01
Zemira's POV
"Ang ganda'ng transferee naman nyan"
"Ang simple nya"
"Ang puti at ang kinis nya"
"Mukha sya'ng masungit na mabait"
"Pre, chicks oh!"
Sari-saring bulungan ang naririnig ko'ng bulungan mula sa mga tao'ng nadadaanan ko dito sa may corridor.
Kasalukuyan ako'ng naglalakad patungo sa section na papasukan ko. Nagsalampak na ako ng headset sa aking tenga dahil palakas ng palakas ang bulungan na aking naririnig na animo'y mga bubuyog.
Agad akong tumigil sa isang lumang building na nasa aking harapan. Tinignan ko muna Ito ng matagal bago ako tuluyang pumasok sa loob.
Don't tell me, Nandito ang classroom na papasukan ko. s**t!
Binigyan ako ng dean ng school map kaya naman nasisiguro ko na nandito ang aking classroom. Hanggang apat na floor lang ang building na ito at sa third floor ang aking papasukan sa dulong bahagi.
Nasa harapan na ako ng pinto ng aking classroom ng makarinig ako ng boses lalaki na nagtuturo. Sya siguro ang teacher namin.
Kumatok ako. Ilang Segundo lang ay bumukas ang pinto at niluwa non ang dati kong teacher si Sir Brandon. Ngumiti sya kaya ngumiti din ako.
"Tsk! Hindi ko alam na ikaw pala ang magiging bagong estudyante ko, Everleigh" iiling-iling na sabi ni Sir. Hininaan ko naman ang volume ng cellphone ko. Ngumiti ako.
"Tsk!" Tanging nasagot kona lamang. Ngumiti uli sya at umiling bago ako ayain na pumasok.
Agad na nangunot ang aking noo sa aking nakita. Napakurap kurap pa ako ng aking mata dahil baka namamalik mata lang ako pero hindi e, hindi ako namamalik mata sa aking nakikita.
Lahat ng buhok nila ay may kulay. Tapos pag naglakad sila para silang walking krayola. Weird.
Merong iisa lang ang kulay ng buhok at meron din namang dalawa ang kulay ng buhok. Katulad nung lalaki'ng nasa pinakang huli. Pula at itim ang kulay ng kanya'ng buhok. Sa lahat sya lang naiiba. Nakapoker face din sya habang diretso'ng nakatingin sa akin kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
Mukha kasi'ng masungit.
Iisa lang ang itim ang buhok. At mukha'ng sya ang pinaka bata dito.
"Sya nga!" Nagulat ako dun sa sinigaw nung itim ang buhok. Nakaturo sya sakin habang nakangiti.
"Anong sya nga?" Tanong nung lalaking kalapit nya na kulay brown ang buhok.
"Sya yung babae'ng tumulong satin para makuha yung wallet ni Rocky at yung bag na may lamang pera!" Sigaw nung batang itim ang buhok habang ngiting ngiti na nakatingin sa akin. Bigla syang pumalakpak. "Ahihihihi! Galing! Galing!" Buong galak nyang sabi habang pumalakpak na parang bata. Napangiwi ako.
(Flash Back)
Papalabas na ako ng mall ng may marinig ako'ng sigaw sa kanang bahagi ko. Paglingon ko ay isang lalaki na nakaitim ang tumatakbo habang may dala-dala'ng itim na bag at may hawak na kulay brown na wallet. Kasunod naman na tumatakbo ay isa'ng bata'ng maliit at nakaturo doon sa lalaki.
"MAGNANAKAW!" sigaw nung bata habang nakaturo doon sa lalaki na nakaitim."HARANGIN NYO!" Sigaw pa nito. Sakto naman na papalapit sa akin yung lalaki at umakto lang ako na parang wala lang.
Nang makalapit sa akin yung lalaki ay agad ko syang hinawakan sa braso at paglingon nya ay agad ko sya'ng sinapak dahilan para matumba sya. Agad ako'ng lumapit doon sa lalaki at inapakan ang dibdib nito.
Inaantay ko na makalapit yung bata'ng lalaki.
"Yung bag!" Sigaw nung bata habang nakaturo doon sa lalaki. Pagtingin ko doon sa lalaki ay iaabot nya sana doon sa isa pa'ng lalaki na naka itim na sa tingin ko ay kasabwat nya.
Agad ko namang sinipa yung isa pang lalaki dahilan para matumba iyon at tumilapon yung bag. Pareho kami'ng napatingin doon sa bag. Para'ng iisa lang ang nasa isip namin. Agad ako'ng tumakbo papalapit doon sa bag at ganon din ang ginawa nung lalaking nakaitim. Pero bago pa man nya makuha yung bag ay agad kona iyong nakuha at agad sya'ng sinipa sa mukha.
Sakto naman nun ay yung paglapit nung bata'ng sumigaw kanina. May kasama din sya'ng lalaki na ang kulay ng buhok ay brown at dilaw. Parang tae.Tumingin sakin yung bata na ngiti'ng-ngiti.
Wala'ng pasabi na ibigay kona sa kanila yung bag at wallet na agad din naman nya'ng kinuha.
"Thank You!" Buong galak na sabi nung bata. Ngumiti ako sa kanya at ginulo ang kanya'ng buhok.
Napatingin naman ako dun sa lalaki'ng dilaw ang buhok ng bigla syang umubo.
Tinulak nya yung bata na agad naman na tumalsik, humarap sya sakin habang nakangiti.
"Thank you, Miss. I'm Rocky" pakilala nya. Inilahad nya ang kanya'ng kamay. Tatanggapin kona sana ang kamay nya ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman iyon na kinuha.
"Hello?" Sagot ko.
"[Diretso ka sa hostipal]" agad na sabi ni Iseah, kaibigan ko. Bakas sa boses nya ang matinding kaba.
"Bakit? Anong nangyari?" Kunot noo'ng tanong ko. Kinakabahan na din ako.
"[Si Akemi dinala sa hospital]" bigla nalang sya'ng humagulgol.
"Coming" sabi ko at mabilis na pinatay ang tawag. Humarap naman ako kay Rocky. "I'm sorry, but I need to go" hindi kona inantay magiging sagot nya, agad na akong tumakbo. Pero bago ako makalayo ay narinig kopa yung bata'ng maliit na magsalita.
"Bad ka, Rocky! Bad ka!"
(End of Flash Back)
"Diba, Rocky Crush mo sya!?" Napatingin naman ako Dun sa bata'ng itim ang buhok. Nakatingin sya doon sa lalaki'ng dilaw ang buhok na ang pangalan ay Rocky. Agad na nag-iwas ng tingin yung Rocky nung nagtama ang aming paningin.
"Hindi ko sya crush" pagtanggi nung Rocky habang hindi makatingin sa akin.
"Weeeeeeee! Wushuuuuu! Naiinis ka nga sakin non e! Kasi hindi ko tinanong yung pangalan nya!" Bulyaw nya kay Rocky habang nakaharap sya sa direksyon nito. Humarap naman yung bata sakin na ngiting ngiti uli. Hindi nangangawit ang kanyang panga kakangiti. "Anong pangalan mo?" tanong nya.
"Zemira Zaina Everleigh" agad na sagot ko. Humarap sya uli doon kay Rocky.
"Oyy! Rocky! Narinig mo ba yung pangalan nya? Zemira Zaina Everleigh daw! Yan ha! Alam mona pangalan nya!Wag ka ng magalit sakin ha!" Sabi nung bata kay Rocky. Napangiwi naman ako.
Ang daldal nya.
"Oy! Rocky!"
"Oh!?" Inis na tanong ni Rocky.
"Ze. mi. ra. Zai. na. E. ver. leigh! Zemira Zaina Everleigh ang pangalan nya ha!?"
"Oo nga! Ang kulit!" Iritang sabi ni Rocky. Humalakhak naman yung bata.
"Pwede mona syang i-add sa face book!Hehe!" Sabi nya sabay ngiwi.
Gaging bata!
"Ehem!" Napatingin kami lahat kay Sir. "Everleigh, introduce your self" sabi ni Sir. Tumango na lang ako.
"I'm Zemira Zaina Everleigh"
"I'm Zemira Zaina Everleigh"
Sabay naming sabi nung batang itim ang buhok. Napangiti naman ako.
Cute na bata.
"You may take your seat, Zemira" Tumango ako at naglakad.
Agad na nangunot ang noo ko ng magsilipatan ng upuan yung iba at pumunta sa pinakalikod. Iniwasan nila ako na para ba'ng meron akong nakakahawa'ng sakit.
Tsk! Aarte!
"Zaina! Zaina! Tabi tayo! Dito ka upo!" tawag sakin nung itim ang buhok. Tumango lang ako at naglakad papalapit sa kanya.
Lumipat sya sa isang upuan at doon ako pinapaupo.
"Dyan ka sa gitna para pinaggigitnaan ka namin ni David" tukoy nung bata doon sa lalaki na brown na ang buhok.
Napatingin naman ako sa dalawang lalaki na nasa likod ng uupuan ang talim ng tingin nung kulay orange ang buhok sa akin. Hindi kona lang iyon pinansin.
Uupo na sana ako ng bigla ako'ng mahulog sa sahig. Napahawak ako sa aking balakang dahil ang sakit ng impact ng pagkahulog ko.
Agad na nagtawanan ang lahat.
Tang'na! Hinila yung bangko ko!
Dali-dali ako'ng tumayo at ilang segundo lang ay tumama na ang kamao ko sa mukha nung lalaki'ng kulay orange ang buhok.
Natahimik ang lahat at ang iba ay napatayo pa mula sa kanila'ng kinauupuan.
"Jacob!" Sabay sabay nilang sigaw. Matalim ang tingin nung Jacob sakin habang pinupunasan ang gilid ng labi nya na may dugo dahil sa lakas ng suntok ko.
Nakaupo lang sya sa sahig habang ang sama ng tingin sa akin. Sinamaan ko rin naman sya ng tingin.
"Problema mo?" Tanong nya. Agad naman na tumaas ang kilay ko. Tsk!Bangag ba sya?
"Ako ba talaga ang may problema o ikaw?" Inis na tanong ko.
Natigil lang kami ng inawat na kami ni Sir.
Padabog akong umupo sa aking upuan habang nakabusangot.
Kaazar!
(Cafeteria)
"Oy! Anyare sayo?" Bungad sakin ni Iseah pagkaupo sa harapan ko. Nakakunot kasi ang noo ko ng dumating sya kaya alam nya na galit o naiinis ako.
"Wala" masungit na sabi ko sabay sipsip sa iniinom ko'ng Chuckie. Tinignan naman nya ako habang nakakunot ang noo at habang nanliliit pa ang mata na para ba'ng sinusuri ako.
"Ay sus! E bakit ganyan ang noo mo?" Turo nya sa noo ko na nakakunot. "Para tuloy meron ka'ng WiFi sa noo" sabi nya at mahinang natawa. Sinamaan ko naman sya ng tingin habang subo ko parin ang straw ng Chuckie.
"Alam mo? Kung hindi ka titigil, ihaham balos ko tong lamesa sa pagmumukha mo" Banta ko na nakapag patahimik sa kanya. Nilagay nya ang isang kamay nya sa bibig nya para magpigil ng tawa.
Sarap kutusan nitong babaeng to e.
"E bakit nga kasi?" pagpupumilit nya habang kumukuha ng fries sa lalagyan ko.
Naks! Kapal ng mukha.
"Wala nga" sabi ko sabay tingin sa cellphone ko at I-scroll ng scroll sa face book. Pansin ko ang panay kuha ni Iseah ng pagkain ko kaya naman alam ko na ang susunod nyang gagawin. "Subukan mong inumin yang Chuckie ko at babalik ka sa sinapupunan ng nanay mo" Banta ko dito ng akma'ng iinumin nya ang Chuckie ko.
"Hmp! Damot! konti lang e!" Agad ko syang pinagkunutan ng noo. Bigla sya'ng tumayo at inilagay ang bag sa kanyang upuan. "Makabili na nga lang" sabi nya sabay irap sakin. Mahina naman ako'ng natawa.
"Oh! Ayan, binili na rin kita" masungit nyang sabi. Napangiti naman ako bago kuhanin ang Chuckie na binili nya sakin.
"Thank You" ngiti kong sabi. Inirapan lang nya ako at nagloptop na.
"May bayad yan" agad akong napatigil sa pag sipsip ng Chuckie at kunot noo'ng nilingon sya.
"Tsk!" sagot ko nalang at nagpatuloy sa pagbabasa ng mga notes ko.
"Sipag ah" puna nya. Napangiwi ako.
"Naman"
"Yabang"
"Mo" dugtong ko sa kanya.
"No section mo?" Tanong nya habang hindi inaalis ang paningin sa loptop.
"G" walang gana kong sagot.
"Ahhhh-WHAT!?" Kunot noo ako'ng napatingin kay Iseah ng bigla sya'ng sumigaw habang napatayo. Nakuha din nya ang atensyon ng iba'ng estudyante pati narin ang mga kaklase ko na nakatingin sa amin.
"Umupo ka nga" kunot noong sabi ko. Huminga muna sya ng malalim bago umupo.
"Seryoso ka? G ang section mo?" Tumango lang ako. "O to the M to the G" Mahina nyang sabi. Kinunutan ko lang sya ng noo.
Mukhang tanga e.
"Bakit?" Tanong ko habang may nginunguya sa bibig.
"Hindi mo ba alam na ang Section G ang pinaka wala'ng hiya sa lahat" napatigil ako sa pagnguya at tinignan ko sya ng may nagtatanong na tingin.
"Spill it"
"Alam mo ba ang ibig sabihin ng G" I shook my head."Gangster. Gangster ang ibig sabihin ng G" I nodded.
"Tuloy mo, nakikinig ako" sabi ko habang ang paningin ay nasa aking binabasa'ng notes.
"So, ayun nga! Dahil nga marami'ng basag ulo dito ay naisipan ng nga faculties na gumawa ng section kung saan mga basag ulo ang mga mag-aaral... At yun ay ang Section mo ngayon" paliwanag nya. "Uhaw painom nga" akma'ng kukunin nya ang Chuckie ko ng unahan ko sya. Sinamaan nya ako ng tingin.
"May bayad naman to e" sabi ko sabay ngisi. Inirapan lang nya ako at nag loptop na.
"Damot"