Zemira's POV
Wala pa ako sa loob ng classroom ng harangin ako ng isang hunghang na punggok.Malaki ang ngiti nito habang nakatingin sa akin na ikinataka ko.
Anong meron?
Nakalahad ang kamay nito na animoy nanghihingi."Penge chuckie"nakangiti nitong sabi.
Napabuntong hininga ako."Pwede bang papasukin mo muna ako sa loob?" Pagod kong sabi habang salubong ang aking kilay.
Wala kasi akong tulog kagabi dahil madami pa akong ginawa.Inabot ako ng alas kwatro sa pamimigay ng pagkain kahapon kaya wala akong maayos na tulog,kahit pahinga ay wala ako.Umuwi rin ako ng baras,rizal kahapon.Ayoko naman na umabsent.
Agad syang umiling-iling."Hindi pwede!No chuckie,no enter"sabi nya.
Alam kong makulit syang bata kaya naman ay wala na akong nagawa kundi ay ang tumalikod dahilan para mapunta sa harap ni Ethan ang bag ko.
"Ikaw na ang kumuha,tinatamad ako"
Pagod kong sabi.
"Sige"sabi nya bago kumuha ng chuckie sa bag ko."Okay na"agad akong humarap sa pintuan.
"Pwede na?"tanong ko.Tumango naman sya habang umiinom ng chuckie.
Napabuntong hininga ako bago pumasok.
Agad na napunta sakin ang paningin nilang lahat pero lahat ng iyon ay binaliwala ko lang dahil pagod talaga ako.
Pabagsak akong umupo sa upuan ko at agad na dumukdok sa arm rest ko.
"Mukhang pagod"
"Matamlay"
"Panigurado na walang tulog yan"
Naramdaman ko na may umupo sa kanan na bahagi ng upuan which is Ethan.
"Zaina....."pagtawag nito sa akin.
"Hmmm?"sagot ko habang nakadukdok parin sa arm rest ko.
"St.Peter is waving.."
Ay puta!
Agad akong nag-angat ng tingin at sumalubong sakin ang ngiting-ngiting si Ethan Alexander habang taas baba ang kilay.
"Sira!"sabi ko na malakas na ikinatawa nito.
Nagtaka ako ng hinawakan nya ang ulo ko at binababa iyon na para bang sinasabi nya na dumukdok ako.Binigyan ko sya ng nagtatanong na tingin.
"Matulog ka muna,babantayan kita" nakangiti nitong sabi.Bahagya akong nagulat sa sinabi nya pero agad din na ngumiti.
"Ayoko,iiwanan mo ako dito e"sabi ko pero ngumiti lang sya at umiling.
"Hindi ah!"
"May klase pa kaya tayo"sabi ko pero naging sunod-sunod ang kanyang pag-iling
.
"We don't have class for two days because i don't know"sabay kaming napa
lingon ni Ethan kay David ng magsalita sya.
"Sasabihin mong walang klase tapos hindi mo alam ang dahilan?"may halong inis ang boses ko.
"As far as i know we don't have class, Brandon told me"sagot nya.
Hindi kona lamang iyong pinansin.
E di ikaw na sinabihan...
Nabalik ang tingin ko kay Ethan ng magsalita sya."Kaya matulog kana,hindi naman kami aalis e."sabi nya at binigyan ako ng malaking ngiti.
"Sige na nga"ngumiti sya ng malaki. "Basta kapag iniwan mo ako,hindi kita ihaharap kay Mingyu"
"Hindi nga ako aalis,promise"sabi nya at itinaas pa ang kamay na animoy nangangako.Agad na dumako ang paningin ko sa kamay nya na nakataas kasabay ay ang pagngiwi.Napatingin sya sa kamay nya at agad na binaba. "Baliktad,kanan pala dapat"sabi nya bago itaas ang kanang kamay.
Naiiling nalang ako na dumukdok sa arm rest ko kasabay ng pagbagsak ng talukap ng mata ko ay ang pagbubulungan ng mga hunghang.
"Ilipat nyo na"
"Mamaya na,baka gising pa"
"Teka,hindi pa ayos"
"Wag kayong mataranta"
"Chill guys,chill"
"Chill chill ka dyan.Pag sinapak ka ni Spade ,chill ka dyan"
"Yan okay na"
Isinawalang bahala ko nalang iyon.At dahil nga antok na antok na ako ay agad akong nakatulog.
---
Ang sarap ng tulog ko grabe.Napaka komportable.Malambot at malamig.
Dahil nga enjoy na enjoy ko ang pagtulog ko ay gumulong ako pero sa kasamaang palad ay natumba ang bangkong inuupuan ko.
"Aray!"inda ko.
"Si Zaina"
"Gising na si Zaina"
"Gago!Nalaglag ata!"
"Ang tanga ni Zaina haha"
Nang makabangon ako ay lahat sila ay makatayo na sa harapan ko.
Nangunot ang noo ko ng makita ang folding bed na nakatumba.May unan at kuston iyon.Napatingin naman ako sa hita ko at nakita ko na may kumot na nakabalot doon.
Tinignan ko sila ng may nagtatanong na tingin.Agad naman silang ngumiti sakin at tumango.
Nakaawang ang bibig ko habang pinagmamasdan ang pinagtulugan ko.Tumingin ako sa kanila.
"Pano ako napunta dito?"tanong ko sa kanila.Agad naman silang nagkatinginan na para bang nag-uusap usap sila gamit ang kanilang mga mata."W-wag nyong--" tumango-tango sila.
S-sinong bumuhat sakin?Huhuhuhuhu.
"Si Spa--"
"It wasn't me,it's Lucas"hindi na natapos ni Sebastian ang sasabihin ng magsalita si Spade the angry bird.
Napatingin ako kay Lucas at ganon nalang ang bakas ng gulat sa mukha nya ng sinabi iyon ni Spade.Tinignan sya ni Spade at pinagtaasan ng kilay.Alanganin akong nilingon ni Lucas at ngumiti.
"Okay lang.Thank you"sabi ko.Nawala naman ang kaba nya sa mukha at parang nakahinga sya ng maluwag sa sinabi ko.
Akala nya yata magagalit ako?
Agad akong tumayo at inayos ang sarili. Yung iba naman ay inayos yung folding bed na tinulugan ko.
Tsaka ko napagtanto na nasa hulihan ako ng classroom.
Sinabitan nila ng kurtina yung likudan, yung parang sa ospital,ganon.Tapos sa loob non ay yung folding bed na tinulugan ko.
Woaahh!Astig!
"Anong oras naba?"tanong ko habang nakapangalumbaba at nakatingin sa harapan.
"Magtatanghalian na"sagot ng hunghang na punggok habang umiinom nanaman ng chuckie.Napatingin ako sa iniinom nya.
"Akin yan ah"ngumiti lang sya bago mag peace sign sa akin.
Tsk!Sya na yung taga ubos ko ng chuckie.
"May t****k ka pala no?"napatingin ako sa kanya habang nakanguso.Tinaasan ko sya ng kilay."Kita ko sa cellphone mo kanina,hehehe"pinanliitan ko sya ng mata."May t****k rin ako,hehehe. Madami akong followers pero may madami ang sayo."lalo ko syang pinanliitan ng mata.
May hindi pa sinasabi ito.
"Hindi ako naniniwalang t****k lang ang pinakialaman mo"nanliliit na matang sabi ko.Ngumiwi sya bago magkamot ng ulo.
"Tinignan ko yung contacts mo at hinanap ko yung number ni Mingyu" nakangiwing sagot nito.Napangiwi ako.
"Tapos ano pa?Anong ginawa mo sa t****k ko?"
"Finollow ko t****k account ko gamit yung account mo"
"Sabi ng haba e"bigla syang ngumiti sakin ng nakakaloko kaya naman napataas ang kilay ko.
"Ang galing mo palang sumayaw.Lalo na yung sinayaw ni Kaori Oinuma na pamp
arampampam pamparampampam suma
bay lang sa bayo sarap sa pakiramdam dam dam nagawa namin ito habang bilog ang buwan tut tut tut tut sumabay lang sa bayo sarap sa pakiramdam" kanta nya habang ginagaya yung dance moves ni Kaori.
Napangiwi ako.
Humarap sya sakin.Napataas naman ang kilay ko.Pinagdikit nya ang kanyang palad habang ngiting ngiting nagpapacute sa akin.Lalong tumaas ang kilay ko.
"Zainaaa....."nagpapacute ang tinig nito sa akin.Pinagkunutan ko sya ng noo. Nagpuppy eye sya sakin dahilan para mapangiwi ako..
Mas cute parin ako....Hmp!
"Sayawin mo yun"
"Bakit?"
"Ang ganda kasi nung step,ang galing, tapos ang cool"sabi nya habang nakatingin sa kawalan.
"Eh?Bakit hindi mo sayawin?"bumalik ang tingin nya sakin at ngumuso.
"Hindi ko alam yung steps,nahihirapan ako"nakanguso nyang sabi sabay kuha sa kamay ko at pinaglaruan iyon.Tumingin sya sakin."Mukhang easy-easy lang sayo yon kaya sayawin mona"
"I-save mo nalang yung nasa t****k ko" sabi ko.Lalo namang humaba ang nguso nya at parang maiiyak.
"Malapit na birthday ko"nakanguso nitong sabi.Tinaasan ko lang sya ng kilay. " Pabirthday mona lang sakin yon,pa advance gift.....pleaseeeee"sabi nya habang nagpapaawa.
Inilahad ko ang palad sa kanya dahilan para taka syang tumingin sa akin."Akina cellphone mo,yan ang gagamitin ko.May load ba yan?"bigla nalang nagliwanag ang mukha nya at mabilis na pumalakpak. Sunod sunod rin ang pagtango nya habang kinukuha ang cellphone nya sa bulsa.
"Oo naman.Ako pa mawalan ng load. Mayaman kaya si Spade"bigla nalang tumaas ang kilay ko.
Ano namang kinalaman ni Spade sa load?
"Anong connect ni Spade sa load?"
"Sya ang nagloload sakin"sabi nya sabay kindat sakin dahilan para ngumiwi ako.
Mingyu,si Ethan oh!
"Sana all may sponsor ng load hahaha!" Malakas kong sabi dahilan para mapatingin ang iba sa akin.
"Nagpaparinig"
"Spade,sponsoran mo nga"
"Hmmmmm"
Natahimik naman ako bigla sa mga pinag sasasabi nila.
May pampaload kaya ako...
"Zaina oh!Ito na cellphone ko"humarap ako sa kanya at ngumiti ng malaki. Hinawakan ko rin ang isa nyang kamay na ikinaawang ng bibig nya.
"Ethan--"
"Ayoko!Kay Mingyu lang ako"malakas nitong sabi sabay bawi ng kamay nito.
Napaawang naman ang bibig ko sa sinabi nya.
Ano nanamang pinagsasasabi nito?
"Ano nanaman yang pinagsasasabi mo?"
Kunot noong tanong ko.Nakatingin na ang lahat sa amin.
"Type mo ako"sabi nya dahilan para malaglag ang panga ko at magsireact ang mga hunghang.
"Pedophile si Zaina"
"Mahilig sa bata hahaha"
"Mas bata sa kanya"
"Tsk..Tsk..Tsk..Zaina ha!"
"OMG!I can't breath"
"Ano bang sinasabi mo dyan?"
"Type mo nga ako"
"Kaderder ka naman.Hindi ako pumapatol sa bata"nakabusangot kong sabi.
"E bakit mo hinawakan ang kamay ko?" Agad akong napairap dahil kay Ethan.
"E bakit nung hinawakan mo ang kamay ko ay pinaglaruan mo,sinabi ko bang type moko?"pabalang kong sagot.
Napanguso sya dahil sa sinabi ko.
"Zaina,may naghahanap sayo"agad akong napatingin sa may pintuan ng magsalita si Henry.
Agad kong nakita si Leila na nakangiti sakin.
Bakit nandito yan?Akala ko sa sabado pa ang punta nya dito sa laguna?
Kumaway sya sakin dahilan para mapangiti ako.
Ipinakita nya sakin ang hawak hawak na echo bag.Anong laman non?.Sinenyasan ko syang pumasok dito.Napatingin sya kay Henry at parang nag-aalangan.Binigyan naman sya ni Henry ng daan dahilan makapasok sya.
"Akala ko sa sabado pa ang dating mo dito?Pano yung libing ni Nanay Julie? Si Tatay Jun?"sunod sunod kong tanong ng makalapit sya."At bakit hindi kita nakita sa bahay?"sunod sunod na tanong ko.
Bumaling muna sya sa likudan dahilan para mapatingin ako.Tumaas ang gilid ng labi ko ng makita na nakatitig sa kanya si Jacob.
Bumalik lang ang tingin ko sa kanya ng magsalita sya."Kasama ako ni Iseah ng umuwi dito,hindi mo lang ako nakita dahil busy ka nung linggo sa pamimigay ng pagkain sa lansangan"
"Umuwi naman ako nung sabado ah!Mga bandang ala una.Bakit hindi kita nakita?"
Ngumiti muna sya bago mabilis na lumingon sa likudan ng upuan ko at mabilis din nya iyong binawi.
Hmmmm......
"Baka tulog ako non"
Ang hinhin talaga kahit kailan..
Napatingin naman ako doon sa dala-dala nyang echo bag dahilan mapatingin din sya don.
"Ah,ito pala.May nagpapadala"sabi nya sabay abot sakin.Nagtaka naman ako bago iyon abutin.
"Kanino galing?"tanong ko habang tinitignan ang laman non.Nakitingin nadin si Ethan doon.
"Wow!Chocolate!"sabi ni Ethan bago kumuha don."Penge ha?!"sabi nya bago buksan at lantakan ang chocolate.
Puros chocolate ang laman non.Yung iba ay galing sa ibang bansa.Dairy milk at yung iba ay imported pa.May nakita naman ako na card sa loob non dahilan para kunin at basahin iyon.
To my Zaina,my crush....
Hello,Zaina.I'm your one of your admirer. I secretly watching you from a far.Gusto ko sana na makipag kilala sayo kaso nahihiya ako sayo...
Nagustuhan kita nung unang tungtong mo palang dito.Humanga na ako sayo simula non at palihim na kitang sinusundan simula sa pag-uwi mo ng bahay hanggang sa pagpasok mo para masiguro ko na ligtas ka....
Nagustuhan kita dahil sa simple at mabait ka.Hindi lang pala mukha ang maganda sayo pati narin ang iyong kalooban dahil nakita kita kahapon,nasa plaza ka at namimigay ka ng pagkain sa mga kapos palad at sa mga nasa lansangan....
Kung bibigyan mo ako ng pagkakataon na makipag date sayo,tatanawin ko na isa sa pinaka masayang memories iyon.
Ps: At dahil tinanggap mo ang tsokolate na ibinigay ko at kinain mo.Ibig sabihin non ay pumapayag ka na makipag date sa akin.
Agad na nanlaki ang mata ko at wala sa sariling napatingin kay Ethan.Bigla akong nanlumo ng makitang paubos na ang nilantakan nya.Wala sa sariling napahagul gol ako.
"Waaahhhhhh!Ano ng gagawin ko?" Iyak iyakan kong sabi pero walang lumalabas na luha sa mata ko.
Taka naman silang napatingin sa akin.
"Waaaahhhhhh!Leila!Ano ng gagawin ko?Ayoko!Ayoko!"sabi ko habang niyuyogyog sya.
"A-ano bang nakalagay sa sulat?" Mahinhin nyang tanong.
"Date daw kami"sabi ko at parang maiiyak na talaga.Agad na tumawa si Ethan.
Kawawa naman ako....
"AYOKO NG DATEEEE!"