Pinili ko nalang na huwag na pansinin pa ang sasabihin niya. Ang importante sa akin ngayon ay abangan ko nalang ang pagtatapos ng date na ito. Hahayaan ko nalang siya na magsalita nang magsalita d'yan! Basta, na kay Ricky pa rin ang loyalty ko! Sumama lang naman ako pero walang mangyayari na kung anuman sa tuwing kasama ko ang Suther Ho na ito!
"Hintayin mo lang ako dito." Paalam niya sa akin na hindi mabura ang ngiti sa kaniyang mga labi.
Tahimik akong tumango. Hinatid ko lang siya ng tingin habang lumabas siya dito sa tent. Pinapanood ko lang siya habang naglalakad siya palayo. Binawi ko din ang aking tingin at iginala ko ang aking mga mata sa loob ng tent na ito. Ngumuso ako nang dinakot ko ang mga rose petal na nakakalat sa paligid ko at marahan ko iyon pinaulanan pabagsak sa aking mga paa. Umukit ang isang maliit na ngiti sa aking mga labi.
Hindi ko sukat akalain na may lalaking maglalakas-loob na ipakita ang totoo nitong nararamdaman. Iyong walang paligoy-ligoy pa. Kahit noong nanliligaw pa si Ricky sa akin ay masasabi ko na matagal pa bago ko man siya sinagot. Mahigit isang taon itinagal ang panliligaw niya.
Ang mas pumukaw ng atensyon ko ay ang anklet na nasa aking paa. Inilapat ko ang aking mga labi habang pinagmamasdan ko iyon. Walang bakas sa aking pakiramdam na peke ang mga diamond stones nakakabit sa bagay na ito. Diamonds are real.
Hindi man lang ba siya nagdalawang-isip na ibigay sa akin ito? Papaano niyang nasisiguro na inlove nga siya sa akin? Baka wala lang siya magawa talaga?
Ilang saglit pa ay bumalik na si Suther, may dala siyang pabilog na tray. Marahan niya iyon inilapag sa loob ng tent. Napaamang ako nang makita ko na pizza ang laman ng tray na iyon.
"I made a home made pizza. I hope you'll like it." Pahayag niya at umupo pa siya sa tabi ko. "Here, get some, my kitty."
Tipid akong ngumiti at kumuha ng isang hiwa. Tinikman ko iyon. Medyo nanlaki ang mga mata ko. "Masarap." Bulalas ko kahit na may laman pa ang aking bibig sabay tingin sa kaniya.
Lumapad ang kaniyang ngiti sa aking sinabi. Parang kuntento na sa kaniya ang isang salita na iyon. Parang masaya na siya doon.
Heto pala ang sinasabi niyang surprise... Yeah, a surprise date. At the backyard of his house. At saka, mukhang maigi na din ang ganito. Tahimik ang paligid at mukhang kaming dalawa lang ang narito.
"Tanong ko lang," Bigla kong sabi na dahilan para mapatingin siya sa akin. "Sa Indang ka rin ba ang nag-aaral?"
"Nope. Sa Dasmariñas pa. Actually, I'm a college student, taking up Business Ad. Lasalista ako. Sa Dasma din."
Napaawang ang bibig ko. Hindi makapaniwala. Well, halata nga naman sa kaniya. A guy like him deserved to enter in that kind of school. Hindi lang iyon, mas mukha pa siyang taga-Maynila kaysa sa akin. Hindi nga halata sa kaniya na isa siyang probinsyano. "Bakit napadpad ka sa Indang? Bakit nagmamaneho ka ng truck ng mga gulay? Ng mga isda?" Sunod kong tanong.
Mas lalo siya napangiti. "It seems my future wife was interested in me, hm?" Saka mahina siyang tumawa.
Inirapan ko siya. "Eh kung ayaw mong sagutin, eh di 'wag. Okay lang kahit huwag mo nang sagutin. Tss." Pagsusuplada ko. Alright, defense mechanism again.
"Oh! Huwag ka magalit, my kitty. Alright, sasabihin ko na... Well, I was helping my father's friend. He's a farm owner. Sa kaniya ako nagbabakasyon ngayon dahil bored ako. Wala ako magawa." He explained. Tumingon ulit ako sa kaniya na namamangha na naman. Aba, ayos ang isang ito, ha. "Kahit walang bayad basta may mga natutunan lang ako sa mga ganoong bagay, okay na ako doon."
"I see." Ang tanging naging kumento ko. Wala na akong maisip na kasunod na topic.
"How about my future wife?"
Nagkibit ako ng balikat. "I'm planning to enroll at Centro Escolar. I wanted to be a pharmacist, someday."
"Malayo ang eskuwelahan... Hm... Malapit lang ba ang bahay mo doon?" Siya naman ang nagtatanong.
"Actually, balak kong magdorm. Sa Pasay pa ako nakatira."
He touched his chin while he's staring at me. "May unit naman ako malapit sa Centro Escolar. I'll let you to use it..."
Namilog ang mga mata ko. "Ha? Huwag na! Unit mo iyon." Pagtatanggi ko agad.
"Kaya nga unit ko, I can do whatever I want in that place. Hindi ko naman ginagamit iyon for now. Nabisita lang ako doon kapag magkikita kami ng mga pinsan ko." May kinuha siya mula sa bandang likuran niya. Isang inumin. Binuksan niya iyon at inabot sa akin. Tinanggap ko iyon. "Don't worry, hindi ka naman magbabayad ng renta doon. Instead, bibisitahin kita doon every weekend." Mas inilapit pa niya ang mukha niya sa akin habang nanatili nakatitig siya sa aking mga mata. "Kung ano ang akin ay magiging iyon din, my kitty."
Oh my, bakit pakiramdam ko ay nag-iinit ang magkabilang pisngi ko!?
"H-huwag na nga sabi..."
Natahimik siya. Hindi ko masabi kung nalungkot ba siya o ano dahil sa mariin kong pagtatanggi sa kaniyang alok. Okay naman sana, ang kaso lang. Wala akong karapatan para patulan iyon. Unang una, estranghero pa rin siya para sa akin. Lalo na kapag nalaman ni Ricky ito ay paniguradong magagalit siya!
"But if you want it, just tell it, Laraya." Sabi ni Suther. Hindi naman malamig pero seryoso. "Hinding hindi ako magdadalawang-isip na ibigay sa iyo ang lahat. Tandaan mo iyan."
I choose to look away. Lihim ko kinagat ang aking labi.
"Papasok muna ako sa loob. May kukunin lang ako." Muli niyang paalam sa akin.
Sinundan ko lang siya ng tingin habang papalayo siya. Bigla ako nakaramdam ng guilty from nowhere. May mali ba sa pagtatanggi ko sa alok niya? Tingin ko kasi ay iyon ang tama.
Pinili ko din na lumabas sa tent. Balak kong sundan si Suther sa loob. Hihingi nalang ako ng sorry. Ipapaliwanag ko sa kaniya ang iba ko pang dahilan kung bakit tinanggihan ko ang alok niya.
Pero wala siya dito sa Kusina. Napakunot ang noo ko. Nasaan ba nagpunta iyon? Jusko, ang laki ng bahay na ito, papaano ko siya mahahagilap?
"Suther?" Tawag ko sa kaniya.
Pero walang sumasagot. Tengene, nasaan kang lalaki ka? Ang hilig mong iwan ako dito! Kung may kukunin ka, bilisan mo naman bumalik. Leche!
Humakbang pa ako ng tatlo pero hindi ko talaga siya namataan. Natigilan ako nang may huminto na sasakyan sa harap ng bahay na ito. Napaawang ang ibig ko kasabay na ginapangan ako ng kaba. My goodness, hindi kaya mga magulang na ni Suther iyon?! Shet, I need to get outta here!
Mabilis akong umakyat sa hagdan. Maghahanap ako ng kuwarto kung saan ako pwedeng magtago!
May namataan akong pinto sa isang kuwarto na nakabukas. Hindi ako nagdalawang-isip na pumasok doon. May isa pang pinto. Agad ko iyon nilapitan at mabilis na pumasok doon. Pumikit ako ng mariin at isinandal ko ang aking likod sa pinto pagpasok ko.
May naririnig akong rumaragasang tubig. Bakit parang nag-eecho iyon sa buong paligid ko?
Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Bumaling ako sa isang tabi—sa tapat ng bathroom sink. Napasapo ako sa aking bibig nang makita ko si Suther na wala nang saplot pang-itaas!
What the hell?! Bakit may abs ang isang ito?! Anim iyon... at a-ang hot niyang tingnan...
Kahit siya ay nagulat sa bigla kong paglitaw dito sa banyo.
Inilapat ko ang aking mga labi na siya naman ang paglapit niya sa akin. Hindi matanggal ang tingin niya sa akin. Napalunok ako. Kinapa-kapa ko ang pinto para pinihit ang pinto, pero bigla niyang inilapit ang kaniyang katawan sa akin. Dumapo sa pinto ang isang niyang braso. Nakatapat sa mukha ko ang kaniyang dibdib. Bigla ako hindi makahinga dahil sa sobrang lapit na niya sa akin! Nanlalaki ang mga mata ko. Bigo ko mahawakan ang doorknob. Yumuko siya habang ako ay napatingala sa kaniya hanggang sa nagtama ang aming paningin!
Napasinghap ako nang biglang may kumatok sa bandang likuran ko!
"Suther! Narito kami para sunduin ka!" Boses ng isang lalaki mula sa labas! "May gig si Flare malapit dito. Sasama ka ba?"
Hindi ko malaman kung ilalaglag ba ako ni Suther o hindi. Imbis ay ngumiti siya sa akin. "Hindi ako makakasama. Kayo nalang." Malakas niyang sagot sa lalaki na nasa labas. Hindi maalis ang tingin niya sa akin. "Some other time, maybe."
"Are you sure?" Tanong ulit nito.
"Yes. Bawi nalang ako." Tamang lakas ang sagot niya.
Nanatili lang kami sa ganitong posisyon hanggang sa narinig namin ang pagsara ng pinto ng kuwarto ni Suther.
"A-ahm..." I trailed off. "W-wala na siya, p-pwede mo na ba akong pakawalan at lumayo ka na?"
Itinapat niya ang mukha niya sa akin. Pilit kong umatras kahit wala na akong maatrasan! Halos maduling na ako dahil sa sobrang lapit na niya sa akin! "Did you hear my heartbeat, Laraya?" Seryoso niyang tanong sa akin.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"You captured it and now only beats for you."
"S-Suther... " I'm out of words, s**t. Ako na ang umiwas ng tingin. Plase put some clothes, my goodness! "L-lalabas na ako..." Hindi ko na mapigilang itulak siya dahil sa pagkataranta pero hindi ko akalain na pati ako babagsak kaya ang ending ko, nasa ibabaw na ako ni Suther!
Napatili ako ng wala sa oras. Rinig ko ang daing niya na nasaktan, malamang!
"Oh s**t. I'm sorry!" Bulalas ko.
Akmang aalis na ako sa ibabaw niya pero nagawa niya akong pigilan nang bigla niyang isinabit ang hintuturo niyang daliri sa collar ng damit ko! Pinagdilatan ko siya ng mga mata! Shiz, makikita niya ang cleavage ko!
"Suther!" Suway ko sa kaniya. "Bitawan mo nga ang damit ko!"
"Kung masasaktan ako at ganito ang kahahantungan, hindi na ako magrereklamo pa." Aniya.
Anong pinagsasabi ng isang ito? "Bumitaw ka nga sabi." Suway ko ulit.
Subalit parang wala siyang narinig. Gumalaw siya ng marahan at talagang may gana pa siyang ipinatong pa niya ang isa niyang braso sa kaniyang ulo para magsilbing unan niya! Matamis siyang ngumiti sa akin. "Perfect view." Sabi pa niya.
Isang pagtatakang tingin ang iginawad ko sa kaniya. "Wala na akong naiitindihan sa mga pinagsasabi mo."
"I can see your face closer, my kitty. How beautiful you are." Marahan niyang sabi. "I made the best choice of my life to put my eyes on you. Now, I live for you everyday and be my bride someday."
Lumunok ako. Hindi ko na alam kung anong tamang salita na pwede kong sabihin para tumigil na siya! Nasisiraan na ba siya?!
"Everytime I look into your eyes, it makes me wanna kiss you..." Marahan niang hinaplos ang aking pisngi. "Saka na, kapag narinig ko na mahal mo din ako."
Biglang bumilis ang pintig ng puso ko sa mga pinagsasabi niya. Jusme, bakit ba tuwing napapalapit ako sa lalaking ito, bakit ganito ang nararamdaman ko? Para akong kakapusin ng hininga!