na parang walang nangyari bago pumasok muli sa kwarto kaya ganoon na lamang ang pag-irap niya. Dinadalasan na ng kapatid niya ang pa

