25

1996 Words
Zemira's POV "Nagvovlog pala dati si Ethan"sabi ko habang naghahanap ng libro sa mga shelves,nandito ka kami ngayon sa book store. "Yes,before"sagot ni David habang nakasunod sa akin at pinapanood ang bawat galaw ko.Napatango-tango naman ako. "Bakit sya tumigil?"tanong ko.Hindi kaagad sya nakasagot kaya taka ko syang tinignan.Nakatingin sya sa akin habang may pag-aalinlangan ang kanyang mga mata.Napabuntong hininga ako bago ngumiti."Okay lang kung hindi mo sagutin, i think it's private e"sabi ko bago muling bumaling sa mga libro. Sinimulan ko muling maglakad lakad habang pinapadaus-os ang aking hintuturo sa mga librong nadadaanan ng aking daliri.Agad akong napangiti ng makita ang isang libro na pinaka paborito ko sa lahat. Agad ko itong kinuha dahilan para mapangiti ako ng malaki at makita ang kabuuan nito. Charm Academy:School of Magic...... Humarap ako kay David na nakatingin sa akin."Kelan ang birthday ni Ethan?" "June 18,why?" Kung June 12 ngayon,ibig sabihin isang sa isang linggo na ang birthday nya. Ngumiti ako sa kanya at umiling."Wala" nginitian nya lang ako at tumango. "You two!Are you done blabbering on!? "Agad akong napabusangot ng marinig ko ang galit na boses ni Spade the angry bird mula sa kabilang bahagi ng store. Sabay kaming napalingon ni David.Kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin sa aming dalawa ni David. Napabuntong hininga si David bago ako nilingon."You done?"tanong nya. "Ahuh"sabi ko sabay ngiti.Nginitian nya lang ako bago tumango at gumilid para paunahin akong maglakad. Habang papalapit ako ng papalapit sa gawi ni Spade at pasama ng pasama ang timpla ang timpla ng mukha nito. Problema nanaman nito? Napatingin ako sa buhok nya.Iniwasan kong mangiti sa harapan nya dahil hanggang ngayon ay nakaipit parin sa kanya ang inipit ko sa buhok nya kani-kanina lang. Ppfftt. Nang masalubong ko ang tingin nya ay lalong nagsalubong ang kilay nya."What?" Inis nyang tanong. Nginitian ko lang sya bago ilingan at lagpasan. Napatingin ako sa entrance ng book store ng may pumasok na limang lalaki na malalaki ang katawan at mga nakaitim. Itim na t-shirt,pants,shades,shoes.Tapos balat nila itim. Gagi!HAHAHAHA! Agad akong napangiti sa naisip ko bago umiling ng umiling.Siraulo! Hindi kona lang pinansin ang mga bagong pumasok at pumunta nalang ako sa dulong dulong bahagi ng book store,kung saan walang pumupunta,dito ko kasi kadalasang nakikita yung mga librong binabasa ko kaya dito ako lagi nagpupunta. Naghahanap lang ako ng naghahanap ng may maramdaman akong presensya sa likod ko,mang malingon ko ito ay dalawa sa mga lalaking nakaitim at maitim ang nakita ko. "May kaylangan ho kayo dito?"magalang kong tanong.Nagkatinginan yung dalawa. Magsasalita sana yung isa ng may magsalita sa likudan nila at tinawag ang pangalan ko. "Zaina,you're just here,we thought you left"pagtingin ko ay si Lucas pala.Lalapit na sana sya sakin ng mapatingin sya sa dalawang lalaki na nasa harapan ko, ngunit hindi sya nililingon ng dalawang lalaki.Bumaling muli si Lucas sakin. "Zaina,let's go we're leaving na" Ngumuso ako. "Hindi ko pa nahahanap yung libro na hahanapin ko"nakanguso kong sabi kasabay ng pagbagsak ng aking balikat. "Next time,we'll comeback"buntong hiningang sabi nito bago tignan ang likod ng mga lalaki na nakaharap sa akin. "Excuse lang ho"sabi ko sa dalawang maitim--este nakaitim pala.Dumaan ako sa pagitan nilang dalawa at pinadaan naman nila ako ng walang sali-salita. "Okay ka lang?"tanong ni Lucas ng makalayo kami dun sa mga nakaitim pero nananatili parin na nakasunod sa amin ang tingin nung dalawa. Taka ko naman syang tinignan. "Oo naman...Bakit?"ngumiti lang sya sakin ang umiling. "Nothing" "Weird mo"mahina lang syang natawa. Baliw..... "Where did you go?"tanong ni Spade ng makalapit kami sa gawi nila.Kasama na nya ngayon sila David,Ethan,Rocky,Jacob na inirapan lang ako at si Liam na nagtatampo sakin dahil hindi ako pumayag sa gusto nya. Itinuro ko lang yung pinaka dulong parte ng book store kung saan ako galing. "What did you do there?"napabusangot naman ako. "Baka tumae"narinig ko ang hagikhik ni Ethan."Natural naghahanap ng libro!Book store nga diba"sabi ko bago sya irapan. Magsasalita pa sana sya ng unahan sya ni Lucas."Spade,we need to talk"napalingon kami sa kanya.Seryoso ang boses at mukha nito dahilan para sumeryoso rin ang mukha nitong isa.Lagi naman syang sumeryoso pero iba ang pagkakaseryoso ng mukha nya ngayon. "Spill it" "Privately"tumango naman si Spade bago tumingin kay Rocky,Liam,Jacob at David bago tumingin kay Ethan. "Ethan,stay here"tumango lang ang batang hunghang.Nagtataka naman akong nakatingin sa kanya."Don't ask coz i'm not going to answer you"sabi nito bago tumalikod kasama yung iba. Damot.... ___ "ANTAGAL naman nila"reklamo ko kay Ethan.Kanina pa kami nakatayo ni Ethan dito sa loob ng book store na pinag-iwanan nila saamin. Mahigit kalahating oras narin kaming nag- hihintay sa kanila dito pero anino nila wala kahit isa. Wala namang reklamo ito isang punggok na ito dahil busy sya sa paglalaro ng kung ano sa cellphone ko.Nag download pa sya ng karami-raming games sa cellphone ko para laruin.Bored lang daw sya kaya cellphone ko ang pinaglaruan. "Bored ka lang"sabi ni Ethan habang tutok sa cellphone ko. Napanguso ako.Kanina pa kami dito pinagtitinginan ng mga tao at ng mga staff dahil nakaupo kami ni Ethan sa sahig, wala naman kaming pakialam ni Ethan. Pansin ko rin na kanina pa nakatingin sakin yung limang lalaking nakaitim pero hindi ko naman ito pinapansin. Type siguro nila ako.... "Ethan,kanina pa sakin nakatingin yung mga lalaking nakaitim"mahinang sabi ko kay Ethan. "Type ka lang nyan nila...Wag mong pansinin"sabi nya ng hindi ako nililingon. Napabusangot naman ako. Edi wag pansinin..... 1 hour and 33 minutes past: "OH,mabuti bumalik pa kayo"inis kong sabi sa kanila ng makabalik silang lahat matapos ang isa't kalahating oras. "Sorry"sabi ni Lucas.Inis ko silang tinignan. "Ano bang pinag-usapan nyo at umabot pa kayo ng isa't kalahating oras?Sana pinapunta nyo nalang kami doon sa may arcade ng hindi kami naburyo dito"inis kong sabi sa kanila."Tang inangyan. Sayang oras lang ih!Andami ko pang kailangan gawin para bukas,mamimili pa ako.Sana hinayaan nyo na lang muna akong mamili...Mabuti pa sana kung mga sampung minuto lang"inis na inis kong sabi sa kanila. Bahagya pa silang nagulat sa pagmumura ko.Nabaling ang tingin sakin ni Ethan ng magmura ako.Napakunot naman ang noo ni Spade the angry birds.At napayuko naman ang iba habang napairap si Jacob at napabuntong hininga si David. "Don't cuss"seryosong sabi ni Spade the angry bird dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Don't cuss,Don't cuss.Gago"sabi ko bago sila iwanan na nakatunganga sakin. Lumabas ako ng book store ng hindi sila inaantay at nililingon. Nakakainizzzzz! "Zaiiiinnnnnaaaaa!"sigaw ng pamilyar na boses.Kahit hindi ko lingunin ay alam na alam ko kung kaninong boses yon.Isa lang naman ang taong tumatawag sa akin ng mahaba e. ETHAN ALEXANDER...... Naramdaman ko ang presensya nya sa gilid ko pero hindi nya ako pinansin. Inangkla nya ang braso sa braso ko at sumabay sakin sa paglalakad. "Yaan mona yun sila.Ganon talaga sila/kami mag-usap usap lalo na kapag seryoso ang topic namin.Umaabot talaga ng oras ang usapan"sabi nya pero hindi ko sya pinansin at tuloy lang ako sa paglalakad. Pake ko? "Zaina...."sabi nya bago laru-laruin ang palad ko na pinindot-pindot nya. Hindi ko sya sinagot. "Bumalik kana sa kanila...Pupunta ako ng grocery store ngayon"sabi ko ng hindi sya nililingon. "Anong gagawin mo dun?"agad ko syang nilingon at sinamaan ng tingin.Napanguso sya habang magkadikit ang parehong hintuturo. "Pumunta kana sa kanila"sabi ko pa. Agad syang umiling-iling. "Ayaw!Sama ako sayo" "Mabobored ka lang sa grocery store" sabi ko.Umiling iling sya. "I'm coming with you wether you like it or not....At isa pa,ililibre mo pa ako dahil hindi pa ako kumakain simula kagabi" "Bakit nga ba hindi ka kumain kagabi?" Nakangisi kong tanong sa kanya ng hindi sya nililingon. "Ihhhh,naman Zaina!Wag mo ng tanunginnnn,nahihiya ako e" pumapadyak nyang sabi dahilan para mahina akong matawa. Cute.... --- "Nagbavlog ka pala dati"sabi ko habang pumipili ako ng mga de lata.Tulak tulak ni Ethan ang push cart habang ako naman ang kumukuha ng mga kailangan ko. "Oo,dati" "Pwede ko bang malaman kung bakit hindi kana nagbavlog?"tanong ko habang hindi sya nililingon.Nabaling ang tingin ko sa kanya ng hindi sya sumagot.Ngumiti ako sa kanya."Okay lang,kung hindi mo sagutin"nakangiti kong sabi bago bumaling sa mga pinamimili. "Simula kasi ng umalis sya tumigil na ako sa pagbavlog"gulat akong napatingin sa kanya ng magsimula syang magkwento. Pero ang kinatataka ko ay ang sinabi nyang 'Sya'. "Sya kasi lagi ang kasama kong mamprank sa mga kaklase namin dati dati...Solid na solid kami dati nung panahong hindi nya pa kami iniwan. Hanggang sa bigla nalang syang hindi nagpakita"inilapag ko sa cart yung hawak kong delata at lumapit sa kanya at hinagod ang likod nya ng marinig ko ang kanyang paghikbi nya. "Shhhh.....Tahan na,sorry kung natanong ko...Pangako,hindi na ako magtatanong tungkol sa kanya"sabi ko habang hinahagod ang likod nya. Pinunasan nya ang mata nya at ngumiti sa akin."Okay lang,wala na akong pakialam sa kanya dahil nandito kana" Ngumiwi ako.Grabe sya.... "Magvlog ka kaya uli"suhestyon ko. Nangunot naman ang noo nya na may halong pagtataka. "Bakit?Sasamahan mo akong magvlog?" Ngiting ngiti nyang tanong. Gusto ko sanang tumanggi kaso nakikita ko sa mata nya ang saya. "Sige"nakangiti kong sabi na ikinaliwanag ng mukha nya. " Yazzzzz "sabi nya bago sumuntok sa hangin.Napangiti naman ako bago muling bumaling sa mga paninda. ___ "Para saan nga pala yang mga pinamili mo?"tanong ni Ethan habang pabalik kami ng mall. "Ahh,yun ba?Tuwing linggo kasi ay pumupunta ako sa mga bahay ampuan at charity na ipinatayo namin ng mga barkada ko,tuwing linggo ay nabisita ako doon para mag-iwan ng stocks ng pagkain nila sa loob ng isang linggo,nag- iiwan rin ako ng pambayad ng kuryente at tubig"bumaling ako sa kanya."Ikaw? Gusto mo bang sumama sa akin bukas?" Tanong ko sa kanya sabay akbay dito. Ngumiti sya at umiling."Hindi pwede e" Napanguso ako."Bakit?" "Hindi ako papayagan ng mga tito ko na umalis tuwing linggo" "Hmp!Gusto mo ba na hiramin kita sa mga tito mo?Ipagpapaalam kita,ibabalik naman kita bago magdilim"nakangiti kong suhestyon. Ngumiti sya bago umiling."Hindi parin nila ako papayagan" "Ang higpit naman nila sayo,mabuti pina yagan ka na sumama ngayon dito sa mall" "Pinagpaalam ako ni Spade sa kanila" "Aba!Mabait din pala iyong angry bird na iyon"mahina syang natawa. "Mabait naman talaga si Spade,wag mo lang gagalitin at baka imbis na suntok ang matanggap mo sa kanya ay baka labi nya ang matanggap mo"natatawang ani nito.Natahimik naman ako. "Ano yon?Basta basta sya nanghahalik?" Curious na tanong ko. "Bakit?Aasarin mo?"nilingon nya ako at sumalubong sa akin nakakaloko nyang ngiti at tingin."...Para mahalikan ka?" Agad akong lumayo sa kanya ng dahil sa gulat. "Iwww!Yuck!Kaderder ka naman"sabi ko habang hinihimas ang braso ko,bigla kasing nagtayuan ang mga balahibo ko ng dahil sa kilabot. Tumawa sya."E bakit mo nga ba tinatanong?" "Wala lang.Ang sarap nya lang kasi asarin,pikunin sya at mainitin ang ulo.Yan ang mga trip ko na masarap asarin" Tumango-tango sya."Ahhh,akala ko sarap nyang halikan at masarap syang kainin" "Ethan!"suway ko dito ka ikinahagalpak nya ng tawa."Kaderder ka naman"kunot noong sabi ko na lalo naman nyang ikinat awa. Nagtataasan tuloy ang balahibo ko. Habang naglalakad uli kami ay tinitigan ko si Ethan habang nakakunot ang noo. Bigla syang nagsalita."Alam kong gwapo ako,Zaina.Pero hindi mo kailangan na titigan ako ng ganyan"nakangisi nyang sabi dahilana para mahina ko syang batukan."Aww"reklamo nito. "Mukha ka kasing may lahing koreano" sabi ko habang nakatitig sa kanya. Natigilan naman sya at tumingin sa akin. "Eh?Talaga?"tumango-tango ako."Pano mo nasabi?" "Yung kulay at balat mo,makinis at maputi ka.Yung mata mo.Yung kilay mo. Yung pilik mata mo..Ah!Basta!Mukha ka talagang koreano"nagpogi sign naman sya sa akin bago mag finger heart sa akin na ikinangiwi ko."Mga oppa ko lang ang kayang magpakilig sakin ng ganyan. Hindi mo ako mapapakilig dahil hindi naman kita oppa"sabi ko bago sya ngisian . "Grabe naman.Hindi ba tumatalab ang karisma ko sayo?"sabi nya.Umiling lang ako at hindi sumagot.Iniisip ko parin talaga ang pagiging mukhang koreano ni Ethan. "Wala ka bang relatives na may lahing korean?"tanong ko.Nilingon nya ako saglit bago tumingin sa daan. "Wala namang nasasabi sa akin ang mga tito ko" "Mukha ka kasi talagang koreano." "Ang sabi ng isa kong tito ay purong pinoy ang mga magulang ko kaya imposible na may dugo akong koreano" Napatango-tango nalang ako at hindi na nagsalita. "Excuse me,Miss"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD