Zemira's POV
"At your back...."agad akong napalingon sa aking likuran ng may marinig akong boses lalaking nagsalita.
Agad na sumalubong sa akin ang seryoso nitong mukha pero ang gwapo.
Maputi,bagsak na bagsak ang buhok, makinis,reddish lips,matipuno,matangkad
,halatang alagang gym,tapos yung jaw line nya halatang umiigting.Gago ang gwapo!
Engineer kaya to?
"Ay sayo ba?"tanong ko tumango naman.
Bigla ko nalang na binitawan yung tuta dahilan para mahulog ito at gumawa ng ingay na nasaktan.Agad ko itong dinampot at kinalong."Hala!Sorry!"sabi ko sa tuta habang hinihimas ang parte ng katawan na nasaktan.
"Give him to me.."seryosong sabi nito.
Nag-aalinlangan ko naman na ito na inabot doon sa lalaki kahit ayaw ko.
Bet ko yung may ari---este yung tuta pala!
Nakanguso ko na hinarap yung apat."Ang cute nung tuta"nakanguso kong sabi bago muling nilingon yung lalaki na may ari nung tuta.Yung pogi.
Nang magsalubong ang tingin namin ay tinaasan nya ako ng kilay kaya naman tinaasan ko rin ito ng kilay bago irapan.
Kala nya papatalo ako sa irapan?Luh!Asa sya!
"Bet ko yung tuta,ang cute"nakanguso kong sabi sa kanilang apat na ngayon ay nakangiti na sa akin ng nakakaloko."Bakit
?"inosente kong tanong sa kanila pero lalo namang lumaki ang ngiti nila.
"Yung tuta o yung may-ari?"tanong ni Liam habang taas-baba ang kilay.Yung may ari,charurut!!!.
Kakatakot naman sila ngumiti.
Si Iseah at Mingyu ay wagas kung maka ngiti na parang handang handang sumungkit ng brief na butas sa gitna.Si Ethan at Liam naman ay parang handang handa ring sumungkit ng panty'ng butas at maluwag ang garter.
"Bagay kayo"nakangisi nitong sabi habang nakatapat kanina pa sa akin ang camera nya.Nangunot ang noo ko sa pagtataka.
Luh!
"Nino?"kunot noong tanong ko.Tumaas baba naman ang kilay nila bago mag tinginan at sabay-sabay na tumingin sa akin.
Kamukha nila yung tiktik doon sa lugar namin.
"Yung lalaking nagpunta dito,yung may ari nung tuta"agad akong bumusangot.
Bagay naman talaga kami!Charurut!!.
"Ewan ko sa inyo"sabi ko bago sila irapan isa-isa pero ang mga gago ay inasar lang ako.
"Uyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!"
"Yihiiiiiiiiiiiiii!!"
"Kwak-kwak!"
"Sumbong kita kay Spade"
Napatingin ako kay Ethan ng sabihin nya iyon kasabay ng pagtaas ng kilay ko.At bakit naman sya magsusumbong sa Palito' ng iyon?.
"At bakit?"mataray na tanong ko habang taas na taas ang kilay na para bang handang sumaksak ng tao sa sobrang tulis.
"Look,baby.Kanina pa tingin ng tingin sa atin yung mga lalaki"sabi ni Liam ay palihim na tumuro.Nilingon ko naman yung tinuro nya at yung mga lalaki kanina ang tinuturo nya.
Oo nga.Patingin-tingin dito sa gawi namin yung mga lalaki at mga nakangiti pa. Mukha nila kaming pinag-uusapan.
Nang magtama ang paningin namin nung lalaking may-ari nung tuta ay tinaasan nanaman nya ako ng kilay na para ba itong nagtatanong.Tinaasan ko rin ito ng kilay bago irapan.
"Sumbong talaga kita,Zaina"nananakot ang tono ni Ethan dahilan para tumingin ako sa kanya at taasan nanaman ng kilay ang batang hunghang na ito.
"Inaano ba kasi kitang punggok ka,ha?"
Taas na taas na kilay na sagot ko sa kanya.
"Ipinag papalit mona si Spade sa mistisong hilaw nayon"sabi nito habang nakanguso.Lalo naman na tumaas ang kilay ko.
"Haler!Paki ko sa kanya?"sobrang taray na sabi ko.Natawa nalang yung tatlo habang si Ethan ay maiiyak na.Niyakap naman ito ng Mingyu.
"Wag ka ng umiyak"sabi ni Mingyu habang tinatapik-tapik ang likod ni Ethan.
Dinilaan naman ako ni Ethan.
"Kami din ng baby ko"sabi ni Liam bago yakapin si Iseah na nakangisi sa akin ngayon.Ngumiwi ako.
Dito pa talaga sila naglandian sa harapan ko!!
"Excuse me..."agad kaming napatingin doon sa likudan ko ng may magsalita nanaman.
Nakangiti ito,cute,may katambukan ang pisngi,singkit,mukhang matalino at mabait at mukha rin itong makulit pero gwapo.Mga kasing edad din ito ni Mingyu at Ethan.
"Bakit dadaan ka?"tanong ko dahilan para mapatingin ito sa akin."Ayan oh, ang lawak-lawak ng daan"sabi ko pa habang itinuturo ang sahig.
Mahina naman itong natawa.Ang cute. " Does not what i mean"natatawang sagot nito bago nilingon ang ibang kasama na ngayon ay tumatawa na habang pinanonood ang kasama."Kayo na kaya ang kumausap"sabi nito habang nag kakamot ng ulo.Ang cute talaga nito.
"Ikaw na,tol!Kaya mona yan"sigaw nung isa sabay tawa.Nakita narin ang iba pa nitong kasama maliban doon sa lalaking may-ari nung cute na tuta.
Tinitigan ko ito ng matagal at ng mukhang napansin nya ang pagtitig ko ay tumingin ito sa akin.Tinaasan ko naman ito ng kilay bago ito muling irapan.
"Ako nga pala si Sy"pagpapakilala nito.
Sisy?....Pambabae naman ang pangalan nito.
"Walang nagtatanong"masungit na sabi ko.Muling nabalik ang tingin namin doon sa mga kasamahan nya ng malakas itong nagtatawanan maliban lang don sa gwapong lalaki na puro kain lang.
Nagkamot ito ng ulo."Hehehe.Oo nga naman"napapahiyang ani nito.
"So anong kailangan mo?"ngiting-ngiting tanong ni Mingyu.Tumingin ako kay Ethan at ganon nalang ang pagpipigil ko ng tawa ng makita ko kung gaano kasama ang tingin ni Ethan kay Sisy.
Selos!BWAHAHAHAHA!.
Napatakip nalang ako ng bibig ko ng biglang akbayan ni Ethan si Mingyu at hinapit ito papalapit sa kanya at mabilis na hinalikan si Mingyu sa pisngi na ikinapula ng mata ko.Maging sila Iseah ay nagulat pati narin si Sisy.
"Pfftt!BWAHAHAHAHAHAHAHAHAH
AHAHAHA!"Malakas kong tawa ng makita ko kung gaano kapula ang mukha ni Mingyu at ni Ethan.Nagkatinginan yung dalawa bago mag-iwas ng tingin.
Mukhang hindi rin inaasahan ni Ethan ang ginawa nya dahil sya ay nagulat rin sa inakto nya.
Hindi ko namalayan nasa sobrang lakas ng tawa ko ay nakatingin na sila sa akin maging ang mga kaibigan ni Sisy.
Tumahimik ako."Sorry natawa lang" sabi ko bago kagatin ang pang-ibabang labi at yumuko dahil sa hiya.
Yan kase tawa pa!
"So,ano ngang pakay mo?"si Iseah na ang bumasag ng katahimikan na ginawa ko.
Pumeke ito ng bago magsalita."Kung pwede daw makuha number nya?" Sabi nito sabay turo sa akin na ikinakunot ng noo ko.
Luh!Bakit ako?
"....Tsaka kung pwede daw magpapicture"dagdag pa nito.Dahilan para sabay-sabay silang tumingin sa akin nag-aantay ng sagot ko.
Tinignan ko si Liam at tipid lang itong tumango,si Iseah naman ay ngumiti lang. Si Mingyu naman ay nag thumbs-up lang. Habang si Ethan ay hinarap ang screen ng cellphone nya sakin at nakita ko si Spade na nasa loob ng kotse habang nakatingin sa akin na para bang nagbabanta.
Sinamaan ko ng tingin si Ethan pero inirapan lang ako nito.
Napalunok ako."S---"
"Try to give your number and take a picture,get ready for me"seryosong sabi nito habang paningin ay nasa unahan. Hindi ko alam pero kusang bumuka ang bibig ko.
"Hindi pwede"sagot ko dahilan para mangunot ang noo ko.
"Bakit?"nilingon ko ito at tinaasan ng kilay.
"E hindi nga pwede eh.Anong magagawa ko?Eh ayaw ko"sabi ko dito ng may halong inis ang tono.
Kakamot-kamot ulo itong bumaling sa mga kasama."Ayaw"sabi nya dahilan para magtawanan ang mga nandon.
Salubong ang kilay ko ng lingunin ko ang mga iyon dahilan para magsitigilan iyon.
"Miss f*******: Account mona lang"
Biglang umarko ang kilay ko at tumaas kasing taas ng mt.Everest.
"Bakit ba ang kulit mo?Bakit ba ang kulit kulit mo?Bakit ba sobrang kulit?Bakit ba napaka kulit mo?"inis na inis kong sabi."Alam mo ba ang salitang Ayaw ko?"
Dagdag ko pa.
Tatawa sana ang mga kasama nito ng lingunin ko sila at taasan ng kilay.
Nadako ang paningin ko dun sa lalaking may cute na tuta ng mapansin kong naka tingin ito sa akin."Ano?"inis na tanong ko habang walang lumalabas na boses sa aking bibig.Ngumiwi lang sya bago umiling ng umiling.
Inis akong bumaling sa mga kasama ko na ngayon ay nakatingin na sa mga cellphone nila.
"Zaina,nanonood pala ang buong Section G eh"sabi ni Ethan habang naka tingin sa cellphone nya.
"Oh?Anong gagawin ko?"inis parin na tanong ko.Hanggang ngayon ay naiinis parin ako sa mga lalaking yun.
Ngumiwi ito."Tawang-tawa sila habang pinanonood ka.Ang cute mo daw magalit tapos good job ka daw dahil hindi mo binigay ang number mo at hindi ka daw nagpapicture"ngiting- ngiting sabi ni Ethan.
"Tanong mo nga kung happy pill nila ako.Tawa ng tawa eh"mataray kong sabi.
Lumaki ang ngiti nya habang nakatuon sa cellphone ang paningin.Ngiting-ngiti sya na bumaling sakin na ikinataas ng kilay ko.
"Oo daw,happy pill ka daw nila.Lalo daw ni Spade..."
"Ayyyiiiieeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!"
"Uyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!"
"Spadeeeeee pala haaaaaaaaaa!"
"Gago HAHAHAHAHAHAHA!"
Taas kilay ko lang silang pinanonood sa pang-aasar sakin.Wala namang effect!
"Ngiting-ngiti si Spade habang pinanonood si Zaina dahil ang cute daw nitong magalit"basa ni Ethan sa cellphone nya.
Bumaling naman sakin yung tatlo.
"Spade pala ha!"
"Ikaw ha!"
"Gago!"
Inirapan ko lang silang tatlo bago magpipindot sa keyboard ng cellphone ko dahil kachat ko yung Kalix Montefalco na Rp account.Gamit nya ay Rp Account habang ako ay real account.Matagal kona itong ka-chat,mahigit dalawang taon narin
.
"Zaina!Zaina!Biglang dumami yung followers ko ng dahil sayo"tumaas ang kilay ko.
Bakit ako?
"Marami namang nag ppm sakin kung ano daw pangalan ni Zaina"sabi naman ni Mingyu.
Aba ah!
Kinuha ni Mingyu yung camere at ngumiti.
"Guys!Ang pangalan nya po ay Zemira Zaina Everleigh"biglang nanlaki ang aking mata.
"Mingyu!"
Tumingin ito sakin at ngumiti."Oppsssss!
Nadulas!"sabi nya sabay takip ng bibig.
Sinamaan ko ito ng tingin.
Tang'na lang talaga!
"Bwisit ka!"inis kong sabi dito.
"Naghahanap po pala ako ng magiging jowa ni Zaina.Pm nalang po sa may gustong manligaw sa kanya."dagdag ni Mingyu dahilan para batuhin ko ito ng table napkin.
"Baby,nasan nga pala yung isa nyong kasama.Yung leila ba yon?"biglang tanong ni Liam.
"Ayun ba?Umalis sya eh.Ang sabi nya may pupuntahan daw sya pero hindi sinabi kung saan"sabi nito.Bumaling ito kay Liam habang nakataas ang kilay." Bakit?Type moba si Leila?"mataray na tanong nito.
Kita ko ang paglunok ni Liam."No. I'm just asking lang.Kasi wala rin si Jacob kanina,umalis"sabi nito.Bumaba na ang kilay ni Iseah at tumango-tango.
"Ahhh----speaking of the devil!Diba sila yon?"sabi ni Iseah at may tinuro.
Nangunot ang noo ko ng makitang magkasama si Leila at Jacob.Dumiretso sila sa may counter.
Bakit magkasama ang dalawang to!?
Tumayo ako at naglakad papunta sa gawi nila.Nadaanan kopa yung mga lalaking gusto makuha ang number ko.
"Bakit magkasama kayong dalawa?" Agad na tanong ko dahilan para mapapitlag silang tumingin sa akin.
Nanlaki ang mata nila."Zaina!"sabay nilang sabi."Anong ginagawa mo dito?" Sabay nanaman nilang tanong.
Ngumisi ako sa kanila at tinuro yung table namin nila Iseah gamit ang hanlalaki.
"So?..."ani ko.
"Ano.....kasi..."nag-aalinlangan ang tono ni Leila sabay tingin kay Jacob na para bang nanghihingi ng tulong.
Lalong tumaas ang kilay ko.
"I'm courting her"