Zemira's POV
Nagpupunas ako ngayon ng black board ng may kumatok sa pinto ng class room.
Agad akong napalingon doon.
Agad kong inilapag sa teacher's table ang eraser at mabilis na naglakad patungo sa pinto.
Baka si Luke na to!
Binuksan ko ang pinto at agad na nagliwanag ang aking mukha ng sumalubong kaagad sa aking paningin ay ang hawak hawak na pagkain ni Luke at ang dalawang litro'ng chuckie na nakalagay sa echo bag.
Ngumiti ako ng malaki at pumalakpak ng tatlong beses.Tinignan ko si Luke na naka poker face habang nakatingin sa akin.
"Tara muna sa loob"pag-aya ko. Maglalakad sana sya papasok ng matigilan at mapatingin sa loob.
"Ikaw lahat ang naglinis nyan?"may inis ang boses nito habang iginagala ang paningin sa makalat na sahig at gulo-gulo na mga bangko.
Tumango habang nakanguso.
"Where's your classmate?"inis ang boses nito ng bumaling sakin,nananatili lang akong nakayuko.
"Umalis eh,mamaya pa yatang ala una babalik" nakanguso kong sagot.Palihim ko naman syang sinilip at nakatingin lang sya sa paligid ko.
"Are you done eaten your lunch food?"
Seryosong sabi nito.Ramdam ko ang titig nito sakin.
"Kaya nga ako nagpalada ng pagkain sayo eh.Ayokong pumunta ng cafeteria"
Nakanguso kong ani.
Itinapat nito sakin ang pagkain na naka lagay sa paper bag dahilan para mapaangat ako ng tingin sa kanya.
"Hold this"utos nito.Napabusangot naman ako.Kinuha ko ang paper bag samantalang may dinudukot si Luke na ewan ko sa bulsa ng pantalon nya
Tsaka ko lang napagtanto na panyo pala iyon.
Tinaas nya ang baba ko at pinunasan ang aking mukha at leeg.Ngumuso ako."Akala ko wallet ang kinuha mo at bibigyan mo ako ng pera eh"sabi ko na mahina nyang ikinatawa habang naiiling.
Bumusangot ako.
"Bakit ba sa tuwing tatawa o ngingiti ka ay lagi kang naka mask?"nakabusangot kong tanong.Nang pumunta kasi sya dito ay naka mask sya.
Pa mysterious ang hutek!
"It's none of your business"masungit nitong ani na nakapag panguso sakin.
"Sungit talaga.Kelan ka ba magiging mabait?"taas kilay kong tanong.
Tumigil sya sa pagpupunas ng mukha ko at itinabi na ang panyo.Nilagay nya sa magkabilang bulsa ng pantalon nya ang dalawang kamay at bumuntong hininga.
"La kang pake"
"Sungit talaga,kahit kailan"nakabusangot kong bulong.
"I heard you"
"E di ikaw na may matalas na pandinig"
Ngiwi kong sabi bago pumunta ng teacher
's table.Pinatong ang mga dala ni Luke at kinuha na ang walis at dustpan.
"Give me that things to me"taka akong tumingin sa kanya.Ano daw?
"Huh?"
"I'm going to clean this mess"sabi nya bago igala ang paningin sa mga kalat na nakaipon na sa sahig.
"Eh?"hindi makapaniwala kong tanong.
"Kaya mo yan lahat?"patukoy ko sa mga kalat.
Tumingin sya sakin at matunog na ngumisi.
"Of course"hindi nagmamayabang ang tono nito.
"Tulungan na kita"sabi ko.Akmang aagawin ko ang mga panlinis sa kanya ng paluin nya ang kamay ko."Aw!"daing ko bago himasin ang kamay ko.
Itinuro naman nya ang teacher's table.
"Eat first"nag-uutos ang tinig nito. Ngumuso ako.
"Tutulungan nga kita para mapabilis ka e" nakanguso kong sabi.
"I won't give you my loptop"
"May dala ka?"
"In my car"
Dali-dali akong pumunta sa teacher's table at umupo sa swivel chair ni Sir Brandon.
"Sabi ko nga kakain na ako e"sabi ko bago kunin yung paper bag na nasa harapan ko."Anong niluto mo,lods?" Tanong ko habang nilalabas ang mga tupperware.
"Your favorite food.I bring singkamas and letus and i bring shanghai for you"
Nagpantig ang aking tenga sa narinig. Dali -dali kong binuksan ang tupperware at agad akong napahawak sa magkabilang pisngi habang nakaawang ang bibig na nakatingin sa pagkain.
"Omooooo!Mah fahborit"sabi ko habang nakaawang parin ang bibig.Tumingin ako kay Luke na ngayon ay nakatingin pala sa akin."Tenchuuuuu!"sabi ko habang magkasiklop ang kamay at nakangiti sa kanya.
"Psh!"asik nya bago magpatuloy sa pagwawalis habang naiiling.Bumasangot ako habang nakanguso.
"Sungit talaga kahit kailan"bulong ko bago kunin ang kubyertos."Kumain kana Luke?"tanong ko habang sumusubo.
"Not yet"sabi nya bago patuloy na magwalis.
"Oyy!Halika dito,share na tayo.Marami pa naman ito"sabi ko habang puno ang bibig ng pagkain.
Nilingon nya ako."No.Hindi kakasya sayo yan"ngumuso ako.
"Grabe naman.Anong akala mo sakin, patay gutom?"nakanguso kong tanong.
"Yes"
"Grabe naman!"sabi ko bago uminom ng tubig."Ayoko na nga"sabi ko bago medyo ilayo ang pagkain sa akin.Nakita ko naman ang pagpipigil nito ng tawa dahil tumataas baba ang balikat nito.
"Nah.I'm just kidding"
"Parang hindi ka nagbibiro eh" nakanguso kong sabi.
"Finish your food or else i won't give you my loptop"
Ngumuso ako."Kakain na nga eh"sabi ko bago magpatuloy sa pagkain."Sure ka, ayaw mo?"namimilit ang tono ng pananalita ko.
"Yes"
"Bahala ka"kibit balikat kong sabi bago magpatuloy sa pagkain.
"Here"abot nya sakin ng tubig pagkatapos kong kumain.Agad ko naman iyong kinuha at ininom.
"Tenchu!Lu-ke Lu-ke"sinamaan nya ako ng tingin."Biro lang.Hehehe"
"Psh!"
"May gagawin ka ba bukas?"tanong ko na ikinalingon nya sakin habang nakakunot ang noo.
"I don't know.Why?"
"Pupunta sana ako ng baras,rizal bukas.
Kay Ryan"nakanguso kong sabi sabay tingin sa kamay ko na pinaglalaruan ko.
"Anong gagawin mo dun?"tanong nya.
"Hihingi ng manok"nakangiwi kong sabi.
Tumaas naman ang kilay nya."Joke lang. Syempre bibili ako ng manok at isa pa bibisitahin ko narin si Akemi don. Hindi kasi ako nakapunta sa kanya nung pumunta ako ng burol ni Nay Julie" paliwanag ko sa kanya.
Tumingin sya sa cellphone nya."Oww. I have a sched to finish my work"sabi nya bago bumaling sakin."I'm sorry"buntong hininga nyang sabi.Ngumiti naman ako sa kanya.
"Okay lang yun.HAHA!"muli syang bumaling sa cellphone nya.
"I need to go"ngumuso ako.
"Loptop muna,lods"sabi ko habang nakalahad ang kamay.Mahina syang natawa habang naiiling.
Lumakad sya palabas at medyo tumuwad agad na nagningning ang mata ko ng makita ko ang lagayan ng loptop nya pero agad din akong bumusangot.
"Kanina pa nandyan yan?" nakabusangot kong tanong.Humalakhak sya habang nakatingala samantalang masama ang tingin ko sa kanya habang nakanguso."Aw
"Reklamo ko ng pitikin nya ang noo ko. Muli syang humalakhak.
Nakakainis!
Tumigil na sya sa pagtawa at bumalik sa pagiging seryoso."I gonna go na"pamama alam nya.
"Sige.Ingat"bago ko yakapin ang loptop nya.
Lumapit sya sakin at hinalikan ang noo at ulo ko na hindi kona ikinagulat pa dahil lagi naman nyang ginagawa sa akin yon.
Magbestfriend lang po talaga kami.Promise
"Payakap nga"sabi ko bago sya yakapin. Tinapik lang nya ang aking likod."Matagal pa siguro tayong magkakasama-sama."
Nakanguso kong ani.Hinaplos naman nya ang ulo ko habang nakayakap sa kanya.
"We're all busy"
"Kaya nga"sabi ko bago humiwalay sa pagkakayakap sa kanya.Mahigpit kong niyakap ang loptop."Thank you!"naka ngiti kong pagpapasalamat dito.
"I gonna go"sabi nya bago kumaway sakin habang papalabas ng pinto.Ngumiti ako sa kanya at kumaway rin.
Nang mawala sya sa paningin ko ay agad akong nagtungo sa teacher's table.Umupo ako sa swivel chair at inayos ang loptop.
Love in the Moonlight.....
HINDI pa ako nakakatapos sa isang episode ng may malakas na kumalabog mula sa labas ng classroom.Agad akong napatitig doon.Medyo gumagalaw ang pinto kaya nasisiguro ko na sinisipa iyon.
Naririnig ko rin ang pagtawa ng kung ano sa pinto.Gumagalaw rin ang dork knob nito kaya naman nasisiguro ko na sinusubukan itong buksan.
Ni-lock ba ni Luke yung pinto?....
Napataas ang kilay ko ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko ang galit na itsura ng isang lalaki na hindi ko kilala.Sa likod non ay ang iba pang lalaki at sila Amelia kasama ang tatlo nitong alipores.
"Anong kaylangan nila?"tanong ko sa kanila habang nakaupo ako parin ako sa swivel chair.Pero imbis na sumagot ay pumasok ang tatlong lalaki sa loob at dali daling lumapit sa akin at hinawakan ang magkabila kong braso.
Hindi ako pumalag.
Tumingin ako sa pintuan at nakita kong pumasok sila Amelia at ang tatlo nyang alipores.Nilibot nila ang paningin sa kabuuan ng silid bago nakangiti na bumaling sakin.
"Malinis huh"nakangisi nitong turan.
"Syempre masipag ako eh"sabi ko bago sya ngitian ng nakakainis.Agad na bumalandra ang inis sa mga mukha nila. Bumaon naman ang mga kuko ng mga hawak sa akin dahilan para mapangiwi ako.
"Amelia,sinasagot ka oh"sabi nung isang alipores.
"Palasagot ako eh!Anong magagawa mo?
"Taas kilay kong saad.Sumama ang tingin nito sa akin pero nginitian ko lang sya ng nakakainis.
"Aba't sumosobra kana!"
"Hindi pa naman"
"Amelia,naiinis na ako!Hayaan mo akong saktan yang malanding yan!" sigaw nung babae habang gigil na gigil na nakaturo sa akin
Taas kilay syang nilingon ni Amelia."Wag ka ngang nangunguna!Ako ang mag dedesisyon!Kaya manahimik ka nalang dyan!"galit na sigaw ni Amelia sa babae dahilan para maitikom nito ang bibig.
"Ahhh!Nasigawan!HAHAHA!Papansin kasi e!Bleh!"pang-iinis ko sa babaeng sinigawan ni Amelia.Nakita ko kung panong tumalas ang tingin nito sa akin at kumuyom ang mga kamao nito.
"You b***h!"
"You witch!"ganti ko dito bago sya ngisian ng nakakaasar.
"Stop it,Lhian!"sigaw nanaman ni Amelia
.Nginisian ko lang na nakakaasar dahila para mamula ang mukha nito.
"Argh!Nakakaasar!"inis na sabi ni Lhian bago magwalk-out.Tinawag sya ni Amelia pero hindi na ito bumalik pa.
Hinarap ako ni Amelia.Lumapit sya sakin.
Hinawakan nya ang panga ko.Iginala nya ang paningin sa mukha ko.
"Nakakainis!Bakit ba ang ganda ganda mo!"sabi nya sabay diin sa panga ko.
Napangiti ako.
"Syempre.Maganda talaga ako.Di mo katulad.Panget"pang-iinis ko dito.Nakita ko kung paano sumama ang tingin nito sa akin,naramdaman ko rin dito ang pang gigigil nito dahil sa diin ng pagkakahawak nya sa panga ko.
*PAKKK
Sa isang iglap lang ay napunta sa kanang bahagi ng class room ang paningin dahil sa pagkakasampal nya sa akin.Narinig ko ang lalim ng paghinga nito.
Nakangisi akong bumaling sa kanya bago dilaan ang gilid ng labi ko na ngayon ay dumudugo na dahil sa pagkakasampal nito.
Dinuro nya ako."Wag.na.wag.mo.akong. ginagalit.dahil.hindi.mo.magugustuhan. ang.mangyayari.sayo.kapag.nagalit.ako"
Banta nito sa akin pero matunog lang akong ngumisi.
"Wag.na.wag.mo.rin.akong.gagalitin. dahil.kapag.nawala.ako.sa.wisyo.at.hindi.kita.matansya."nakita ko kung pano rumehistro ang gulat at takot sa mata nya. Napangisi ako."Naiintindihan mo? Mamamatay ka"pabulong na sabi ko dito ang huling linya na tanging kaming dalawa lang ang makakarinig.
Tinago nya ang pagkagulat at takot sa pamamagitan ng pagngisi nya."Ha!Sa tingin mo matatakot ako?You're wrong!
Baka ikaw ang dapat matakot"
Ngumisi ako."Hindi pa pinapanganak ang taong makakagawa ng takot sa dibdib ko"sabi ko bago muling ngumisi.
Hindi na sya nagsalita pero bumaling sya sa dalawang lalaki na nakahawak sa akin at sa isang lalaki na nasa likudan ko.
"Kayo ng bahala sa kanya."sabi nya bago bumaling sakin ang tingin at ngumisi. Ngumisi rin ang dalawa pa nitong alipores bago sila lumabas ng silid.
"Argh"mahina kong daing ng malakas akong suntukin nung lalaking nasa likudan ko kanina.Malakas silang nagtawanan.
Kakakain ko lang eh!
"Arghhhh!"daing ko muli ng malakas at sunod sunod akong sinuntok nung lalaki.
Napabaluktot ako sa sakit.
Bwisit!
"Wag na wag mong kakalabanin si Amelia"sabi nung lalaking may hawak sa kanang braso ko.Sabi nito bago ako suntukin muli sa sikmura.
A-arghhhhh.
"Tol,mukhang hindi nasasaktan ah. Hindi dumadaing.HAHAHA!"Sabi nung nasa kaliwa ko.
G-gago.A-ang sakit k-kaya!
"Oo nga,tol.Wala bang pamalo dyan?"
Tang'na!
"Sandali lang.Maghahanap lang ako" sabi nung lalaking nasa harapan ko at pumunta sa pinakang likod.
Nagpunta sya doon sa may aparador at binuksan iyon.Naghalungkat pa sya don hanggang sa mahawakan nya ang isang baseball bat.Nakangisi syang bumaling sa akin.Nakapatong sa balikat nya ang base ball bat habang papalapit sa akin.
"Any last word?"nakangisi nitong tabong sa akin.
"T-t-tang i-ina m-mo"utal utal kong sabi dahil sa sakit na iniinda.Humalakhak sila.
"Hindi ka man lang ba mag mamakaawa
?"tiningala ko ito bago ngumisi.
"H-hindi ko u-ugaling m-mag makaawa s- sa m-mga panget n-na k-katulad n-nyo"
Nakangisi kong turan dito.
Nakita ko kung pano umigting ang panga nito.
Hindi pala lahat ng umiigting ang panga ay gwapo.Yung iba mukhang ewan.
Dahil sa sobrang galit nito ay tinusok nya ng dulo ng baseball bat ang aking tiyan na ikinapikit ko ng mariin.
Pumunta sya sa likod ko at malakas na hinampas ang likod ng tuhod ko dahilan para mapaluhod ang isa kong tuhod. Pinalo rin nya ang likod ng kanang tuhod ko dahilan para tuluyan na akong lumuhod.Malakas silang nagtawanan.
Pumunta muli yung lalaki sa harapan ko habang mahinang pinapalo palo ang bat sa palad nito.
"Suko kana?"
"H-hindi ako m-marunong s-sumuko"
Ngumisi ito bago ako sampalin.
*PAKKK
"Good night"nakangisi na ani nito bago itaas ang hawak hawak at agad na pinalo sa akin.
And everything went in black.