"Salamat sa paghatid." Sabi ko nang nasa tapat na kami ng pinto ng bahay ni Lola Loreta.
Alas dyes na ng gabi. Buti nalang ay hindi na kami tumagal pa sa bahay ni Suther dahil paniguradong walang humpay na naman ang mga pagsasabi nito. Kung anu-anong mga banat na naman niya ang maririnig ko. Kaya nagpalusot ako na medyo pagod na at hindi naman ako nabigo. Hinatid talaga ako ni Suther. Ang akala ko pa ay magtatanong pa siya kung bakit.
"You're welcome, my kitty." Masuyo niyang tugon na may kasamang matamis na ngiti. Nagpamulsa siya sa harap ko. Tumingala siya sa bahay na nasa likuran ko. "I'm looking forward for another date."
Lumunok ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Umiwas ako ng tingin. "Goodnight, Suther. Ingat ka sa pag-uwi." Sabi ko.
"Goodnight, Laraya." Mas malambing niyang sabi.
Tinalikuran ko na siya at humakbang na para pumasok na bahay ngunit tumigil ako. Nilingon ko siya. Nanatili siyang nakatayo kung saan ko siya iniwan. Hindi maalis ang ngiti niya. Ang mga ngiti niya, parang masayang masaya siya dahil siguro sa pinagbigyan ko siya ngayong gabi. Pero hanggang doon lang. Wala nang kasunod. Maling mali itong ginawa ko. Hindi dapat ako sumasama sa ibang lalaki lalo na't nakatali pa ako sa relasyon namin ni Ricky.
Hanggang sa tuluyan na akong nakapasok sa loob ng bahay. Doon ay kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga kasabay na pagsapo ko sa aking dibdib. Hinawi ko kaunti ang kurtina sa bintana. Sinisilip ko kung tuluyan na ba siyang umalis but surprisingly, hindi pa. Nanatili pa rin siyang nakatayo sa tapat ng bahay namin.
"Umalis ka na, please?" Bulong ko pa.
Ilang segundo pa'ng lumipas ay tumalikod na si Suther na napakagat sa kaniyang labi na tila pinipigilan ang kaniyang sarili na mapangiti at dinaluhan na niya ang kaniyang sasakyan. Sumakay na siya doon pagkatapos ay tuluyan na siyang umalis.
Marahan akong pumikit at kumawala ulit ng buntong-hininga. "Bakit sa dinami-dami ng babae sa paligid mo, ako pa ang nakikita mo? Lalo na't may boyfriend ako?" Tanong ko kahit wala na siya sa harap ko.
Dumilat ako't nagpasya nang pumunta sa silid namin ni Guia.
Pagpihit ko ng pinto, ang buong akala ko ay tulog na ang aking pinsan, ngunit nagkakamali ako. Gising pa ito at may hawak na english pocketbook. Tumingin siya sa direksyon ko at itiniklop niya ang hawak niyang libro. Umalis siya sa kaniya para lapitan ako na malapad ang ngiti.
"Kamusta ang date ninyo? Kwento ka, dali!" Bakas sa boses niya ang excitement nang tanungin niya ako. Don't tell me talagang hinintay niya ako para lang sa kwento na nangyari kanina? "Sayang, tulog na si Emily kaya hindi niya maririnig tungkol sa date ninyo ni Suther."
Pagod akong lumapit sa kama at umupo sa gilid. Tinanggal ko ang sapatos.
"Wait, anklet ba iyan?" Bulalas pa niya at lumapit ulit sa akin nang makita niya ang bagay sa kaliwa kong paa.
"Yeah, bigay ni Suther."
Suminghap siya na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Oh my, binigyan ka na niya ng anklet!" Tamang lakas ng boses niya nang sabihin niya iyon.
Kumunot ang noo ko. "Anong problema?" Usisa ko pa.
Umupo siya sa tabi ko. "Alam mo ba ang ibig sabihin kapag binigyan ka ng lalaki ng anklet?" Siya naman ang nagtanong.
"Ano?" Medyo curious din ako.
Makahulugan siyang ngumisi bago man siya sumagot. "Like wedding rings, it indicates love and Suther wants you to be his wife. And other that, it's symbolize possession. He owns you."
Lumalaglag ang panga ko sa naging pahayag ng pinsan ko. Like, what the f**k, seriously?
"Nalaman ko lang din kay Emily kung sino talaga si Suther Ho. Naku!" Dagdag pa ng pinsan ko. "Kilala pala si Suther. Pati ang mga pinsan niya." May kinulikot siya sa kaniyan cellphone saka ipinakita nya sa akin iyon. Tumalikwas ang isang kilay ko nang tumambad sa akin ang litrato. Groufie iyon. Puros lalaki at isang babae ang nasa naturang litrato. "Ang iba sa kanila, part time model pa. Famous sila sa social media! Hinalukay ko pa nga mga real account nila."
Hindi ako makapagsalita. Grabe talaga itong si Guia, basta guwapo, go na go ang loka!
Tumayo na ako. "Maghihinaw na ako ng katawan para makatulog na ako." Sabi ko nalang.
Wala na akong narinig pang sasabihin ng pinsan ko. Kinuha ko ang hello kitty kong towel at pumasok na sa banyo.
Pagkatapos kong maghinaw ay dinalo ko na ang kama para humiga. Tulog na si Guia. Nagleave ako ng message kay Ricky. Ilang minuto ding lumipas ay hindi siya sumagot. Marahil ay tulog na siya. Kahit masakit ay wala akong magagawa. Hindi naman pwedeng kulitin siya dahil baka magalit siya sa akin. Baka sabihin, nakapademanding ko.
Bigla ko narinig ang ringtone ng cellphone ko. Napatingin ako sa kamay ko. Hala, gising pa ba siya?
Agad ko sinilip iyon. Kumunot ang aking noo. Nagtataka kung bakit hindi pangalan ni Ricky ang bumungad sa akin. Sa halip ay unknown number pa. Pinili kong buksan ang mensahe na iyon.
FROM : 090634412**
My kitty, Suther here. Nasa bahay na ako. Kakarating lang. Tulog ka na ba?
Napangiwi ako. Walangya, hindi pa siya kuntento na pinilit na niya ako sa date, nagawa pa niyang magtext sa akin?!
Kinagat ko ang aking labi at nagtipa ng mensahe para sa kaniya.
TO : 090634412**
At papaano mo nalaman ang number ko?! Wala akong natatandaan na binigay ko ang number ko sa iyo.
Halos sabunutan ko na ang aking sarili Nafofrustrate na naman ako. Jusme naman, ayaw ako tigilan ng isang ito! Mukhang pinaninindigan niyang gusto niyang maging kabit ko siya! Walanghiyang buhay naman ito!
Ilang saglit pa ay tumunog na ang cellphone ko.
FROM : 090634412**
Nakuha ko kay Emily. Buti nalang binigay niya. Gusto ko sanang itanong kung pwede ka bukas? May pupuntahan tayo.
TO : 090634412**
Pinagbigyan na kita, abusado ka na!
Tumagilid ako ng higa pagkatapos kong isend ang messsage na iyon. Wengya kang lalaki ka!
FROM : 090634412**
I want to be with you, always, my kitty. Wala naman masama doon, diba?
TO : 090634412**
Tumigil ka na nga. Matutulog na ako. Good night!
Pumikit ako ng mariin. Grabe, ang kulit ng isang ito. Ayaw magpatinag. Hindi uso sa kaniya ang salitang 'suko'. Pambihira!
FROM : 090634412**
I'm sorry, my kitty... Please, don't be mad. I can't sleep peacefully if you're mad at me. Please...
Biglang may nagpop out na message mula sa messenger. Kumunot ang noo ko dahil si Mellora ang nagmessage sa akin. She's my an old friend and classmate when I'm in high school.
Mellora Tan : Lara, still awake? I have something to show you. Plase asap.
Hindi ko alam pero bigla ako ginapangan at pagtataka sa message niya. Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin para sagutin iyon.
Ako : Gising pa naman ako. Ano iyon?
Naghintay ako ng sunod niyang mensahe at hindi ako nabigo.
Mellora Tan : Alam kong magugulat ka, pero kung anong ipapakita ko, maniwala ka dahil naroon din ako nang makita ko ang boyfriend mong si Ricky, Laraya.
Mas lalo ako nagtataka doon. Bumangon ako. Mas lalo kumunot ang noo ko. Muli ako nagtipa ng mensahe.
Ako : Naguguluhan ako, Mel. Ano bang ipapakita mo? Pakidiretsahan na ako.
Naghintay ako ng ilang segundo. May ipinadalang litrato si April na dahilan para matigilan ako. Umaawang ang aking bibig. Sinisink in ko pa kung totoo o hindi ang aking nakita. Si Ricky, may kahalikan na babae habang nasa beach. It looks like recent picture 'yon.
Mellora Tan : Believe me, Lara. Gustong gusto kong ipakita sa iyo iyan kahit na alam kong mahal na mahal mo si Ricky. Ilang beses ko na din sila nakikita magkasama ng babaeng iyan. Sinasabi ko sa iyo ito dahil kaibigan kita at ayaw kong maging tanga ka sa fuckboy na iyan. If you want more evidence, I'll give you all.
Hindi ko magawang sumagot sa chat niya pero sige pa rin ang pagpapadala ni Mel ng mga litrato na kinuhaan niya si Ricky at ng babae. Hindi lang isa, apat pa! Apat na iba't ibang babae ang kasama niya habang nakatalikod ako!
Nanginginig ang labi ko't kinagat ko iyon para pigilan iyon. Pero ang luha ko ay hindi ko magawang pigilan. Kasabay napagpiga sa puso ko. It feels like I can't breathe... Good thing, tulog na ang pinsan ko. Sinikap ko na hindi niya marinig ang hikbi ko.
Binuksan ko ang message ni Suther.
FROM : 090634412**
My kitty, still mad at me? I'm sorry...
Mas humigpit ang pagkahawak ko sa cellphone ko. Nagpasya akong replayan ang text niya.
TO : 090634412**
Tawag ka, Suther... Okay lang?
Pilit kong ikalma ang aking sarili. Pinipigilan kog humikbi dahil kasama ko dito sa kuwarto si Guia. Bumaling ako sa kaniya. Mukhang mahimbing na itong natutulog. Baka magising siya kapag narinig niya ang iyak ko.
Nagvibrate ang cellphone ko. Hudyat na tumatawag na nga si Suther. Walang alinlangan kong sinagot iyon.
"My Kitty?"
"I'm sorry for being a stubborn, Suther. Pwede bang samahan mo ako sa Maynila? May gagawin lang ako. Importante." Nanginginig ang boses ko.
"W-what? I mean, why? And your voice is shaking. Are you alright, my kitty?"
"Magiging okay lang ako kapag nasapak ko na ang gagong iyon."
"Who is it, my kitty? May nanakit ba sa reyna ko? Tell me..."
Pilit kong magpakatatag. "Ricky Quirimit." Pilit kong huminga ng maayos. "He cheated on me, Suther."
Ilang segundo siyang hindi nagsalita. Rinig ko ang pagmura niya. "Tang ina. I'll pick you tomorrow afternoon. Huhulihin ko siya para sa iyo, Laraya."