bc

Wedding Girls - Veronica

book_age16+
88
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
bxg
lighthearted
mystery
city
secrets
sassy
friends
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Veronica was a hopeless romantic. Kaya nga niya piniling propesyon ang pagiging modista ng mga damit-pangkasal ay dahil sa palagi siyang nangangarap ng mala fairy tale romance.

Pero paano matutupad ang sarili niyang istorya ng fairy tale kung kasapi siya ng NBSB society. Meaning, no boyfriend since birth.

At ang nag-iisang lalaking pinag-uukulan niya ng lihim na pagtingin ay ikakasal na sa iba. Lalo na kaya siyang wala nang pag-asa? Paano na ang pangarap niyang magdisenyo ng sarili niyang wedding gown?

chap-preview
Free preview
1
NAKATITIG si Veronica sa display window ng kanyang boutique. Buhat nang isuot niya sa mannequin ang wedding gown na iyon kahapon ng umaga, hindi na nawalan ng tao ang harap niyon. At kayang-kaya niyang basahin ang mga nasa mata ng mga tumitingin sa naturang gown. Pagkamangha at paghanga. Ganoon din ang naramdaman niya noong isang gabi na kunin niya ang package na iyon sa pier. Kasama niya ang broker ni Faye nang tubusin iyon. At habang iniinspeksyon iyon, maski ang tauhan ng Bureau of Customs ay nagpahayag din ng paghanga. Kasama ang kahon ng gown sa isang container van na naglalaman ng ukay-ukay items. Takaw-pansin ang makislap na adorno nito. Pero hindi ukay-ukay ang wedding gown. Nakasaad sa papeles na bagong-bago iyon at ganoon din ang halaga niyon. Seventy-five thousand Hong Kong dollars. Sa palitan ng piso ay humigit-kumulang iyon sa kalahating milyong piso. Mahal na damit-pangkasal kung tutuusin sa majority ng brides na nagpapagawa sa kanya ng wedding gown. Pero hindi naman kasali si Faye sa majority ng brides. Mura pa nga sa level nito ang damit na iyon. Nabibilang yata ang babae sa upper class. At sa huling salitang pumasok sa isip niya ay napakunot siya ng noo. Oo, walang dudang nasa upper class ang katayuan ni Faye pero bakit ang gown na susuutin nito ay isinama sa mga paninda nitong inimporta mula sa Hong Kong? Isa sa pinakamahalagang sangkap sa kasal ay ang wedding gown. At ang halaga ng wedding gown ni Faye ay hindi kagaya ng mga ordinaryong gown na halos i-bargain sa Divisoria. Bakit kaya nito isinabay iyon sa kargamento nito? Kung kailangan iyon ipadala sa Pilipinas, bakit hindi sa pamamagitan ng air courier? Nagtitipid ba si Faye? Malabo, sagot na rin niya sa sarili. At balak sana niyang isatinig ang tanong na iyon pero kinalabit siya ng broker. "Pirma ka dito, Veronica." At pumirma naman nga siya. Nabasa niya sa papel na siya ang consignee ng naturang item. Hindi niya alam ang pasikut-sikot sa ganoong transaksyon kaya nang ipaliwanag sa kanya ng broker na si Mrs. Salcedo na katunayan iyon na siya ang magke-claim ng gown ay tumango na lang siya. Inuna lang nilang kunin ang wedding gown. Ang ukay-ukay items ay idederetso na ng tauhan ni Faye sa warehouse nito sa Mandaluyong. "Tara na sa sasakyan, Veronica. Ayos na." At binuhat na nga ng tauhan nito ang nakakahong pangkasal. Nagtataka pa rin siya pero hindi na siya kumibo pa. Kagaya ng pagtataka niya na kinailangan pa siyang kasama sa pagkuha ng gown na iyon. "Ikaw ang ipinangalan kong consignee ng wedding gown, VV," naaalala pa niya ang usapan nila ni Faye noong isang linggo. "Hindi kasi ako makakasabay sa pag-uuwi ng kargamento. Anyway, kasama mo na naman ang broker ko pagpunta sa pier pagdating ng barko. Mga ilang araw pa ako dito sa Hong Kong. Alam mo na, business." "Bakit naman ako pa ang kukuha ng gown mo? Bakit hindi na lang ang sekretarya mo or tiyahin mo kaya?" aniya. Ang tinutukoy niyang tiyahin ay ang madrasta nito. Hindi niya tuwirang masabi na kung abala ito ay abala din siya. "Gusto kong ikaw na ang direktang humawak ng gown ko, VV. Ia-alter mo pa iyan dahil hindi masyadong fit sa akin. Kung ipagkakatiwala ko sa sekretarya ko, eh, tatanga-tanga iyon. Kung hindi nga lang ako naaawa ay patatalsikin ko na. Baka mamaya ay matastas pa ang mga adorno. Worst, masira ang gown. And knowing my Tita Nancy, hindi iyon papayag na ako ang mag-uutos sa kanya." Hindi niya binili ang katwiran na iyon ni Faye pero hindi na lang siya kumibo. "Basta tatawagan kita uli kapag parating na diyan ang barko. Papasundo na lang kita kay Mrs. Salcedo, yung broker ko." Narinig na lang niya ang sarili niyang nagsasabi ng: "Sige." "Ihahatid na kita pagbalik mo sa boutique, Veronica," untag sa kanya ng broker nang naroroon na sila sa sasakyan. "Ha?" nagulat siya. "Kahit hindi na. Pakilagay na lang iyan sa backseat ng kotse," aniya na ang tinutukoy ay ang gown. "Convoy na tayo," pilit ng broker. "Madaling-araw na. Gusto kong makasigurong makakauwi ka nang maayos." Na-touch siya sa concern nito kaya pumayag na rin siya. Pagdating sa boutique niya na siyang bahay niya rin ay hindi naman na bumaba ng sasakyan si Mrs. Salcedo. Basta tinanaw lang nito na nakapasok na siya sa loob at bumusina na ito at umalis na rin. Halos hindi siya makatulog nang gabing iyon. Ang gusto niyang gawin kaninang nasilayan niya ang gown ay ginawa niya ngayon. Inilabas niya sa kahon ang gown at saka iyon sinipat nang husto. Pero hindi pa man niya iyon nailaladlad ay tumunog na ang telepono niya. Si Faye. "Okay na ba, VV? Nakalabas na ba kayo ng Customs?" "Yup, kadarating ko lang dito sa bahay. Bibistahan ko pa nga lang itong gown, eh. Ang ganda-ganda nito, Faye. Hindi ako makapaniwalang isinugal mo itong isama sa ibang kargamento mo. Maano bang ibayad mo ito nang bukod thru air courier kung sigurado ka namang maiingatan ito?" Tumawa lang si Faye. "Hayan na nga't nakatipid na ako, eh. Kahit naman tinipid ko ang pagbibiyahe niyan, naka-insured din iyan. Ano, mahal ba iyan sa seventy-five thousand HK dollars?" Sandali niyang sinipat ang pangkasal. "Sa burloloy pa lang ay sulit na ang ibinayad mo, Faye." "Iyan nga rin ang nasa isip ko. That's why kahit hindi masyadong fit sa akin ay binili ko na. At para ano pa't may kaibigan si Biboy na couturier61?Lalong wala na akong problema sa kung sino ang mag-a-alter niyan, di ba, VV?" "Yeah." "Hindi na kita aabalahin nang husto, VV. Alam ko namang oras na ito ng pamamahinga. Thanks, VV. May pasalubong ka sa akin pagbalik ko diyan next week." Napangiti siya. "Then, thank you rin."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

His Obsession

read
104.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook