Zemira's POV
"Wah! Me and my jowa! Wah! me and my jowa! Wah! Uuwi na sya, uuwi na sya! Wah! Maghahanap ng iba!Maghahanap ng iba! Wah!"
Kanina pa ako nakabusangot dito habang hawak-hawak ang cellphone ng wala'ng hiya'ng Iseah na to. Pano ba naman!
Nagpapavideo sya sakin kasama yung sabungero nya'ng boyfriend. Mas mahal nya pa nga ata yung mga manok nya'ng panabong kesa kay Iseah e.
Naghiwalay sila nung niluto ni Iseah yung isang manok na panabong nya, galit na galit sya non bakit daw nya niluto yung manok nya'ng panabong ang sagot naman ni Iseah ay "Syempre para kainin" ayun sa sobra'ng inis ng boyfriend nya nakipag hiwalay si Romel sa kanya.
Iyak ng iyak si Iseah non habang ako ay tawa ng tawa dahil ang pangit nya'ng umiiyak sabayan pa ng tumutulo nya'ng sipon. HAHAHA.
"Isa pa!" galak na sabi ni Iseah. Tinignan ko naman sya sa bugnot na tingin.
"Baby, pagod nako" malandi'ng sabi ni Romel habang nagpapacute kay Iseah. Yung gaga naman kilig na kilig. Ngumiwi nalang ako habang naiiling.
Nakakadiri!
"Ihhh, baby, last na lang " pabebe'ng sabi ni Iseah habang nilalagay yung ilang hibla ng buhok sa likod ng kanya'ng tenga.
Putang'na! Nakakadiri sila!
"Ihhh, baby pagod na ko e" Wala'ng nagawa si Iseah kundi ang pumayag.
"Sige na nga baby. Mapagod kana sa lahat wag lang sa pagmamahal mo sakin. Yieeee!" Kinikilig na banat ni Iseah habang yung lalaki naman ay nagpipilit lang ngiti habang naiiling.
Landi!
Hindi ko nalang pinansin ang kalandian nila'ng taglay dahil nandidiri ako sa kanila. Itinuon ko nalang ang aking paningin sa aking pagkain at sa libro'ng aking binabasa.
Sumipsip ako sa iniinom ko'ng Chuckie. Bigla ako'ng napatingin kay Romel ng magsalita sya na ikinataas ng kilay ko.
"Baby" malandi'ng tawag nya kay Iseah. Ang bruha naman ngiti'ng-ngiti. Jusko! "Magsasabong ako mamaya, baka naman pwedeng.. " Napakamot nalang ng batok si Romel at nahihiya'ng sabihin ang gusto nya'ng sabihin.
"Ay baby! Sige! Magsabong ka! Kung kaylangan mo ng pera, sige! Bibigyan kita!" Energetic na sabi ni Iseah. Palihim naman na ngumisi si Romel.
Pera lang naman ang habol kay Iseah.
Nakasubo lang ang straw ng Chuckie sa aking bibig habang pinagmamasdan si Romel.
Sabungero na, babaero pa.
"Eto lang?" inis na tanong ni Romel ng bigyan sya ni Iseah ng isa'ng libo. Napangiwi ako. "Bakit ito lang!?" nagtaas ng boses si Romel dahilan para magtaas ang kilay ko.
Tignan mo ang pagmumukha nito! Ang kapal na nga ng mukha, ang kapal pa ng bunbunan!
Napakamot naman si Iseah ng ulo sabay nguso. Oh! Bibigyan pa yan! "E, magkano ba'ng kailangan mo?" ngiwi'ng tanong ni Iseah.
"Twenty thousand, twenty thousand ang kailangan ko" galit na sabi ni Romel. Nag-init ang ulo ko at bigla nalang ako'ng napatayo habang pabagsak na ibinagsak ang dalawa ko'ng kamay sa lamesa. Nagulat sila sa ginawa ko pero wala ako'ng pakialam.
"Hoy! Lalaki! Kung wala ka'ng kontento sa ibinibigay sayo nito'ng kaibigan ko, Mabuti pa na mag hiwalay na kayo! At isa pa! Hindi ko gusto ang inaasta mo!Alam ko naman na pineperahan mo lang si Iseah kaya mo sya Jinowa, tama ba ako?" hindi sya sumagot kaya naman nagpatuloy ako. "At alam ko rin na dahil lang naman sa pustahan kung bakit mo sya jinowa, diba? Kaya nung natalo ka sa pustahan ay inutos ng mga barkada mo na perahan si Iseah! Alam ko rin kung saan mo dinadala ang pera'ng ibinibigay nya sayo, sa mga babae mo!" bumalandra ang gulat sa mukha ni Iseah habang nakatingin kay Romel na ngayon ay gulat na nakatingin sa akin. Alam ko kung bakit ganyan ang reaksyon nya, nagulat sya dahil alam ko lahat ng balak nya.
Napatingin kami kay Iseah ng tumayo sya habang nangingilid ang luha. "T-totoo ba?" nangingilid luha'ng tanong nito.
"Baby, wag ka'ng maniwala sa kanya.N-nagsisinungaling sya" tanggi ng wala'ng hiya'ng Romel. Napataas naman ang kilay ko. "Sinasabi nya lang yon. P-para mapaghiwalay tayo. A-alam mo namang ayaw nya sakin, diba?" aba'y nagpalusot pa ang loko.
Napasinghap nalang ako. Punyeta! Dahil sa iritasyon ko ay napainom nalang ako ng Chuckie.
Umiling-iling si Iseah na para ba'ng hindi naniniwala sa hilaw na paliwanag ni Romel.
"Hindi. Hindi sya nagsisingaling sakin!Lahat ng impormasyon na sinasabi nya sakin at sa lahat ng mga naging Ex ko ay tama!" Sigaw ni Iseah habang umiiling-iling. Nanonood naman samin ang mga Nandito sa cafeteria.
Tsk! Mga chismosa at chismoso!
"Baby, mahal kita. Alam mo yun" pagsusumamo ni Romel.
Sumingit ako. "Sus! Narinig na nya sa Ex nya yan e!" pag-epal ko pero wala'ng pumansin sakin.
Ay!
Umupo nalang ako at uminom ng Chuckie habang may nagaganap na drama sa aking harapan. Napunta ang tingin ko sa Section G na may naramdaman ko'ng nakatitig sakin. At hindi nga ako nagka mali. Yung lalaki'ng pula'ng buhok at violet ang nakatingin sa akin habang ang iba naman ay nanonood ng drama sa harapan ko.
Agad naman sila'ng nag-iwas ng tingin ng magtama ang mga paningin namin.
Problema nila.
Napansin ko ang pagtitig ni Liam kay Iseah habang ang gaga ay nakatingin lang sa nagmamakaawang sabungero ng bahay ft. Babaero- panget naman!
Bigla nalang tumakbo si Romel palabas ng cafeteria dahilan para mangunot ang noo ko.
Anyare sa sabungero nayon?
Umupo ka si Iseah sa upuan nya habang umiiyak. Agad naman na tumaas ang kilay ko.
Bat naman umiiyak to?
"Hoy! Gaga! Anong nangyari sayo?" tanong ko. Tinignan naman nya. Muntik na ako'ng tumawa dahil sa itsura nya.
Pfftt! Ang pangit nya!
"Masaya kana?" agad na nangunot ang noo ko.
Pinagsasasabi nito?
"Huh?"
"Masaya kana na wala na kami?" sabi nya sabay hagulgol. Napangiwi nalang ako bago uminom ng Chuckie.
Sira ulo!
"Ano bang nangyari?" inosente'ng tanong ko habang nagpipigil ng ngiti.
"Nakipag break ako sa kanya " sabi nya habang patuloy sa paghagulgol. "Ano?Masaya kana?" ibinaba ko ang hawak kong Chuckie at sumeryoso ang aking mukha.
"Hindi...."
Spade's POV
"Hindi...." Zemira said in a serious face and tone. Her friend look at her with a confuse looked na parang hindi nanini- wala sa sinabi ng kaibigan pero bigla nalang tumaas ang kilay ko ng bigla ito'ng pumalakpak ng mahina.
May sapak sa utak to.
"Hindi ako masaya dahil... sobra'ng saya ko" sabi nya sabay halakhak. Tinignan naman sya ng kaibigan nya ng may bagot na tingin. "Akalain mo yun? Haha!Nagising kana sa isa'ng panaginip na matagal mo ng pinagpapantasyahan!Haha!" sabi nya sabay hagalpak ng tawa.
Seriously? Kaibigan ba talaga to?
"OMG! Hindi kana tanga! HAHA!" tawa'ng-tawa nya'ng sabi na akala mo ay may nakakatawa sa sinabi nya e sya lang naman ang tawa'ng-tawa don.
"Grabe ka naman sakin, parang hindi ka umiyak sa lalaki ah"
"Haler! Matagal na kaya yon. Kaya lang i need his explanation kung bakit sya nakipag hiwalay sakin through the chat" nakanguso'ng sabi nya habang nakatingin sa Chuckie na nasa harapan nya.
Meron ba'ng ganon?
Bigla nalang nya'ng pinagpatong-patong ang kanya'ng w*****d books at ipinatong din nya ang kanya'ng baba sa mga libro habang nakanguso.
Tsk! Mukha sya'ng bibe!
"Cute" napatingin ako kay Lucas ng sabihin nya iyon. Nang sundan ko ng tingin ang sinasabihan nya ay si Zaina lang pala. Agad na nangunot ang noo ko.
Cute ba yan?
"Cute ba yan?" i asked. He chuckled.
"Of course, she's cute" ngiti'ng-ngiti nya'ng sabi.
"Tsk!" Cute daw mukha namang bibe.
Napatingin ako kay Liam ng makita ko sya'ng palihim na kinukuhanan ng litrato yung babae'ng kasama ni Zaina, Iseah yata ang pangalan. Napansin nya yata ang tingin ko kaya naman mabilis nya'ng tinago ang cellphone nya. Napangiwi ako.
Stolen pictures, huh.
"Anong gusto mo, Zaina?" tanong ni Iseah.
"Gusto ko ng street foods" nakanguso'ng sabi nito. Street foods.
Napakamot naman ng ulo si Iseah. "Wala namang street foods na tinda dito sa cafeteria e"
Lalo'ng napanguso si Zaina."Pero yun ang gusto ko"
"Wala nga e"
"E di wala. Isasama ko nalang si Ethan at David mamaya sa labas, bibili nalang ako mamaya"
"Yes! Manlilibre si Zaina!" sabi ni Ethan sabay palakpak.
"Katakawan" pagpaparinig ng kung sino.
"Atleast ililibre"
Nakikinig din pala sila sa dalawa.
"Hindi nga pala ako sasabay sayo pag-uwi, Iseah"
Kunot noo naman syang tinignan ni Iseah.
"At bakit?" Taas kilay nito'ng tanong.
"Maghahanap ako ng mga bata'ng pagala-gala...At isa pa, mas gusto ko'ng maglakad kesa sumakay" aanhin naman nya ang mga bata'ng pagala-gala?
Hindi kaya kidnapper to?
"Malilintikan ako sa mga kuya mo!"
"Yaan mo sila ah, wala naman sila dito sa Pilipinas e"
"Hay! Bahala ka! Basta umuwi ka kaagad" Tumango lang si Zaina at ngumiti. Bigla'ng tumayo si Iseah. "Bibili lang ako"
"Bili mo ko'ng Chuckie " pahabol ni Zaina. Ngumisi lang si Iseah.
Bigla'ng umayos ng upo si Zaina sabay hawak sa kaliwa'ng balikat nya at hinilot hilot, nakangiwi sya habang hinihilot iyon.
"Tang ina ang sakit" dinig ko'ng sabi nito dahilan para palihim na tignan ng mga kasama ko si Zaina na hinihilot parin ang balikat.
Napatigil si Zaina sa paghilot ng kanya'ng balikat ng mapatingin sya sa cellphone ni Iseah, napabungisngis ito. Tumingin muna sya sa pila bago kunin ang cellphone ng kaibigan. Bigla nalang tumaas ang kilay nito habang nakatingin sa cellphone ng kaibigan.
Tsk! Pakialamera!
Bigla nalang tumunog ang cellphone ni Iseah. May nag text?
"Pffttt!" pigil ang tawa nya habang nakahawak ang isa'ng kamay sa kanya'ng bibig. Lalo pa sya'ng nagpigil ng tawa ng muli'ng tumunog ang cellphone ng kaibigan nya.
Sin-wipe nya ang phone ng kaibigan nya kaya agad na nangunot ang noo nya. Pinanliitan pa nya ng mata yung cell phone bago napangisi. Kinuha nya ang cellphone nya sa bulsa, itinago nya sa baba ng mesa nya ang dalawa'ng cellphone. Pinicture-an nya ang cellphone ng kaibigan nya habang nabungisngis.
Tsk! Buang na sya!
Pagkatapos nyang picture-an ang cellphone ng kaibigan nya ay ibinalik na nya sa dati'ng pwesto yung cellphone ng kaibigan nya. Nakatingin naman sya sa phone nya habang ang laki ng ngiti.
"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" agad nya'ng pinatay ang cellphone nya ng dumating ang kaibigan nya na may dala'ng pagkain. Lalong lumawak ang ngisi nya."Creepy" dagdag pa ng kaibigan nya.
"Wala naman" panimula ni Zaina, napataas ang kilay ni Iseah."Ang saya-saya ko lang kasi may bago ako'ng pa'ng blackmail sayo" ngiti'ng-ngiti nyang sabi.
Black mail, huh!
"Ano naman yun, babae?" taas kilay na tanong nung Iseah.
"Secret!" sabi nya habang ang lapad ng ngiti sabay taas baba ng kilay.
Buang na sya!